Home NATIONWIDE Bong Go lalo pang umarangkada sa huling Tangere Senatorial Survey

Bong Go lalo pang umarangkada sa huling Tangere Senatorial Survey

Maynila, Pilipinas — Lalo pang pinatatag ni Senador Bong Go ang kanyang pangunguna sa karera sa Senado sa 2025 matapos makapagtala ng 3% pagtaas sa boto sa pinakahuling Tangere Senatorial Preferential Survey. Patuloy siyang pumalo sa Top 1-3 sa lahat ng 17 rehiyon sa bansa.

Sumunod sa kanya si ACT-CIS Representative Erwin Tulfo na may 54.2% boto, bunsod ng matibay na suporta sa Northern Luzon, Central Luzon, at Metro Manila.

Pumwesto sa ikatlo si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na may 48.0% boto, pinalakas ng suporta mula sa Northern Mindanao at CARAGA. Kasama sa Top 20 ang iba pang kandidato na suportado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte tulad ni SAGIP Rep. Rodante Marcoleta (rank 11-18, 33.0%) na nakapagtala ng 8% pagtaas, at ang dating action star na si Philip Salvador na pumasok sa ika-20 pwesto matapos ang 3% pagtaas.

Bukod kay Erwin Tulfo, siyam na opisyal na kandidato ng administrasyon at isang guest candidate mula sa Alyansa slate ay pumasok sa Top 12 (as of Mayo 5):

>Dating Senate President Tito Sotto (tied 4-5, 46.5%)

>Senadora Pia Cayetano (tied 6-9, 41.6%)

>Senador Bong Revilla Jr. (tied 6-9, 41.0%)

>Dating DILG Secretary Ben Abalos (tied 6-10, 40.7%)

>Senador Lito Lapid (tied 6-10, 40.0%)

>Dating Senador Ping Lacson (tied 8-10, 39.0%)

>Senador Francis Tolentino (tied 11-17, 34.3%)

>Dating Senador Manny Pacquiao (tied 11-17, 34.0%)

>Alkalde ng Makati Abby Binay (tied 11-18, 33.8%)

>Cong. Camille Villar (tied 11-18, 33.5%)

Sa mga independent, umangat si Ben “Bitag” Tulfo—kapatid ni Erwin—sa Top 4-5 na may 46.2% boto mula sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao. Pumwesto rin si dating Senador Bam Aquino sa ika-11 hanggang ika-16 (34.9%), habang si Senador Imee Marcos ay nasa ika-12 hanggang ika-19 na pwesto na may 32.5% boto.

Isinagawa ang non-commissioned survey ng Tangere mula Abril 29 hanggang Mayo 3, 2025 sa pamamagitan ng mobile app na may 2,400 respondents sa buong bansa. Ito ay may margin of error na ±1.96% sa 95% confidence level gamit ang stratified random sampling: 12% mula NCR, 23% sa Northern Luzon, 22% sa Southern Luzon, 20% sa Visayas, at 23% sa Mindanao.

Ang Tangere ay isang award-winning na tech-based market research firm at miyembro ng MORES, ESOMAR, at PANA. Isa rin ito sa unang nakarehistro sa COMELEC bilang lehitimong survey firm. RNT