Home NATIONWIDE Bilang ng mga batang nagtatrabaho, bahagyang tumaas noong 2025 — PSA

Bilang ng mga batang nagtatrabaho, bahagyang tumaas noong 2025 — PSA

14
0

MANILA, Philippines – Bahagyang tumaas ang bilang ng mga batang nagtatrabaho na may edad 5 hanggang 17 noong 2025, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, umabot sa 868,540 ang working children noong 2025, mas mataas kaysa 861,450 noong 2024, ngunit mas mababa sa 1.09 milyon na naitala noong 2023. Katumbas ito ng 3.1% ng kabuuang populasyon ng mga bata.

Sa kabuuang bilang, 61.6% o 535,390 ay mga lalaki, habang 38.4% o 333,150 ay mga babae. Karamihan o 73.5% ay nasa edad 15 hanggang 17.

Pinakamaraming batang nagtatrabaho ang nasa sektor ng serbisyo (48.7%), sinundan ng agrikultura (41.2%), at industriya (10.1%).

Karamihan o 69.1% ng working children ay nagtatrabaho nang 20 oras o mas mababa kada linggo, habang 18.4% ang nagtatrabaho ng 21 hanggang 40 oras bawat linggo.

Samantala, umabot sa 513,650 ang mga batang sangkot sa child labor noong 2025, mas mataas kaysa 509,160 noong 2024 ngunit mas mababa sa 678,360 noong 2023. Katumbas ito ng 1.8% ng lahat ng batang may edad 5 hanggang 17.

Sa mga child laborers, 72.7% ay mga lalaki at 27.3% ay mga babae. Pinakamarami rin ay nasa edad 15 hanggang 17 (80.5%).

Patuloy na agrikultura ang sektor na may pinakamaraming child laborers (65.5%), kasunod ang serbisyo (25.8%) at industriya (8.7%). Jocelyn Tabangcura – Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here