Home ENTERTAINMENT Binoe, aminadong ‘di na bilyonaryo!

Binoe, aminadong ‘di na bilyonaryo!

Manila, Philippines- Totoo lang, walang halong kayabangan.

Ganito maaaring ilarawan si Senator Robin Padilla matapos niyang aminin sa press na minsan isang panahon sa kanyang buhay bilang aktor ay literal na nakahiga siya sa salapi.

We’re not talking of millions of pesos here kundi bilyon!

Ayon sa aktor-pulitiko, sa dami raw ba naman ng mga nagawa niyang pelikula, he has amassed that much money.

Pero nilinaw naman ni Binoe (palayaw niya) na bahagi ng bilyong pisong meron siya noon ay napunta sa pagtulong sa kanyang kapwa.

Sa ngayon, aminado ang mambabatas na billionaire no more na siya.

Samantala, Robin is keeping his fingers crossed na sana’y makapasa ang ipapasok niyang kalahok sa Metro Manila Film Festival this 2024.

Hango sa buhay ni Gringo Honasan ang aabangan niyang pelikula, na aniya’y kabilang sa kanyang bucket list.

In more ways than one daw ay magkatugma raw sila ng dating senador pagdating sa mga

paniniwala sa pulitika lalo na sa mga reporma sa bayan.

This is Robin’s comeback movie (hopefully with Sharon Cuneta na inaawitan niya) in a long while, na-miss kaya siya ng kanyang mga tagahanga? Ronnie Carrasco III