Home NATIONWIDE California sapul ng matinding baha, mudslide

California sapul ng matinding baha, mudslide

UNITED STATES – Sinalanta ng matinding pagbaha at mudslide ang ilang lugar sa Southern California.

Mula Huwebes, Pebrero 13, ay bumubuhos na ang matinding ulan sa malaking bahagi ng rehiyon, at nagdulot ng pagbaha at mudflows sa Pacific Palisades, Altadena at Pasadena.

Iniulat ang record rainfall sa downtown Los Angeles sa 2.8 inches, o mas mataas sa record na 2.71 inches noong 1954.

Nag-isyu ng kabi-kabilang flash flood warnings ang National Weather Service sa Los Angeles County, kabilang ang Eaton, Palisades, Franklin at Bridge fire burn areas.

Ayon sa NWS, ang dami ng ulan na naitala sa ilang lugar ay sapat na para magdulot ng pagbaha at pag-agos ng mga debris.

Samantala, sinabi ng NWS forecasters na sa pag-iisyu ng flash flood warnings, “There is now a high risk for a life-threatening debris flow.”

Sakop ng flood warnings ang mga lugar ng Malibu, Topanga State Park, Pacific Palisades, Brentwood, Topanga Canyon Road through the Santa Monica Mountains and Mandeville Canyon, Malibu Canyon and Las Virgenes roads through the Santa Monica Mountains, Mount Wilson, Pasadena, Altadena, Sierra Madre, Arcadia, Monrovia, Chatsworth, Northridge, Woodland Hills, Encino, Van Nuys, Santa Clarita, North Hollywood, Beverly Hills, Santa Monica, Universal City, Burbank, Hollywood, Venice, Culver City at Griffith Park. RNT/JGC