MANILA, Philippines – Nagbuga ng abo ang Kanlaon Volcano sa Negros Island nang mahigit isang oras nitong Miyerkoles ng umaga, ayon sa PHIVOLCS.
“Ash emission at the Kanlaon summit crater was observed to have begun at 6:18 a.m. today, 17 September 2025… producing a low plume drifting north-northeast,” ayon sa PHIVOLCS. Natapos ang aktibidad bandang 7:27 a.m.
Nananatili sa Alert Level 2 ang bulkan na nangangahulugang may pagtaas ng unrest at maaaring magkaroon ng biglaan at mapanganib na phreatic eruption.
Ipinaalala ng mga awtoridad na bawal pumasok sa loob ng apat na kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) at bawal din ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan. Santi Celario