CALAUAN, Laguna- Nadakip ng mga pulis ang hinihinalang pinuno ng Alipon Carnapping Group sa Barangay San Isidro, sa bayang ito, nitong Huwebes.
Kinilala ni Police Col. Rommel Estolano, pinuno ng Police Regional Office 4-A Highway Patrol Group, ang suspek na si Nemencio Alipon, 39.
Nadakip si Alipon sa bisa ng warrant para sa carnapping na ipinalabas ni Judge Gil Jude Franco Santa Maria Jr., Presiding Judge, Branch 102, Fourth Judicial Region, Santa Rosa City, Laguna.
Swak si Alipon sa listahan ng most wanted person sa Santa Rosa City.
Sangkot umano ang suspek sa large-scale “rentangay,” rent, sangla, at pasalo schemes noong 2023.
Nahuli si Alipon noong taon iyon subalit nakalaya matapos makapagpiyansa. RNT/SA