HOME BANNER STORY - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Sat, 07 Nov 2026 23:37:28 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.1.4 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png HOME BANNER STORY - Remate Online https://remate.ph 32 32 Mas marami pang hayop na itinapon, natagpuan sa bagong lugar sa Bulacan https://remate.ph/mas-marami-pang-hayop-na-itinapon-natagpuan-sa-bagong-lugar-sa-bulacan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mas-marami-pang-hayop-na-itinapon-natagpuan-sa-bagong-lugar-sa-bulacan https://remate.ph/mas-marami-pang-hayop-na-itinapon-natagpuan-sa-bagong-lugar-sa-bulacan/#respond Sun, 08 Nov 2026 05:00:39 +0000 https://remate.ph/?p=764389 MANILA, Philippines – Nadiskubre nitong Sabado, Nobyembre 7, ang panibagong site na naglalaman ng mga labi ng hayop na itinapon at nakasilid sa plastic bag sa Barangay Gaya-Gaya, San Jose del Monte, Bulacan. Ayon sa animal welfare group na Luna and Furry Friends, hindi na mabilang ang eksaktong bilang ng mga labi ng hayop na […]

The post Mas marami pang hayop na itinapon, natagpuan sa bagong lugar sa Bulacan first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Nadiskubre nitong Sabado, Nobyembre 7, ang panibagong site na naglalaman ng mga labi ng hayop na itinapon at nakasilid sa plastic bag sa Barangay Gaya-Gaya, San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon sa animal welfare group na Luna and Furry Friends, hindi na mabilang ang eksaktong bilang ng mga labi ng hayop na kanilang nadiskubre mula pa sa unang pagkakakita sa mga ito noong nakaraang linggo.

Sa bagong diskubreng site, ang mga labi ng aso at pusa ay nasa iba’t ibang decomposition period na.

Ang ilan ay tila bagong tapon pa lamang ngunit ang iba ay hindi na makilala at liquefied na.

Nitong Sabado, narekober ng grupo ang 12 pang labi ng hayop at 16 pa malapit sa access road.

Ayon kay Chris Taylor, founder ng Luna and Furry Friends, ang search efforts ay sa tulong ng kanilang mga informant na mas piniling hindi makipag-ugnayan sa local government unit (LGU).

“We’ve already checked the other fields, we’ve already gone down to the end, and we checked the bypass road itself, there was nothing that we found anywhere. It was all exactly what we were told. We have a couple of informants that are working with us. They don’t want to deal with the LGU,” sinabi ni Taylor.

Ininspeksyon naman ng mga tauhan ng Barangay Gaya-Gaya at San Jose del Monte police ang lugar matapos makatanggap ng report sa bagong diskubreng site.

Tumanggi namang magbigay ng komento ang kapitan ng barangay sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Nakuhanan ng litrato at video para sa dokumentasyon ang lahat ng mga narekober na labi. RNT/JGC

The post Mas marami pang hayop na itinapon, natagpuan sa bagong lugar sa Bulacan first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/mas-marami-pang-hayop-na-itinapon-natagpuan-sa-bagong-lugar-sa-bulacan/feed/ 0
Prosekusyon bigo sa pagdidiin kay VP Sara – Panelo https://remate.ph/prosekusyon-bigo-sa-pagdidiin-kay-vp-sara-panelo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=prosekusyon-bigo-sa-pagdidiin-kay-vp-sara-panelo https://remate.ph/prosekusyon-bigo-sa-pagdidiin-kay-vp-sara-panelo/#respond Sun, 08 Nov 2026 02:12:05 +0000 https://remate.ph/?p=764377 MANILA, Philippines – Nabigo ang prosekusyon na idiin si Vice President Sara Duterte na nagkasala ito, ayon kay OVP spokesperson Atty. Salvador Paolo Panelo Jr. Sa pahayag nitong Sabado, Nobyembre 7, binatikos ni Panelo ang pinakahuling mga tirada ng prosecution panel. “We apparently live in two worlds. One where due process and fairness still reign—where […]

The post Prosekusyon bigo sa pagdidiin kay VP Sara – Panelo first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Nabigo ang prosekusyon na idiin si Vice President Sara Duterte na nagkasala ito, ayon kay OVP spokesperson Atty. Salvador Paolo Panelo Jr.

