MANILA, Philippines – Nagsagawa ng surprise inspection ang National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes, Hunyo 26 sa kanilang custodial facility sa New Bilibid Prison kasunod ng mga ulat ng special treatment sa ilang high-profile detainees.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, isinagawa ang inspeksyon kasunod ng mga ulat na nakakatanggap umano ng “VIP treatment” si ex-lawmaker Arnolfo Teves Jr.
Iginiit ni Santiago na walang sinuman ang nakakakuha ng special treatment, kabilang si
dating congressman Arnolfo Teves, na inilipat sa Manila city jail.
Personal na kinausap ni Santiago ang ilang detainee na nagkumpirma ng patas na pagtrato.
“Ayaw daw nila sa NBI dahil may special treatment?! There is no special treatment here! Maraming lumalabas na dito sa NBI may vip treatment sa hi profile cases. Pano magkaka vip treatment dito, ang skip na nga dito. Kung ano pagkain ng isa, yun din ang pagkain walang special treatment na nangyayari,” ani Santiago.
Anang opisyal, pinaalalahanan lang niya ang mga detention officer na siguruhin ang kaligtasan ni Teves.
“Ang bilin ko lang kay WIlmar ay di ma sasakyan si Teves dyan hindi mapa patay lalo na. Ingatan natin mabuti, dudumugin tayo ng taumbayan kung may mangyari diyan,” ayon pa kay Santiago. RNT/JGC