Home NATIONWIDE Ban sa pag-angkat ng livestock, karne mula Hungary, inalis na ng DA

Ban sa pag-angkat ng livestock, karne mula Hungary, inalis na ng DA

2
0

MANILA, Philippines – Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang pansamantalang pagbabawal sa pag-angkat ng mga hayop na maaaring tamaan ng foot-and-mouth disease (FMD) at mga kaugnay na produktong mula sa Hungary.

Ginawa ito matapos ibalik ng World Organisation for Animal Health (WOAH) ang FMD-free status ng containment zone ng Hungary. Kinumpirma rin ng WOAH na sumusunod ang lugar sa pandaigdigang pamantayan sa kalusugan ng mga hayop.

Nauna nang ipinatupad ang import ban sa ilalim ng DA Memorandum Order No. 16, Series of 2025 bilang pag-iingat matapos ang paglitaw ng FMD sa Hungary.

Sa ilalim ng Department Circular No. 34, maaari nang ipagpatuloy ang pag-angkat ng mga hayop, karne, at animal by-products mula sa Hungary. Gayunman, lahat ng imported na produkto ay mananatiling sasailalim sa umiiral na sanitary at veterinary regulations ng DA.

Magkakabisa ang bagong kautusan 15 araw matapos itong mailathala sa opisyal na website ng DA at mairehistro sa Office of the National Administrative Register.

“We remain uncompromising in protecting the country’s livestock industry from transboundary animal diseases, but we also recognize the importance of keeping reliable supply channels open once international standards confirm that risks have been effectively managed. This balanced approach strengthens food security and helps stabilize prices for Filipino consumers,” ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Sinabi rin ng DA na ang pagbubukas muli ng importasyon mula Hungary ay bahagi ng layunin nitong palawakin ang mga pinagmumulan ng suplay ng produktong agrikultura upang mabawasan ang panganib sa suplay at mapatatag ang seguridad sa pagkain at presyo ng mga bilihin. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here