Home HOME BANNER STORY Blue alert status itinaas ng NDRRMC para sa Traslacion 2024

Blue alert status itinaas ng NDRRMC para sa Traslacion 2024

Dinagsa ng mga deboto ang unang Biyernes ng 2024 sa Quiapo Church para sa First Friday Mass nito. Kasabay nito, pinangunahan ni Manila Police District Director, Police Col. Arnold Tomas Ibay ang pagpapapila sa mga deboto na dadalo sa misa.

MANILA, Philippines – Itinaas na ang blue alert ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo, bilang paaghahanda sa Traslacion sa Enero 9, 2024.

Sa ilalim ng blue alert status, ang operations center ng NDRRMC ay mahigpit na magbabantay sa kaganapan at nakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng gobyerno na sangkot sa aktibidad.

Pinagana na rin ng NDRRMC ang incident management team ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office.

Susubaybayan at tutugon ng Manila incident management team ang mga emergency na magaganap sa malawakang prusisyon sa gitna ng Pista ng Itim na Nazareno. Santi Celario