OPINION BANNER STORY - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Fri, 20 Nov 2026 00:07:01 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.1.5 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png OPINION BANNER STORY - Remate Online https://remate.ph 32 32 SC MAY MALAKING PANANAGUTAN SA VP SARA IMPEACHMENT https://remate.ph/sc-may-malaking-pananagutan-sa-vp-sara-impeachment/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sc-may-malaking-pananagutan-sa-vp-sara-impeachment https://remate.ph/sc-may-malaking-pananagutan-sa-vp-sara-impeachment/#respond Thu, 19 Nov 2026 21:50:19 +0000 https://remate.ph/?p=767039 GUSTO man natin o hindi, madali nang matapos ang kasong impeachment ni Vice President Sara Duterte. Kung walang aberya, baka matapos ang pagdinig bago matapos ang Nobyembre o sa unang mga araw ng Disyembre 2026 at susunod ang ilang araw na pagsusumite ng “formal offer of evidence” ng kanyang defense panel. Mapapadali ang paglilitis dahil […]

The post SC MAY MALAKING PANANAGUTAN SA VP SARA IMPEACHMENT first appeared on Remate Online.

]]>
GUSTO man natin o hindi, madali nang matapos ang kasong impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Kung walang aberya, baka matapos ang pagdinig bago matapos ang Nobyembre o sa unang mga araw ng Disyembre 2026 at susunod ang ilang araw na pagsusumite ng “formal offer of evidence” ng kanyang defense panel.

Mapapadali ang paglilitis dahil hanggang 10 testigo na lang ang ihaharap ng defense panel para sa isang article of impeachment bilang bunga ng pag-atras ng prosekusyon ng nalilitis nang dalawang articles of impeachment at isang hindi nalitis.

Naisumite na ang formal offer of evidence ng prosekusyon nitong Oktuber 20, 2026.

Susunod na ang araw ng paghuhukom ng Senate impeachment court.

MINAMANIOBRA PARA MAPADALI

Saan man anggulong tingnan, may nagmamaniobra para mapadali ang paglilitis.

Minamadali dahil may mga iniiwasang mangyari sakaling magtagal ito.

Kabilang dito ang tiyak na kakapusan ng paghahanda ng mga gustong lumaban kay VP Sara sakaling hindi ito madeklarang guilty at masibak sa pwesto at tuluyan na itong kumandidatong Pangulo.

Para sa mga political analyst, sobrang lakas ni VP Sara sa mga sarbey na palatandaan na totoong malakas siyang kandidato.

Sa ganitong kalagayan, kinakailangan ang mahabang panahon sa paghahanap at pagpapahinog ng makatatapat sa kanyang kandidato mula sa sari-sari at watak-watak pang partido pulitikal.

Ngunit kahit madeklara siyang guilty, mag-uunahan pa rin ang iba’t ibang partido at indibidwal dahil may klarong agawan sa pwesto.

Sa katunayan, sa parte ng mga tradisyunal na partido, nagkakaroon na ng mga lipatan, kalasan at iba pa para sila makasiguro ng panalo ang manok nila.

Nagpapalakas na rin ang mga partidong nasa likod ng mga rali para mapansin at gamit ang lahat ng okasyon para isulong nila ang kanilang mga interes habang maaga pa, kabilang na ang mga isyu sa martial law, korapsyon, flood control scandal, kahirapan, katatapos lang na Association of Southeast Asian Nations Summit at iba pa.

Ang mga nagmamaniobra sa mga rali ang kabilang sa mga sangkot sa pagmamadaling ma-convict si VP Sara at may malinaw silang interes kung maaga itong mawala sa pwesto.

PINAKAMAHALAGANG USAPIN

Sa gitna ng mga kilos o maniobrahang pulitikal tungo sa halalang 2028, may isang napakahalagang usapin at mapagpasya.

Walang iba kundi ang napapanahon o wala sa panahon na pagdedesisyon ng Supreme Court sa petisyon nina Senador Bong Go at Robin Padilla at iba pa ukol sa voting threshold o minimum na boto para masibak si VP Sara.

