Home METRO Hepe ng pulis timbog sa P500K puslit na yosi sa MisOc

Hepe ng pulis timbog sa P500K puslit na yosi sa MisOc

126
0

MISAMIS OCCIDENTAL – Arestado ang isang hepe ng pulis at dalawa pang kasama sa checkpoint sa Oroquieta, Misamis Occidental, matapos mahulihan ng P500,000 halaga ng umano’y smuggled na sigarilyo.

Sinubukan ng tintadong sasakyan na umiwas sa COMELEC checkpoint, ngunit napigilan ito at natuklasang may kontrabandong tinakpan ng kurtina.

Nakuha rin ang isang baril at nakumpirmang pagmamay-ari ng nahuling opisyal ng pulisya ang naturang sasakyan. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here