Home ENTERTAINMENT Boykot kay Vice, pinanawagan!

Boykot kay Vice, pinanawagan!

1
0

Manila, Philippines – Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang hindi pag-acknowledge ni Vice Ganda sa co-host na si Kim Chiu nang manalo siya at ang kanyang noontime show sa isang award-giving body.

Siyempre, nasaktan ang KimPau fans para sa kanilang idol na chinita actress na bahagi rin ng programa.

Dahil din sa nangyari, nabatikos si Meme.

Sa kabilang banda, nag-react naman si Vice at tinawag na toxic, entitled at cheap ang fans ni Kim.

Ang siste, tinag pa nito si Kim sa kanyang komento sa X na lalong ikinaimbudo ng kafaneyan.

Hindi naman nagpaawat ang KimPau fans dahil palaban din ito sa fans ni Vice na bumabatikos din kay Kim.

Nagpaalala pa ang fans kay Kim na huwag masyadong mabait dahil nate-take advantage daw ito ni Meme.

Inihalimbawa pa nila ang pagpapa-block screening ni Kim ng MMFF movie ni Vice na wala namang katumbas na suporta kay Meme pagdating sa pelikula ng KimPau.

May mga nanawagan na iboykot ang upcoming MMFF movie ni Vice.

May nag-suggest din na layasan ni Kim ang noontime show.

Ito ang ilan sa komento ng KimPau fans.

“Pinatulan Niya talaga Ang mga Fans sino KAYA Ang matatawag na toxic ngayon,hayyyss!”

“Wag matakot sa kabayo may dragon tayo.”

“Para siyang kabayo na noong tinapik ay biglang nanadyak. Sa halip na tanggapin yung comento ng isang fan at gamitin iyon para iwasto ang pagkakamali niya ay tinawag pa niya na kacheapan. Asal kabayo talaga “

“No job is worth sacrificing your self-respect. If you’re constantly undervalued, bull!ed, and subjected to power trips despite your hard work and dedication, maybe it’s time to leave.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here