Napapanahon kung maglalabas ang SC ng desisyon bago o sa araw ng paghuhukom ng Senate impeachment court.

‘Yun bang – 16 na batay sa lahat ng senador na 24, ayon sa Article 11, Section 3(6) ng 1987

Constitution o sa 14 na batay sa 20 aktibong lumalahok sa paglilitis.

Hindi naman napapanahon kung maglalabas lang ang SC ng desisyon matapos ang araw ng paghuhukom o araw na ideklarang guilty o hindi si VP Sara.

Higit na klarong wala sa panahon ang desisyon kung madeklarang guilty si VP Sara ng Senate impeachment court sa 14 boto ngunit sa desisyon ng Hukuman, dapat 16 boto.

Ang nakakakaba, posibleng pagmulan ito ng matagalang labanan sa Hukuman at kaguluhan na ring mahirap na kontrolin, at kabilang sa maaaring managot dito mismo ang Hukuman.

The post SC MAY MALAKING PANANAGUTAN SA VP SARA IMPEACHMENT first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/sc-may-malaking-pananagutan-sa-vp-sara-impeachment/feed/ 0
HALALANG 2028 MAPAGPASYA SA IMPEACHAMENT https://remate.ph/halalang-2028-mapagpasya-sa-impeachament/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=halalang-2028-mapagpasya-sa-impeachament https://remate.ph/halalang-2028-mapagpasya-sa-impeachament/#respond Wed, 18 Nov 2026 21:13:52 +0000 https://remate.ph/?p=766764 KAHIT sinong kumakaliskis sa kung saan patutungo ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, lumilitaw na nakaangkla ito sa halalang 2028. ‘Yun bang === malamang umanong magdedesisyon ang mga senator-judge sa pansarili o pampulitika nilang interes kaugnay ng nasabing halalan. Lalo na ang mga gustong mare-elect bilang mga senador o kaya’y ang mga senador […]

The post HALALANG 2028 MAPAGPASYA SA IMPEACHAMENT first appeared on Remate Online.

]]>
KAHIT sinong kumakaliskis sa kung saan patutungo ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, lumilitaw na nakaangkla ito sa halalang 2028.

‘Yun bang === malamang umanong magdedesisyon ang mga senator-judge sa pansarili o pampulitika nilang interes kaugnay ng nasabing halalan.

Lalo na ang mga gustong mare-elect bilang mga senador o kaya’y ang mga senador na may lantarang ikakandidatong iba na kapatid o kamag-anak o kaya’y kakandidato sa mas mataas na posisyon.

Nakataya umano ang kanilang ngalan at mukha sa kampanyahan at maaari nilang ikababagsak o ikatatagumpay o ng kanilang kandidato sa 2028.

EBIDENSYA BALEWALA, PULITIKA MAS MAHALAGA

Habang nakatali sa ebidensya ang karamihan sa mga lumalahok sa impeachment, lalo na ang prosecution at defense lawyers, para manalo sa kasong impeachment, binabalewala ang mga ebidensya ng mga tagakaliskis.

Kitang-kita rin ang pagbabale-wala sa ebidensya bilang batayan sa paghuhusga sa kilos ng nakararaming senator-judge na ibaba ang voting threshold o minimum na boto para ma-convict si VP Sara at masibak sa pwesto at kalauna’y mademanda at makulong.

Binalewala ng mayorya ng senator-judge ang 16 na threshold batay sa Article 11, Section 3(6) ng Konstitusyong 1987 na nagsasabing kailangang 2/3 ng lahat ng senador para madeklarang nagkasala ang isang impeachable official.

Ginawa nilang 14 lamang at nakabatay sa mga aktuwal umanong sumasali sa mga pagdinig.

Sa demandahan, may nakabinbin nang kaso laban sa kanya, ang grave threats na isa sa article of impeachment at may mga pagkilos na kakasuhan din siya ng plunder batay sa maling paggastos ng confidential funds.

