Home NATIONWIDE Bomba aksidenteng naihulog ng SoKor fighter jets; 15 nasabugan

Bomba aksidenteng naihulog ng SoKor fighter jets; 15 nasabugan

SOUTH KOREA – Labinlimang tao ang nasugatan matapos aksidenteng maghulog ng walong bomba ang dalawang South Korean Air Force KF-16 fighter jets sa labas ng training range sa Pocheon, humigit-kumulang 40 kilometro sa hilaga ng Seoul.

Nasira ang isang simbahan at pito pang gusali sa insidente. Kasama sa mga nasaktan ang dalawang sundalo at dalawang dayuhan, na may mga sugat na mula bahagya hanggang malala.

Inaasahang madadagdagan pa ang bilang ng nasugatan habang may mga residente pang nagpapagamot.

Mahigit 50 residente ang lumikas patungo sa isang town hall malapit sa lugar ng pagsabog.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Air Force ang insidente, na kauna-unahang aksidenteng pagbagsak ng bomba na nagdulot ng mga sugatan. RNT