Home HOME BANNER STORY Romualdez may sagot sa pahayag ni PBBM

Romualdez may sagot sa pahayag ni PBBM

1
0

MANILA, Philippines – Iginagalang ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang mga naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kanyang State of the Nation Address(SONA) kaugnay ng mga isyung ibinabato sa kaniya, at iginiit na hindi siya kailanman humingi ng anumang pabor o espesyal na pagtrato habang naninindigan na handa siyang sumailalim sa tamang proseso ng batas.

Binigyang diin pa ng Pangulo sa unang bahagi ng kaniyang ika-limang state-of-nation-address (SONA) na “Masakit man sa akin ngunit kailangan nating gawin ang tama. Hindi ako pangulo ng aking pamilya hindi ako pangulo ng aking kaibigan. Ako ay pangulo ng Pilipinas.”

Sa isang pahayag, sinabi ni Romualdez na batid niya ang bigat at sakit ng kontrobersya para sa kaniang pamilya, ngunit tinatanggap niya ang posisyon ng Pangulo.

“Masakit man ito sa aming pamilya, iginagalang ko ang naging pahayag ng Pangulo. Hindi ako kailanman humingi ng pabor o espesyal na pagtrato,” ani Romualdez.

Sinabi pa ng dating speaker na tumpak na sundin ang batas at gawin ang tamang proseso ngunit kailangan aniyang patunayan ito ng mga ebidensya.

”Sang-ayon ako na gawin natin ang tama. Ang tama ay ang sumunod sa proseso at hayaan ang ebidensya ang magsalita. Naninindigan akong wala akong ginawang anumang labag sa batas. At handa akong patunayan ito,” maikling tugon ni Romualdez sa pahayag ng Pangulo. Meliza Maluntag/Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here