Home NATIONWIDE PCG K9 Force nakaalerto ngayong Semana Santa

PCG K9 Force nakaalerto ngayong Semana Santa

MANILA, Philippines- Nakaalerto ang Coast Guard K9 Force upang maitaguyod ang kaligtasan at seguridad sa mga pantalan ngayong Semana Santa.   

Mahigpit na iniinspeksyon ng mga Coast Guard explosive and narcotics detection dogs ang mga bagahe at maleta ng mga pasaherong pauwi ng probinsya at papunta sa iba’t ibang tourist destinations sa bansa. 

Liban sa mga pantalan, makikita rin ang mga Coast Guard working dogs sa mga paliparan at istasyon ng tren sa Metro Manila bilang pakikiisa sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024 ng Department of Transportation (DOTr) mula ika-24 hanggang ika-31 ng Marso 2024. 

Samantala, umabot na sa 46,756 outbound passengers at 43,421 inbound passengers ang naitala ng PCG sa lahat ng daungan sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleHigh ranking NPA leader, 2 pang rebelde patay sa engkwentro
Next articleCAAP tiniyak na walang flight disruptions sa Mahal na Araw