Sa pahayag nitong Sabado, Nobyembre 7, binatikos ni Panelo ang pinakahuling mga tirada ng prosecution panel.

“We apparently live in two worlds. One where due process and fairness still reign—where an accused is not condemned before she is heard, and where allegations must be proven with clear and convincing evidence presented in court. The other is wherever Atty. Lorna Kapunan and her colleagues have decided these rules no longer apply,” sinabi ni Panelo.

“One world seeks the truth. The other desperately tries to persuade an increasingly skeptical public with asinine sound bites built on half-truths and malicious speculation, spewed out in daily, obtrusive, and nauseating press briefings and interviews,” dagdag pa.

“The prosecution had its chance. It failed. On Monday, the Vice President begins her defense,” aniya.

Kinontra naman ng dalawnag miyembro ng prosecution panel ang pahayag ni Panelo at sinabing hindi nila ito ikinokonsiderang pagkabigo kung tinanggap ng korte ang kanilang ebidensya.

“In what alternate universe did we actually fail at this point, if we failed, hindi pasok ang mga ebidensya na ito,” sinabi ni Rep. Terry Ridon, House Prosecutor.

“Yun ang claim nila, ibig sabihin parang walang kwenta, walang saysay ang ebidensya natin pero sa first week pa lang they already want to present 24 witnesses, parang di masyadong consistent,” ayon naman kay legal spokesperson Atty. Jay Tolosa. RNT/JGC

The post Prosekusyon bigo sa pagdidiin kay VP Sara – Panelo first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/prosekusyon-bigo-sa-pagdidiin-kay-vp-sara-panelo/feed/ 0
Maximum alert itinaas ng DENR vs wildfire sa ‘very strong’ El Niño https://remate.ph/maximum-alert-itinaas-ng-denr-vs-wildfire-sa-very-strong-el-nino/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=maximum-alert-itinaas-ng-denr-vs-wildfire-sa-very-strong-el-nino https://remate.ph/maximum-alert-itinaas-ng-denr-vs-wildfire-sa-very-strong-el-nino/#respond Sun, 08 Nov 2026 01:12:58 +0000 https://remate.ph/?p=764357 MANILA, Philippines – Itinaas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang wildfire prevention nito sa maximum alert status sa buong bansa kasabay ng pagdating ng “Very Strong” El Niño dahil sa matinding init at pagkatuyo ng mga pananim. Sinabi ni Environment Secretary Juan Miguel “Mitch” Cuna na naglabas na ang mga regional office […]

The post Maximum alert itinaas ng DENR vs wildfire sa ‘very strong’ El Niño first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Itinaas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang wildfire prevention nito sa maximum alert status sa buong bansa kasabay ng pagdating ng “Very Strong” El Niño dahil sa matinding init at pagkatuyo ng mga pananim.

Sinabi ni Environment Secretary Juan Miguel “Mitch” Cuna na naglabas na ang mga regional office ng comprehensive interventions kabilang ang total park closures, fireline construction, at patuloy na foot patrol para protektahan ang mga kritikal na ecosystem mula sa mga banta ng sunog.

“Our decision to deploy dedicated Bantay Gubat patrols and build firelines in high priority areas reflects our firm commitment to prevent wildfires. We call on all citizens, farmers, and local leaders to observe strict bans on open burning and kaingin,” ani Cuna.

Noong Hunyo 2026, lumahok ang mga DENR forester sa simulation exercises kasama ang mga eksperto ng BFP sa Environment and Natural Resources Academy sa Nueva Ecija.