Kung makalusot man sa impeachment si VP Sara, mas matindi ang kasong plunder na kanyang ikakukulong at ikasususpinde dahil sa kawalan umano nito ng “immunity from suit” gaya ng Pangulo.

At ang malinaw, nasa likod ng mga senator-judge na mayorya ang mga nagsusulong ng impeachment mula sa Kamara hanggang Palasyo, kahit todo-deny ang mga ito.

Naglalaro ang kambal na ligal at pulitikal na batayan ng pagpapasya.

Pero higit na pampulitika at personal na interes ang namamayani kaysa ligal na ebidensya ang batayan sa paghuhukom.

Nagmumukhang sarsuela lang tuloy ang lahat sa pagdinig sa impeachment at kung may pagkaseryoso man dito, walang iba kundi ang layuning siraan higit sa lahat si VP Sara.

At nakita ito sa pag-atras ng prosekusyon ng tatlong Articles of Impeachment na ilang taon nang doon inilulublob sa pusali ang dangal at kredibilidad ni VP Sara.

Ang masama pa, itinodo ng prosekusyon ang paninira sa dalawang kaso saka umatras at sinabing walang karapatang ipagtanggol ni VP Sara ang sarili dahil naiatras na ang dalawang kasong nilitis.

SUPREME COURT DECISION NASAAN NA?

Sa kalagayang walang nakatitiyak kung madedeklarang guilty si VP Sara sa problema sa voting threshold o minimum na boto, napakahalaga ang pagdedesisyon ng Supreme Court sa petisyon nina Senator Bong Go at Robin Padilla at iba pa na panatilihin ang 16 boto para sa conviction at hindi 14.

Sana, makapaglabas ang Supreme Court ng desisyon bago ang magsagawa ng botohan ang Senate impeachment court anomang araw mula ngayon.

Maalaala sana ng mga Hukom ang sarili nilang prinsipyo na “Justice delayed is justice denied!”

The post HALALANG 2028 MAPAGPASYA SA IMPEACHAMENT first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/halalang-2028-mapagpasya-sa-impeachament/feed/ 0
ASEAN SUMMITS, ALL TALKS ONLY https://remate.ph/766498-2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=766498-2 https://remate.ph/766498-2/#respond Tue, 17 Nov 2026 21:14:40 +0000 https://remate.ph/?p=766498 MGA negosyante ang karamihang nagkokomento ukol sa ginaganap na Association of Southeast Asian Nations Summits sa Metro Manila at Cebu. Duda ang higit na nakararaming negosyante kung magbubunga nang maganda ang summit o miting sa ekonomiya ng Pilipinas sa malapit na hinaharap o hanggang 2028. All talks only, sabi nila. Kaya dapat umano nilang ipagpatuloy […]

The post ASEAN SUMMITS, ALL TALKS ONLY first appeared on Remate Online.

]]>

MGA negosyante ang karamihang nagkokomento ukol sa ginaganap na Association of Southeast Asian Nations Summits sa Metro Manila at Cebu.

Duda ang higit na nakararaming negosyante kung magbubunga nang maganda ang summit o miting sa ekonomiya ng Pilipinas sa malapit na hinaharap o hanggang 2028.

All talks only, sabi nila.

Kaya dapat umano nilang ipagpatuloy ang kanilang pagnenegosyo para kumita o isalba ang pupwedeng isalba mula sa mga pagkalugi.

Dahil marupok o mahina ngayon ang pagnenegosyo.

Apektado lahat umano ang mga negosyo, hindi lang ang malalaki kundi maliliit, media, pabrika na producer at maging sa agrikultura.

Dahil dito, dumarami ang nawawalan ng trabah o istambay at maging ang mga naghahanap ng trabaho at pagkakitaan dahil hindi sapat ang iisa lamang para mabuhay ang pamilya.

Hindi rin makaahon-ahon ang malalaking negosyante sa laki ng gastos nila sa operasyon at produksyon sa napakamahal nang mga produktong petrolyo, kuryente at pangingikil ng mga taga-gobyerno.

