Home HOME BANNER STORY Cassandra Li Ong ililipat sa Kamara, Shiela Guo sa Senado

Cassandra Li Ong ililipat sa Kamara, Shiela Guo sa Senado

MANILA, Philippines – Ituturn-over sina Cassandra Li Ong at Shiela Guo, mga kasama ni dating Bamban Mayor Alice Guo, sa Kamara at Senado ngayong Lunes, Agosto 26, mula sa National Bureau of Investigation (NBI).

“Ngayon daw sabi ng NBI,” sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Ong sa pulong balitaan.

“The director himself, who called Atty. Lumanggaya 30 minutes before it was supposed to happen. So dapat kapag na ta-transfer mo, dapat andoon kami to effect the transfer together with the client,” dagdag niya.

Kamakailan ay nag-isyu ang Kamara ng kautusan na kunin ang kustodiya ni Ong matapos siyang patawan ng contempt order dahil sa patuloy na pag-isnab sa imbestigasyon sa POGO-related crimes.

Si Ong ang authorized representative of the Lucky South 99, isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na nilusob sa Porac, Pampanga habang si Guo ang kapatid ng pinatalsik na alkalde.

Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug, si Guo ay dadalhin sa Senado.

Si Shiela naman ang kabilang sa mga personalidad na ipinag-utos na arestuhin ng Senado noong Hulyo.

Kinumpirma naman ni NBI Director Jaime Santiago ang naturang impormasyon.

“We will be turning over Cassandra to the House and Sheila to the Senate,” aniya.

Ang paglilipat ay aprubado naman ng Department of Justice (DOJ).

“But then sinabi namin sa kanila, ‘wag nila ire-release, i-turn over ulit sa amin pagkatapos na sila dahil merong pending case na finile ang NBI,” ani Santiago.

Naghain na rin ng apat na kaso laban kay Ong at dalawa laban ay Guo.

Naunang napunta sa NBI ang kustodiya nina Ong at Guo matapos silang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong nakaraang linggo matapos silang arestuhin sa Indonesia. RNT/JGC