Home NATIONWIDE ‘Build, Better, More’ program paiigtingin sa extended work hours

‘Build, Better, More’ program paiigtingin sa extended work hours

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pinalawig na construction hours at round-the-clock emergency repairs sa government infrastructure projects bilang bahagi ng “Build, Better, More” program ng gobyerno.

Sa video message na ipinost sa Facebook nitong Sabado ng gabi, sinabi ni Marcos na nilalayon ng kanyang direktiba na matiyak ang mabilis na pagkumpleto ng mahahalagang infrastructure projects.

“Under the Build, Better, More, program, we will intensify ongoing infrastructure projects. Construction hours will be extended and emergency repairs will be conducted round-the-clock to ensure timely completion,” anang Pangulo.

“Para hindi nape-perwisyo ang publiko sa mga substandard na imprastraktura na kailangang paulit-ulit na ayusin pagkalipas ng ilang taon lamang o pagkatapos ng bagyo,” dagdag ni Marcos.

Nilalayon ng “Build, Better, More” infrastructure program ng pamahalaan na palawigin ang “Golden Age of Infrastructure” ng bansa sa pamamagitan ng pagtatayo at pagkukumpuni ng high-impact projects tulad ng farm-to-market roads, mass transport systems, airports, expressways, mga tulay, at pantalan. RNT/SA