Home ENTERTAINMENT Campaign jingle ni Wil, kinuha sa Wowowee!

Campaign jingle ni Wil, kinuha sa Wowowee!

150
0

Manila, Philippines- May bahagyang binago lang sa ilang bahagi nito, pero halaw sa theme song ng Wowowee ang campaign jingle ng senatorial candidate na si Willie Revillame.

Ang Wowowee ang pamagat ng show ni Willie sa ABS-CBN mula 2006 hanggang 2010.

Willie owns the rights to its theme song dahil nanalo nga siya sa kaso noon laban sa network.

Komposisyon ito ni Lito Camo na sumulat din ng marami sa kanyang mga awitin.

Sinadyang “baliin” lang ito para angkop gamiting campaign jingle.

Speaking of which, nakatutok ngayon ang TV host sa kanyang fitness program.

Ito’y bilang paghahanda nga sa rigors na kaakibat ng kanyang pangangampanya.

Bale ang personal fitness trainor niya na si Hazel Calawod ay ang occupational therapist mismo ng two-time gold medalist na si Carlos Yulo.

Ang magsisilbing gym ni Willie ay ang 42nd floor ng Wil Tower.

One-on-one ang training niya sa ilalim ni Hazel.

Nauna rito’y namili si Willie ng iba’t ibang gym equipment para sa kanyang fitness regimen. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here