Nananatili namang naka-standby ang DENR Quick Response Teams (QRTs) 24/7 sa lahat ng regional offices para umasiste sa local fire authorities.

“Protecting our forests from fire is a shared national duty,” giit ni Cuna. RNT/JGC

The post Maximum alert itinaas ng DENR vs wildfire sa ‘very strong’ El Niño first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/maximum-alert-itinaas-ng-denr-vs-wildfire-sa-very-strong-el-nino/feed/ 0
Panawagan ng DFA sa pagpapatuloy ng PH-China dialogue, suportado ng business groups https://remate.ph/panawagan-ng-dfa-sa-pagpapatuloy-ng-ph-china-dialogue-suportado-ng-business-groups/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=panawagan-ng-dfa-sa-pagpapatuloy-ng-ph-china-dialogue-suportado-ng-business-groups https://remate.ph/panawagan-ng-dfa-sa-pagpapatuloy-ng-ph-china-dialogue-suportado-ng-business-groups/#respond Sun, 08 Nov 2026 01:00:26 +0000 https://remate.ph/?p=764344 MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang ilang business, labor, industry at civil society organizations sa bansa sa panawagan ng Department of Foreign Affairs’ (DFA) para sa patuloy na dialogue at kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at China. Sa joint statement, pinuri ng mga grupo ang kamakailang pakikipag-usap ni DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro kay […]

The post Panawagan ng DFA sa pagpapatuloy ng PH-China dialogue, suportado ng business groups first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang ilang business, labor, industry at civil society organizations sa bansa sa panawagan ng Department of Foreign Affairs’ (DFA) para sa patuloy na dialogue at kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Sa joint statement, pinuri ng mga grupo ang kamakailang pakikipag-usap ni DFA Secretary Ma. Theresa Lazaro kay Chinese Foreign Minister Wang Yi, at sinabing ang usapang ito ay nagpapakita ng pagnanais ng ahensya sa principled diplomacy sa “top trading partner” ng bansa.

“We recognize the DFA’s pragmatic and statesmanlike approach in protecting the country’s national interests, particularly its economic development, trade and exports, tourism, overseas Filipino workers, and other vital bilateral engagements with China, the Philippines’ largest trading partner,” saad sa pahayag ng mga grupo.

Ang mga ito ay ipinunto ng grupo kasabay ng tumitinding global economic competition.

Idinagdag pa na ang paggiit sa soberanya at interes ng bansa ay maaaring isabay sa pag-abot naman ng mutually beneficial economic opportunities kasama ang China sa pamamagitan ng constructive engagement.

“We therefore support the DFA’s pursuit of principled diplomacy and sustained dialogue over confrontation, recognizing that a balanced and constructive relationship with China is essential to advancing Philippine economic security, national interests, and sustainable development,” dagdag ng grupo.

Ang joint statement ay pinirmahan ng mga sumusunod na organisasyon:

Asian Association of Academic Administrators and Educators Inc. (A4E)
Employers Confederation of the Philippines (ECOP)
Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII)
Federation of Free Workers (FFW)
Federation of Philippine Industries, Inc. (FPI)
Foreign Buyers Association of the Philippines (FOBAP)
GS1 Philippines
OFW Foundation
Philippine Amalgamated Supermarkets Association (PAGASA)
Philippine Association of Legitimate Service Contractors (PALSCON)
Philippine Association of Salt Industry Networks Inc. (PhilASIN)
Philippine Chamber of Agriculture and Food, Inc. (PCAFI)
Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI)
Philippine Exporters Confederation, Inc. (PHILEXPORT)
Philippine Food Processors and Exporters Organization, Inc. (PHILFOODEX)
Philippine Franchise Association (PFA)
Philippine Retailers Association (PRA)
Philippine Young Entrepreneurs Association (PYEA)
Semiconductor and Electronic Industries in the Philippines Inc. (SEIPI)
Women’s Business Council Philippines (WomenBiz)

Noong Miyerkules ay nakipag-usap si Lazaro kay Wang Yi at inilarawan ang meeting bilang isang “frank and constructive discussion on the direction of Philippines-China relations.”

