Home OPINION BLUE RIBBON COMMITTEE BUWAGIN NA

BLUE RIBBON COMMITTEE BUWAGIN NA

169
0

MUKHANG alanganin na ngayon ang imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee ukol sa napakalaking korapsyon na kinasasangkutan ng pinakamatataas na opisyal ng ating gobyerno.

Dalawang mahalagang usapin ang nauugnay sa nasabing komite.

Una ang ulat ukol sa imbestigasyon ng korapsyon na nagsimula sa iskam sa flood control projects at nagsanga na sa iba pang mga korapsyon sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan gaya ng sa Department of Agriculture, Department of Education, Bureau of Customs at iba pa.

Ikalawa naman ang ukol sa paglalabas ng korapsyon pa rin ngunit mula sa mga 18 dating sundalo na Philippine Marine Corps at Philippine Army.

Hanggang ngayon, wala pang ulat ang komite ukol sa una habang tila hindi interesado ang komite sa Marines at Army.

Ayon kay Senator Rodante Marcoleta, tila walang pipirma sa report ukol sa una kahit 11 lang mula sa 17 miyembro ng komite na senador ang pipirma para sa majority vote at maging opisyal na report sa bayan.

Sa kabila ng resolusyon ni Manang Senator Imee Marcos para sa imbestigasyon ng mga sundalo, lumitaw na sinisiraan pa ang mga sundalo ng taga-komite, gaya ng nangyari kay ex-Marines Sergeant Orly Guteza.

Ito’y sa kabila ng malaking posibilidad na payag ang mga sundalo na haharap sa Senado, bukod sa Office of the Ombudsman.

Dahil sa mga pangyayaring ito, maaaring mawalan na ng kredibilidad ang Blue ribbon committee at maaapektuhan na rin maging ang Senado mismo.

Ang komite pa naman ang sandalan ng mga mamamayan sa pagkalkal ng katotohanan ukol sa korapsyon, bukod sa Supreme Court.

Ang Kamara, hindi rin maaasahan dahil man lang pagkilos ang mga kongresman para imbestigahan ang mga sundalo, kahit pa ang mga nagsasabing sila’y Makabayan at tanging si Vice President Sara Duterte lang laman ng kanilang utak.

Sa partikular, pwede kayang buwagin na lang ang Senate blue ribbon committee?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here