Home NATIONWIDE Transport group dumaing sa bigtime oil price hike

Transport group dumaing sa bigtime oil price hike

159
0

MANILA, Philippines- Binatikos ng transport group na PISTON nitong Martes ang P2.70 na dagdag sa kada litrong presyo ng diesel, sinabing malaki ang magiging tapyas sa arawan nilang kita.

Sa isang panayam, sinabi ni PISTON national president Mody Floranda na labis na makaaapekto ang oil price hike sa mga driver ng jeep dahil mababawasan ang kita ng mga ito ng halos P81 kada araw.

“Malaking epeketo ang pagtaas ng P2.70 per liter sapagkat kapag tinignan natin, halos P81 per day ang nawalang kita ng drayber at mga operator na dapat ito’y nagagagmit na sa pangangailangan ng kanilang pamilya,” ani Floranda.

“Kapag tinignan natin sa loob ng 25 days ay halos P2,000 ’yung direct na nawala dahil nga sa epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo,” dagdag niya.

Inanunsyo ng oil companies nitong Lunes ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina ng P2.65, diesel ng  P2.70, at  kerosene ng  P2.60.

Epektibo ang adjustments ngayong Martes. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here