Ayon kay Lazaro, inihayag ng Pilipinas at China ang pangangailangan para sa “continued diplomatic dialogue and proper management of differences anchored on mutual respect.” RNT/JGC

The post Panawagan ng DFA sa pagpapatuloy ng PH-China dialogue, suportado ng business groups first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/panawagan-ng-dfa-sa-pagpapatuloy-ng-ph-china-dialogue-suportado-ng-business-groups/feed/ 0
Pinoy seafarer patay sa hinihinalang drone attack sa oil tanker https://remate.ph/pinoy-seafarer-patay-sa-hinihinalang-drone-attack-sa-oil-tanker/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinoy-seafarer-patay-sa-hinihinalang-drone-attack-sa-oil-tanker https://remate.ph/pinoy-seafarer-patay-sa-hinihinalang-drone-attack-sa-oil-tanker/#respond Sun, 08 Nov 2026 00:24:49 +0000 https://remate.ph/?p=764372 MANILA, Philippines – Patay ang isang Filipino seafarer sa pagsabog na tumama sa Marshall Islands-flagged oil products tanker na MT Velos Sapphire sa Persian Gulf noong Huwebes, Nobyembre 5, 2026. Ayon sa Department of Migrant Workers, hindi naman nasaktan ang 21 iba pang Filipino crew members ng barko. Ang barko ay naglalayag patungong Sitrah, Bahrain […]

The post Pinoy seafarer patay sa hinihinalang drone attack sa oil tanker first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Patay ang isang Filipino seafarer sa pagsabog na tumama sa Marshall Islands-flagged oil products tanker na MT Velos Sapphire sa Persian Gulf noong Huwebes, Nobyembre 5, 2026.

Ayon sa Department of Migrant Workers, hindi naman nasaktan ang 21 iba pang Filipino crew members ng barko.

Ang barko ay naglalayag patungong Sitrah, Bahrain nang mangyari ang pagsabog at sa inisyal na report ay posibleng ito ay dahil sa drone attack.

Hindi pa beripikado kung ito nga ang sanhi ng pagsabog.

Naabisuhan na ng licensed manning agency ang pamilya ng nasawi at magpapaabot ng tulong sa mga ito.

Nakiramay naman ang DMW at may-ari ng barko sa pamilya ng biktima.

“We will provide all the support and guidance the bereaved family needs during this difficult time. As the President has consistently reminded us, we must always take care of the families of our Filipino seafarers,” saad sa pahayag ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac.

Patuloy din na makikipag-ugnayan ang DMW sa may-ari ng barko at mga awtoridad para imonitor ang sitwasyon ng mga Pinoy crew at tulong sa naulilang pamilya. RNT/JGC

The post Pinoy seafarer patay sa hinihinalang drone attack sa oil tanker first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/pinoy-seafarer-patay-sa-hinihinalang-drone-attack-sa-oil-tanker/feed/ 0
Bagyo sa labas ng PAR, binabantayan – PAGASA https://remate.ph/bagyo-sa-labas-ng-par-binabantayan-pagasa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bagyo-sa-labas-ng-par-binabantayan-pagasa https://remate.ph/bagyo-sa-labas-ng-par-binabantayan-pagasa/#respond Sat, 07 Nov 2026 03:59:14 +0000 https://remate.ph/?p=764330 MANILA, Philippines – Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado, Nobyembre 7, ang isang tropical depression sa silangan ng Northern Luzon na posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR). Gayunman, sinabi ng ahensya na wala pa itong nakikitang posibilidad na mag-landfall ang bagyo sa bansa. Ayon kay […]

The post Bagyo sa labas ng PAR, binabantayan – PAGASA first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado, Nobyembre 7, ang isang tropical depression sa silangan ng Northern Luzon na posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Gayunman, sinabi ng ahensya na wala pa itong nakikitang posibilidad na mag-landfall ang bagyo sa bansa.

