MANILA, Philippines- Pumalo na sa 8.6 milyong Pilipina ang gumagamit ng contraceptive na pills, itinuturing na pinakapopular na method sa birth control.
Sinabi ng Commission on Population and Development (CPD) na ang kamakailan lamang na resulta ng data ay mas mataas kaysa sa 8.3 milyon na naitala noong 2022 at sumasalamin sa pambihirang progreso ng pagiging malakas ng mga kababaihan.
Tinuran ng CPD na ang pagtaas ng bilang ng mga kababaihan na gumagamit ng contraceptives ay tumutugma sa kasalukuyang kalagayan ng bansa at nagpapakita na ang panganganak ay mas mababa ng 1.9 na anak.
Ang pigura ay mababa sa ‘replacement level.’
“We have come a long way but we still have more work to do. We need more opportunities, particularly in fields that are dominated by men. Let us remember that women have a multi-faceted role in the family, being the primary caregivers, taking responsibility for nurturing children and managing the household,” ang sinabi ni CPD executive director, Undersecretary Lisa Grace S. Bersales
“It is important that we remain intentional in providing all women from different sectors with the opportunities and voice to create influence and change, especially in society,” dagdag niya.
Base sa CPD data, may 34.48% ng mga kababaihan ang mas gusto ang pills, dahilan para maging pinakapopular ito sa birth control method. Sinundan ito ng injectables na may 20.66%.
Sa kabilang dako, nakapagtala naman ang CPD ng pagtaas sa bilang ng mga kababaihan na gumagamit ng implants.
Sa gitna ng pagtaas sa kamalayan, binigyang-diin ni Bersales ang pangangailangan na patuloy na tiyakin na ang mga kababaihan sa populasyon ay napagtagumpayan ng mga ang kanilang ‘full potential’ at nakuha ang kanilang mithiin na bilang at agwat ng kanilang mga anak.
Winika pa nito na ito’y nakasaad sa Philippine Population and Development Plan of Action or PPD-POA 2023-2028 kung saan saklaw ang walong mahahalagang istratehiya kung saan kabilang ang karagdagang pagsusulong ng populasyon ng mga kababaihan mula sa iba’t ibang demograpiko.
Bukod dito, kabilang din ang mga istratehiya sa pagpo-promote ng responsible parenthood at family planning, pagsusulong ng adolescent health and development, pagsuporta sa labor force empowerment at active and healthy ageing at pagpapabilis sa inclusive development sa hanay ng marginalized sectors ng populasyon.
“As we celebrate national women’s month for this year, let us foster tangible and inclusive calls to action from various groups, providing a platform to voice women’s needs for economic success and meaningful empowerment, as we collectively strive to find solutions for women’s pressing problems,” ang sinabi ni Bersales.
“We are committed to achieving the goal of optimizing demographic opportunities while addressing the remaining population issues and challenges, specifically those of our Filipino women, in order to maximize the Philippines’ socioeconomic potential and improve the quality of life for all Filipinos,” dagdag niya. Kris Jose