Home NATIONWIDE Call center job pinakamaraming bakanteng posisyon sa bansa

Call center job pinakamaraming bakanteng posisyon sa bansa

MANILA, Philippines – May kabuuang 15,144 na bakanteng trabaho na sumasaklaw sa limang top 5 positions  ang available sa buong bansa, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Miyerkules.

Sa datos ng Bureau of Local Employment (BLE) ng DOLE, nangunguna ang mga call center agent sa bilang ng mga bakante sa 4,508 sa panahon ng Setyembre 25 hanggang 29.

Sinundan ng production machine operators na may  4,170 vacancies at executive assistants na may  3,202.

Sinabi ng BLE na in demand din ang mga production workers  na may 1,867 na bakanteng trabaho.

Kasama rin sa mga trabahong ito ang mga domestic helper na may 1,397 na available  positions.

Ayon pa sa bureau na ang datos ay mula sa Public Employment Service Office (PESO) Employment Information System (PEIS).

Ang impormasyon ay galing din sa PhilJobNet, isang portal ng job matching na pinapatakbo ng gobyerno. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)