Ayon kay PAGASA weather specialist Veronica Torres, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 2,540 kilometro silangan ng Northern Luzon bandang alas-3 ng madaling araw.

“Itong bagyong ito ay hindi tinatanggal ang posibilidad na pumasok sa ating area of responsibility, kaya patuloy pa rin natin itong binabantayan,” ani Torres.

“So, ngayon naman ay hindi pa rin natin nakikita ’yung landfall scenario nitong bagyong ito. At wala namang direct effect sa anumang parte ng ating bansa,” dagdag niya.

Samantala, iniugnay ni Torres ang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa sa shearline na nakaaapekto sa silangang bahagi ng Southern Luzon at sa easterlies o hanging nagmumula sa Pacific Ocean.

“Samantalang shearline—ito ’yung salubungan ng hangin galing northeast at mainit na hangin galing silangan. Ito ’yung nakakaapekto sa silangang bahagi ng Southern Luzon,” paliwanag niya.

Ayon sa PAGASA, patuloy namang nakaaapekto ang northeast monsoon o amihan sa hilagang bahagi ng bansa at Central Luzon, habang easterlies naman ang umiiral sa nalalabing bahagi ng bansa. RNT/MDS

The post Bagyo sa labas ng PAR, binabantayan – PAGASA first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/bagyo-sa-labas-ng-par-binabantayan-pagasa/feed/ 0
Pagpapahaba sa termino ng BSK officials pinagtibay ng SC https://remate.ph/pagpapahaba-sa-termino-ng-bsk-officials-pinagtibay-ng-sc/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagpapahaba-sa-termino-ng-bsk-officials-pinagtibay-ng-sc https://remate.ph/pagpapahaba-sa-termino-ng-bsk-officials-pinagtibay-ng-sc/#respond Sat, 07 Nov 2026 00:44:56 +0000 https://remate.ph/?p=764209 MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang constitutionality ng Republic Act No. 12326 na nagpapahaba sa termino ng mga opisyal ng barangay at miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK) sa limang taon. Itinakda rin nito sa Nobyembre 2028 ang susunod na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Sa desisyong isinulat ni Chief Justice Rodil […]

The post Pagpapahaba sa termino ng BSK officials pinagtibay ng SC first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang constitutionality ng Republic Act No. 12326 na nagpapahaba sa termino ng mga opisyal ng barangay at miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK) sa limang taon. Itinakda rin nito sa Nobyembre 2028 ang susunod na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa desisyong isinulat ni Chief Justice Rodil V. Zalameda, ibinasura ng SC ang petisyon ni election lawyer Romulo B. Macalintal na kumukuwestiyon sa bisa ng nasabing batas.

Nilagdaan ang RA 12326 noong Setyembre 24, 2026. Itinaas nito mula apat hanggang limang taon ang termino ng mga opisyal ng barangay at binago ang naunang batas na RA 12232 na ipinasa noong 2025.

Nilimitahan din nito sa dalawang magkasunod na termino ang panunungkulan ng mga opisyal, mula sa dating maximum na tatlong termino. Itinakda rin sa Nobyembre 2028 ang susunod na BSKE.

Sa kanyang petisyon, sinabi ni Macalintal na nilalabag ng batas ang substantive due process at ang karapatan ng mga mamamayan na bumoto. Aniya, hindi rin nito nasunod ang mahigpit na pamantayang itinakda sa desisyon ng SC noong 2023 sa kasong Macalintal v. COMELEC, na nangangailangan ng “important, substantial, or compelling reasons” upang ipagpaliban ang halalan.

