Home NATIONWIDE 9 lugar sapul ng ‘dangerous’ heat indices noong Marso 26

9 lugar sapul ng ‘dangerous’ heat indices noong Marso 26

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng “dangerous” heat indices sa siyam na lugar sa bansa nitong Martes, Marso 26.

Naiulat ang pinakamataas na heat index nitong Martes na 44°C sa Roxas City, Capiz, base sa PAGASA. 

Ayon pa sa ahensya, naramdaman ang heat index na 42°C sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Pasay City; Puerto Princesa, Palawan; CBSUA-Pili Camarines Sur; at sa Cotabato City, Maguindanao. 

Samantala, naitala naman ang heat index na 43°C sa San Jose, Occidental Mindoro; Masbate City, Masbate; Iloilo City, Iloilo; at Butuan City, Agusan del Norte. 

Pinayuhan ng weather bureau ang publiko na ang heat indices na 42-51°C ay maaaring magresulta sa heat cramps at heat exhaustion, habang posible naman ang heat stroke kapag nagpatuloy sa aktibidad sa gitna ng ganitong init. RNT/SA

Previous articlePasok sa trabaho, eskwela sa Maynila half day lang ngayong Miyerkules Santo
Next articleHigh ranking NPA leader, 2 pang rebelde patay sa engkwentro