Home METRO High ranking NPA leader, 2 pang rebelde patay sa engkwentro

High ranking NPA leader, 2 pang rebelde patay sa engkwentro

LUCENA CITY- Nasa tatlong umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa sagupaan sa militar sa bayan ng Rosario sa lalawigan ng Batangas nitong Martes.

Sinabi ng Batangas police sa initial report na nakaengkwentro ng mga nagpapatrolyang Army soldiers sa pangunguna ni Brig. Gen. Erwin A. Alea mula sa 59th Infantry Battalion ang hindi natukoy na bilang ng mga armadong NPA rebels sa Barangay Leviste (Tubahan) bandang alas-6:31 ng umaga.

Tumagal ang bakbakan ng 30 minuto, kung saan kalaunan ay umatras ang communist guerrillas.

Iniwan ng mga tumakas na rebelde ang mga bangkay ng tatlong nasawing kasamahan na kinilalang sina Junalice Arante-Isita alyas Arya, kalihim ng Sub-Regional Military Area 4C, Bernardo Bagaas alyas John Paul, Logistics Officer (P4) ng SRMA-4C, at Erickson Bedonia alyas Ricky, miyembro ng SRMA-4C

Ayon sa mga awtoridad, walang nasawing sundalo sa engkwentro.

Nagtalaga na ng mga sundalo upang tugisin ang iba pang mga rebelde. Ellen Apostol

Previous article9 lugar sapul ng ‘dangerous’ heat indices noong Marso 26
Next articlePCG K9 Force nakaalerto ngayong Semana Santa