Hindi tinanggap ng SC ang mga argumento ni Macalintal. Ayon sa korte, hindi naaangkop ang desisyon noong 2023 dahil ang RA 12326 ay batas na nagtatakda ng haba ng termino at hindi batas na pangunahing naglalayong ipagpaliban ang halalan.

Ipinaliwanag ng SC na may kapangyarihan ang Kongreso na magtakda at mag-adjust ng haba ng termino ng mga opisyal ng barangay at SK sa limang taon. Ang paglipat ng susunod na halalan sa Nobyembre 2028 ay bahagi lamang ng pagpapatupad sa bagong limang-taong cycle.

Samantala, ang desisyon noong 2023 sa Macalintal v. COMELEC ay tumalakay sa RA 11935, na nagpaliban sa halalan at nagtakda ng mahigpit na pamantayan upang maiwasan ang basta-bastang pagpapaliban sa paggamit ng karapatang bumoto.

“A law fixing the terms of office does not become an election postponement law simply because it affects the election schedule,” ayon sa SC.

Binigyang-diin din ng korte na makatwiran ang pagitan ng mga halalan at nagsisilbi itong pananggalang laban sa paulit-ulit na pagpapaliban ng eleksyon. RNT/MDS

The post Pagpapahaba sa termino ng BSK officials pinagtibay ng SC first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/pagpapahaba-sa-termino-ng-bsk-officials-pinagtibay-ng-sc/feed/ 0
Amihan, lalakas pa; ilang bahagi ng bansa, makararanas ng pag-ulan https://remate.ph/amihan-lalakas-pa-ilang-bahagi-ng-bansa-makararanas-ng-pag-ulan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=amihan-lalakas-pa-ilang-bahagi-ng-bansa-makararanas-ng-pag-ulan https://remate.ph/amihan-lalakas-pa-ilang-bahagi-ng-bansa-makararanas-ng-pag-ulan/#respond Sat, 07 Nov 2026 00:31:48 +0000 https://remate.ph/?p=764208 MANILA, Philippines – Magdadala ng mga pag-ulan ang northeast monsoon o amihan at easterlies sa ilang bahagi ng bansa ngayong Sabado, Nobyembre 7, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Sa weather forecast nitong alas-4 ng hapon, sinabi ng PAGASA na magdudulot ang amihan ng maulap na kalangitan at mahinang pag-ulan sa […]

The post Amihan, lalakas pa; ilang bahagi ng bansa, makararanas ng pag-ulan first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Magdadala ng mga pag-ulan ang northeast monsoon o amihan at easterlies sa ilang bahagi ng bansa ngayong Sabado, Nobyembre 7, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa weather forecast nitong alas-4 ng hapon, sinabi ng PAGASA na magdudulot ang amihan ng maulap na kalangitan at mahinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao at Aurora.

“At para po sa ating forecast, magpapatuloy pa rin na makaka impluwensya sa atin itong hanging amihan at bukas ay mas lalakas pa po ito,” ayon kay PAGASA weather specialist John Manalo.

Makararanas din ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan at mahihinang pag-ulan ang Ilocos Region at iba pang bahagi ng Cordillera Administrative Region. Wala namang inaasahang malaking epekto ng mga kondisyong ito.

Samantala, magdadala ang easterlies o hanging nagmumula sa Pacific Ocean ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro at Davao Oriental.

Inaasahan din ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rains o thunderstorms sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Nagbabala ang PAGASA na posibleng magkaroon ng biglaang pagbaha o landslide kapag may malalakas na thunderstorm.

Samantala, namataan ang tropical depression sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), may layong 2,895 kilometro silangan ng Northern Luzon.

Bandang alas-2 ng hapon, taglay nito ang maximum sustained winds na 55 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 70 kilometro kada oras. Kumikilos ito pa-hilagang-kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.