Sa agrikultura, inaasahang magkandaloko-loko ang produksyon sa pagkain sa ilalim ng super El Nino na nagsimula na at dahil sa pagkalugi ng mga magsasaka, kasama ang mga mangingisda, mababawasan din ng malaki ang kanilang kakayahang bumili ng produkto ng mga pabrika at mga kapwa nila magsasaka at small and medium enterprises.

Dito makikita kung gaano kalugmok ang ekonomiya ngayon na mismong ang gobyerno ang naghahayag nito sa pamamagitan ng Philippine Statistics Authority.

Sinasabi ng PSA, lumago lang ang P28 trilyong Gross Domestic Product o kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo sa isang taon sa 2.1% o kulang sa P600 bilyon, kumpara sa P1.5 trilyon nitong nakaraang taon.

P23B GINASTOS SA SUMMIT

Hindi masama ang gumastos ng nararapat para sa matagumpay ang katulad ng ASEAN Summits at aprub tayo riyan.

Para sa ginaganap ngayon sa Metro Manila at Cebu, naglaan ang gobyernong Marcos ng nasa P23 bilyon.

Napakalaki ito kumpara sa panahon ni ex-President Gloria Macapagal-Arroyo na P1B at ni ex-President Digong Duterte na P3.7B.

May nagtatanong: Kasama ba sa gastusin ang pagtatakip sa mga iskwater at iba pang mga urban poor ng mga pinturadong plywood at iba pa?

Kasama ba ang pagkukulong sa mga raliyesta na hindi armado ngunit maiingay lang sa mga lansangan?

Kasama bang pinopondohan ang pagsupil sa mga panawagan na “Marcos Resign?”

GUSTONG MAGTAGUMPAY

Gusto nating magtagumpay ang mga ganitong pagkakataon na posible ngang magbunga ng maganda para sa ating bayan.

Sa rami ba naman ng mga pinagpipirmahang mga kasunduan para sa ekonomiya, seguridad, syensia, artificial intelligence, pagtutulungan at pagkakaunawaan na kasama ang Pilipinas nating mahal.

Kaya lang, saan naman tayo pupunta kung mismong ang mga aktuwal na lumalahok sa produksyon ng mga kalakal at serbisyo sa bansa ay nakikitang walang pag-asa sa madaling hinaharap na bunga ng summit?

At higit pa, mayroon o walang summit, silang nagpapatakbo ng mga negosyo, pabrika, agrikultura, pananalapi at iba pa ang nakakikita kung saan patungo ang Pilipinas batay sa aktuwal na mga pangyayari na kanilang kinapapalooban.

Ang maraming politiko o lider ng bansa, iba ang kanilang ikinabubuhay at walang iba kundi ang manlinas at magmaleta ng pondong bayan na galing sa buwis ng mga negosyante at mamamayan.

Kanino ba kakapit ang mga mamamayan patungo sa kung saan?

The post ASEAN SUMMITS, ALL TALKS ONLY first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/766498-2/feed/ 0
PINAS, SAAN PATUNGO SA STAGFLATION? https://remate.ph/pinas-saan-patungo-sa-stagflation/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinas-saan-patungo-sa-stagflation https://remate.ph/pinas-saan-patungo-sa-stagflation/#respond Mon, 16 Nov 2026 20:48:24 +0000 https://remate.ph/?p=766256 KAHAPON, tinalakay natin ang tinatawag na stagflation na nagaganap sa Pinas. ‘Yun bang === pinagsama-samang hindi magandang kalagayan ng ating ekonomiya o pambansang kabuhayan. Binubuo ang stagflation ng mabagal na paglago ng ekonomiya batay sa P28 trilyong Gross Domectic Product o GDP na kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo sa isang taon. Nakikita ito […]

The post PINAS, SAAN PATUNGO SA STAGFLATION? first appeared on Remate Online.

]]>
KAHAPON, tinalakay natin ang tinatawag na stagflation na nagaganap sa Pinas.

