Home OPINION BRAVE 18, BERSAMIN, ZALDY CO SA SBRC

BRAVE 18, BERSAMIN, ZALDY CO SA SBRC

79
0

HABANG tinitipa ito, hindi pa maliwanag kung may pagpapalit na sa pinuno ng Senate Blue Ribbon Committee o SBRC na nag-iimbestiga sa 1.3 trilyong anomalya sa flood control projects.

Pero dahil bago na ang pamunuan ng Senado sa katauhan ni Senate President Alan Peter Cayetano, posibleng magkakaroon na rin ng bagong SBRC chairman at hindi mananatili sa kamay ni Senator Panfilo Lacson.

Ngunit anoman ang mangyari rito, dalangin nating muling mabuksan ang imbestigasyon para lumitaw na ang buong katotohanan dito.

Nais nating maging malinaw kung sino ang pasimuno o mga magkakasabwat para pagnanakawin ang nasabing dambuhalang buwis ng taumbayan at ibulsa ito sa halip na gamitin at ibalik sa taumbayan bilang pakinabang.

At ang pasimuno o magkakawabwat ay dapat na managot.

Nasa isip natin, mga brad, ang mga tinatawag na Brave 18 na binubuo ng 16 ex-Marines at 2 sundalo, dating ex-Marine Orly Guteza, dating Executive Secretary Lucas Bersamin at apo niyang si Adrian Bersamin, dating Ako Bikol Representative Zaldy Co, dating ex-Speaker Martin Romualdez, ex-Budget Secretary Aminah Pangandaman at iba pa.

Kapag tinawag ang mga ito at magpakita sa imbestigasyon ng BRC, makapagbibigay sila ng kaliwanagan sa anomalya at makamit ng taumbayan ang katotohanan at katarungan.

Walang duda na dadalo ang Brave 18 habang may pumipigil kay Guteza at nagpapabago sa kanyang affidavit.

Si ex-ES Bersamin, nagpahayag siyang handa siyang humarap at magsalita makaraang basta na lang siyang sibakin sa Malakanyang habang naghayag ng nalalalam naman si Adrian Bersamin, ayon kay Batangas Congressman Leandro Legarda-Leviste.

Baka pupwede ring maisailalim na rin si Co sa deposition o kaya’y magtestigo sa bisa ng online na komunikasyon kung hindi ito makadalo sa pagdinig.

Makapagbibigagay-linaw rin si Pangandaman na daluyan ng salapi papasok at palabas ng Malakanyang.

Matapos lahat ng ito, pupwede nang makilala at maparusahan ang mga dapat managot at makamit sa wakas ang katarungan ng taumbayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here