“Sa ating analysis, ay unti-unting nadadagdagan yung chance na pumasok ito ng Philippine area of responsibility dahil sa nakakaimpluwensya sa kanya na high pressure area,” ani Manalo.

Idinagdag niyang posibleng umabot sa typhoon category ang sama ng panahon.

“Hindi naman po natin itong nakikita na makakaapekto directly sa anumang parte ng ating bansa,” aniya. RNT/MDS

The post Amihan, lalakas pa; ilang bahagi ng bansa, makararanas ng pag-ulan first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/amihan-lalakas-pa-ilang-bahagi-ng-bansa-makararanas-ng-pag-ulan/feed/ 0
Panunumpa sa posisyon ng 10 Cabinet officials pinangasiwaan ni PBBM https://remate.ph/panunumpa-sa-posisyon-ng-10-cabinet-officials-pinangasiwaan-ni-pbbm/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=panunumpa-sa-posisyon-ng-10-cabinet-officials-pinangasiwaan-ni-pbbm https://remate.ph/panunumpa-sa-posisyon-ng-10-cabinet-officials-pinangasiwaan-ni-pbbm/#respond Fri, 06 Nov 2026 05:36:23 +0000 https://remate.ph/?p=764120 MANILA, Philippines – PINANGASIWAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panunumpa sa posisyon ng kanyang 10 ad interim appointees na mamumuno sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang, ang mga Cabinet officials na nanumpa sa kanilang posisyon sa harap ng Pangulo ay sina: Executive Secretary Ralph Recto Justice Secretary […]

The post Panunumpa sa posisyon ng 10 Cabinet officials pinangasiwaan ni PBBM first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – PINANGASIWAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panunumpa sa posisyon ng kanyang 10 ad interim appointees na mamumuno sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang, ang mga Cabinet officials na nanumpa sa kanilang posisyon sa harap ng Pangulo ay sina:

Executive Secretary Ralph Recto

Justice Secretary Fredderick Vida

Public Works Secretary Giovanni Lopez

Labor Secretary Francis Tolentino

Health Secretary Edwin Mercado

Environment Secretary Juan Miguel Cuna

Tourism Secretary Maria Bernardita Mathay

Transportation Secretary Vince Dizon

Budget Secretary Kim Robert De Leon

Philippine Space Agency Director General Gay Jane Perez

Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Recto na ang oath-taking ay tanda na ang mga Cabinet officials ay nakatanggap ng ad interim appointments mula sa Pangulo at nakatakda ngayong humarap sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA).

“Itong oath-taking ngayon ay ibig sabihin lahat kami dito ngayon, ad interim appointments ng Pangulo. Dadaan kaming lahat sa Commission on Appointments. Nakapag-submit na tayo sa Commission on Appointments,” ayon kay Recto.

Samantala, ang CA ay nagsisilbing “moderator” ng kapangyarihan ng Pangulo sa paghirang ng mga opisyal sa pamamagitan ng masusing pagrepaso sa mga kwalipikasyon at pagtitiyak ng kaangkupan ng mga taong pinili para sa mga partikular na posisyon sa burukrasya ng gobyerno.

Ang presidente ay maaaring gumawa ng dalawang uri ng appointment: regular at ad interim. Ang mga regular na appointment o nominasyon ay ibinibigay kapag ang Kongreso ay nasa sesyon; ang mga ad interim na appointmentay ibinibigay kapag ang Kongreso ay nasa recess.

Dapat isumite ng Pangulo ang nominasyon o appointment sa CA, na mayroong 30 araw ng sesyon para suriin ang mga kwalipikasyon ng isang hinirang na opisyal at pag-isipan kung aaprubahan, tatanggihan o lalaktawan ito. KRIS JOSE

The post Panunumpa sa posisyon ng 10 Cabinet officials pinangasiwaan ni PBBM first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/panunumpa-sa-posisyon-ng-10-cabinet-officials-pinangasiwaan-ni-pbbm/feed/ 0