‘Yun bang === pinagsama-samang hindi magandang kalagayan ng ating ekonomiya o pambansang kabuhayan.

Binubuo ang stagflation ng mabagal na paglago ng ekonomiya batay sa P28 trilyong Gross Domectic Product o GDP na kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo sa isang taon.

Nakikita ito sa sobrang pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin at kawalan o mahinang empleyo kasabay ng paghina ng kakayahang bumili ng mga mamamayan.

Sa nasabing P28T GDP, tuloy-tuloy na bumagsak ang inasahang bunga nito mula 5.4% nasa P1.5T noong Enero 2025 sa nasa 2.1% o P620 bilyon lamang nitong Setyembre 2026.

Sa presyo, base sa halaga noong 2018, ang P1,000 noon ay nasa P730 na lamang o kaya’y kapag bumili ka ng kalahating kabang bigas noong 2018 sa P1,000, ngayon, kailangan mo nang magpakawala ng P1,270, pwera pa ang mahal na pamasahe o gasolina sa pagpunta sa palengke.

Andiyan pa ang paglobo ng mga wala o kulang sa trabaho.

Noong Abril 2025, may 50 milyong obrero at 2.06M dito ang walang trabaho at pagdating ng Pasko 2025, naging 2.26M na sila at nitong Setyembre 2026, lalong dumami sila sa 2.86M.

Sa underemployment na kailangang magkaroon ng dalawa o higit na pagkakitaan para mabuhay, may 3.93M obrero noong 2025 ngunit nitong Setyembre 2026, dumami sila 5.56M.

‘Yan ang stagflation.

WALANG PAG-ASA HANGGANG 2027

Para sa mga opisyal ng gobyerno, natural lang lahat at magagawan ng paraan lahat.

Pero iba ang sinasabi ng mga negosyante na aktuwal na nakikipambuno sa paglikha ng yamang pambansa.

Tila nawawalan sila ng pag-asa na magkaroon ng makabuluhang paglago sa ekonomiya kahit hanggang 2027.

Halimbawa rito sina Manuel V. Pangilinan (MVP) Jaime Augusto Zobel de Ayala (JAZA).

Itong si MVP ay namumuno sa isang negosyong komunikasyon at digital sevice gaya ng PLDT, kuryente at ilang proyektong imprastraktura na bilyon-bilyong piso ang mga halaga.

Kilala naman si JAZA sa mga negosyong real property, bangko at digital service gaya ng Globe Communication at Gcash at kuryente rin.

Ang mga samahang negosyante na gaya ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, Makati Business Club at iba pa, kabang-kaba sila sa stagflation at kasama na rin dito ang pagtaas ng kanilang gastusin sa operasyon at produksyon gaya mahal na langis, kuryente, hilaw na materyales na lumalamon nang malaki sa kanilang kita o kaya’y ikinalulugi nila.

ANG TAUMBAYAN?

Kung nahihirapan ang pinakamalalaking negosyante sa stagflation, hindi kaila ang nadaramang paghihirap din ng higit na nakararaming mamamayan.

Tanging mga obrero at opisyal lang ng gobyerno ang nakararamdam ng ginhawa sa rami ng kanilang mga sahod at benepisyo ngunit nanggagaling lahat sa buwis ng naghihirap na taumbayan.

Ang masama pa, nagsilutangan sa panukalang pambansang badyet sa 2027 na may mga nangongorap pa rin sa mga buwis at utang ng bansa na bilyon-bilyon piso ang halaga.

At ilang daan lang ang mga ito sa Kongreso at Palasyo.

Ang kawalanghiyaan sa gobyenro ay ganoon na lamang.

