Home ENTERTAINMENT Kuya Kim, inakalang patay na!

Kuya Kim, inakalang patay na!

Manila, Philippines – A handful of netizens were quick to jump the gun upon seeing Kim Atienza’s picture he posted on Facebook alongside the photo of the late Mike Enriquez.

‘Yung kay Kim nga lang ay black and white, bale throwback photo niya on his first day on 24 Oras two years ago.

Makikitang may hawak si Kim ng mallit na buwaya.

It’s Kim’s way of expressing his gratitude toward Booma (Mike’s pet name) na aniya’y mainit na nag-welcome sa kanya bilang bahagi ng nasabing news program ng GMA.

Dahil nga black and white, some netizens mistook Kim for having also passed on.

Kalilibing lang kasi kay Mike nitong September 3 sa Marikina Memorial Park makaraang iburol nang ilang araw sa Christ the King Parish Church sa Greenmeadows, Quezon City.

At ang mga nag-akalang pumanaw na rin si Kim ay nanalangin ng rest in peace.

Having read the netizens’ posts av hindi na napigilang magpost ni Kim.

Anito: “Hindi po ako namatay!”

Ganoon na lang ang tuwa ng mga netizens.

Sigh of relief ang paglilinaw na ‘yon ni Kim.

Masaya sila sa “muling pagkabuhay” ni Kim as if he rose from the dead.

Ang iba nama’y sinisisi siya kung bakit ganoon ang ipinost niya.

Naturally, people would have the tendency to think he was dead.

Kung matatandaan, sa guesting ni Kim sa Fast Talk several weeks ago, tinanong ni Boy Abunda si Kim if he was afraid of death.

Ani Kim with his confident answer, he wasn’t scared to die dahil alam niyang sa langit siya mapupunta. Ronnie Carrasco III