Home HOME BANNER STORY Hirit na TRO ng SMNI sa suspensyon, ibinasura ng CA

Hirit na TRO ng SMNI sa suspensyon, ibinasura ng CA

MANILA, Philippines – Tuloy ang ipinataw na 30 araw na suspensyon ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa Sonshine Media Network International (SMNI) dahil sa paglabag umano nito sa franchise terms.

Ito ay matapos ibasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ng SMNI na humihiling na maharang ang suspension order ng NTC.

Sa 5 pahinang resolusyon ng CA 14th Division, idinismis ang
petition for certiorari and mandamus with the application for a temporary restraining order and/or preliminary injunction ng SMNI dahil sa kabiguan nito na maghain ng motion for reconsideration sa NTC bago naghain ng petisyon sa CA.

Sinabi ng CA na dapat muna patunayan ng SMNI na wala na itong ibang sapat na remedyo salig sa Rules of Court.

Nakasaad sa resolusyon na hindi nabigyan ng pagkakataon ang NTC na iwasto nito ang anumang pagkakamali o tugunan ang paratang ng petitioners na nakagawa ito ng grave abuse of discretion ng ipataw ang suspensyon.

Binigyan-diin ng CA na ang hindi paghahain muna ng SMNI ng motion for reconsideration sa NTC ay maituturing na “fatal infirmary”.

Ang SMNI, ay ang broadcast media arm ng Kingdom of Jesus Christ ni Pastor Apollo Quiboloy.

Iginiit sa petisyun ng SMNI na nilabag ng NTC ang konstitusyon ng ibatay sa resolusyon ng Kongreso ang ipinataw na suspensyon.

Nag-ugat ang suspension order sa House Resolution 1499 kung saan nilabag umano ng SMNI ang provisions ng franchise nito partikular ang Section 4 na nagbabawal sa pag-broadcast ng mga maling impormasyon.

Kaugnay ito sa alegasyon ng SMNI hosts na sina Lorraine Badoy at Jeffrey Celiz laban kay Speaker Martin Romualdez na gumastos umano ng P1.8 billion sa kanyang mga biyahe abroad mula January hanggang October ng 2023. Teresa Tavares

Previous articleBlue alert status itinaas ng NDRRMC para sa Traslacion 2024
Next articleGuanzon pinakakasuhan ng Ombudsman