Home NATIONWIDE CAAP tiniyak na walang flight disruptions sa Mahal na Araw

CAAP tiniyak na walang flight disruptions sa Mahal na Araw

MANILA, Philippines- Ginarantiya ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Martes na walang magiging flight disruptions ngayong Holy Week, kung kailan dagsa ang mga pasahero sa mga paliparan para sa holidays.

May nakalatag umanong plano, at lahat ng sistema ng Communications, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) ay gumagana, anito.

Matatandaang daan-daang flights ang nakansela at naantala, kung saan libong pasahero ang naapektuhan nang magkaaberya ang CNS/ATM noong Jan. 1, 2023.

“We have to ensure that all equipment are operational, all personnel are present, and can attend to any issues we may face during Holy Week. With that, we see that CAAP is ready, and we thank you for preparing for this Lenten season,” pahayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista nang inspeksyunin ang CNS/ATM ng CAAP nitong Martes. RNT/SA

Previous articlePCG K9 Force nakaalerto ngayong Semana Santa
Next articlePITX: 4 driver ‘tumakas’ sa random drug test