Home ENTERTAINMENT BLIND ITEM: Aging actress, tameme sa bagong kabit ni mister!

BLIND ITEM: Aging actress, tameme sa bagong kabit ni mister!

Manila, Philippines – Kung ini-interview ang may edad ng aktres na ito (may edad na raw talaga, o! Hahahahahaha!) she projects humility and goodness.

Pero saan ka, sobrang maldita at numero unong user ito.

Kilala rin ito sa pagiging terror when it comes to the women in her husband’s life.

Sinusugod talaga nito ang mga chick na nali-link sa kanyang asawa at pinatitikim nang talim ng kanyang dila na kung magmura ay kabaligtaran ng kanyang pa-tweetum na porma.

Plastic! Hahahahaha!

But lately, marami ang nagtataka kung bakit hindi siya confrontational sa bagong babaeng nali-link sa kanyang asawa.

Matagal ng pinag-uusapan ang relasyon nito sa kanyang asawa pero mukhang tahimik lang ang bruhildang ham actress. Hahahahaha!

‘Yun pala, natameme ang mataray na ham actress dahil sa may katarayan at palaban ang bagong chick ng kanyang mister.

Hindi niya masugod ito at hindi niya magawa ang ikulong ito sa CR tulad ng kanyang dating ginagawa.

Mega scared kasi ang plastikadang aktres dahil kilalang palaban at hindi niya kayang i-domina ang bagong kabit ng kanyang mister.

Yun lang! Hahahahahahaha! Pete Ampoloquio Jr.