Home HOME BANNER STORY Boston Celtics kampeon na sa NBA

Boston Celtics kampeon na sa NBA

MANILA, Philippines – Tuluyang nang sinungkit ng Boston Celtics ang kampeonato sa NBA matapos talunin sa Game 5  ang naghihingalong Dallas Mavericks, 106-88.

Tambak ang inabot ng Mavericks sa tinawag ng Celtics na matamis na kampeonato.

Pinangunahan ni Jayson Tatum ang opensa ng Celtics sa kanyang 9 rebounds, 11, assist at 31 points habang umambag  sina Jaylen Brown,  8 rebounds, 6 assist at  21 points samantalang si  Jrue Holiday ay may 15 points sa paglalaro ng 20 minutes.

Tumulong din sa depensa at rebound si Kristaps Porzingis ng 5 points, 4 rebounds, 1 assist, na naglaro sa kabila ng injury upang masiguro na makukuha nila ang kampeonato sa Game 5 at hindi na bigyan ng pagkakataon ang Dallas na makarekober mula sa pagkakabaon sa 3-1 na kumunoy.

Naging secret weapon ng Celtics ang ginagawang three pointers ni Derrick White na pumuntos ng 14 points

Sa panig ng  Mavericks, nanguna sa opensa si Luka Doncic na may 28 points at Kyrie Irving, 15.

Sinubok pa ng Mavericks na humabol sa  kalahatian ng 4th quarter subalit hindi na sila pinayagan ng ganadong si Tatum na binigyang lakas ng jampack crown na nagkakantahan at nagchecheer  sa TD Garden.

Sa ganap na 2 minutes sa final canto, sumuko na ang Mavs at lumabas na ang kanilang mga starters  at star players. Inilabas na rin ang starters ng Celtics sa garbage time.

Ayon kay Doncic at Irving, ginawa nila ang lahat upang mapalawig pa sa Game 6 ang laban subalit talagang mas magaling ngayong gabi ang Celtics kaya sila ang hinirang na kampeon.

Hinirang na Finals MVP si Brown dahil sa kontribusyon nito sa naging kampeonato ng Celtics.