The post PINAS, SAAN PATUNGO SA STAGFLATION? first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/pinas-saan-patungo-sa-stagflation/feed/ 0
STAGFLATION KINATATAKUTANG NAGAGANAP SA PINAS https://remate.ph/stagflation-kinatatakutang-nagaganap-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=stagflation-kinatatakutang-nagaganap-sa-pinas https://remate.ph/stagflation-kinatatakutang-nagaganap-sa-pinas/#respond Sun, 15 Nov 2026 20:32:52 +0000 https://remate.ph/?p=766039 NAGPAHAYAG ang ilang ekonomista ng takot o pangamba sa tila pagdating na ng bansa sa kalagayang stagflation. Sa stagflation, mabagal ang paglago ng ekonomiya batay sa Gross Domectic Product o GDP na kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo sa isang taon. Kakambal nito ang sobrang pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin at kawalan […]

The post STAGFLATION KINATATAKUTANG NAGAGANAP SA PINAS first appeared on Remate Online.

]]>
NAGPAHAYAG ang ilang ekonomista ng takot o pangamba sa tila pagdating na ng bansa sa kalagayang stagflation.

Sa stagflation, mabagal ang paglago ng ekonomiya batay sa Gross Domectic Product o GDP na kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo sa isang taon.

Kakambal nito ang sobrang pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin at kawalan o mahinang empleyo kasabay ng paghina ng kakayahang bumili ng mga mamamayan.

TULOY-TULOY NA PAGBAGAL

Batay sa 28 trilyong GDP nitong 2025, pabagal nang pabagal o paliit nang paliit ang paglago nito mula sa 5.4% noong Enero 2025 sa nasa 2.1% lamang nitong Setyembre.

Noong 2025, nagbunga ang P28T GDP ng P1.5T ngunit bumagsak ito sa mahigit P620 bilyon na lamang nitong Setyembre 2026.

Sa inflation o pagmahal ng lahat ng bilihin, ang dating P100 noong 2018 P73 na lamang ang halaga o sa ibang pananaw, ang P100 na halaga ng bilihin ngayon ay may presyo nang P137 o mahigit katlo.

Nangangahulugan ito ng dagdag na P370 sa kalahating kaban o 25 kilong bigas na dating nagkakahalaga lang ng P1,000.

Iniulat din ng mga ekonomista na noong Abril 2025 na may 50 milyong obrero, mayroong walang trabaho na 2.06 milyon ngunit pagdating ng Disyembre, naging 2.26M na sila at ngayong Setyembre 2026, lalong dumami sila sa 2.86M.

Sa underemployment o kailangang magkaroon ng dalawa o higit na pagkakitaan para mabuhay, ang bilang nila noong 2025 ay 3.93M ngunit ngayong Setyembre, 5.56M na sila.

Kaya naman, naririyan na rin ang paghina ng kakayahan ng mga mamamayan na bumili ng kanilang pangangailangan na nagbubunga ng paghina ng ekonomiya ng bansa.

Lalong pinasama ang purchasing power ng mga manggagawa, kasama na ang mga negosyante, sa pagbagsak din ng halaga ng piso laban sa dolyar.

Inilabas ang mga datos na ito nang bahagya mismo ng Philippine Statistics Authority at katulad nina dating Bangko Sentral ng Pilipinas Diwa Gunigundo at iba pa.

KULELAT SA “YAYAMANING BANSA”

Noong 2016, pangatlo ang Pilipinas sa may malagong GDP mula Indonesia na nanguna na sinundan ng Thailand at sumunod sa pang-4 ang Singapore at pang-5 ang Malaysia.

Noong 2022, bumagsak ang Pilipinas sa pang-6 sa GDP na pinangunahan ng Indonesia, Singapore, Thailand, Vietnam at Malaysia.

Ngayon 2026, nanatiling pang-6 sa nangungunang Indonesia, Singapore, Thailand, Malaysia at Vietnam.

Sa porsyentong paglago ng ekonomiya ng top 9 ilang teritoryo at bansa sa Asya nitong Setyembre 2026, pinakamahina ang Pilipinas sa pagkakaroon lang ng 2.1% samantalang ang Taiwan, may 14.36%; Vietnam – 9.95%; Indonesia – 5.47%; Singapore – 5.4%; Malaysia – 5.3%; Hong Kong – 5.2%; China – 5.4%; South Korea – 3.4%; at sumunod na rito ang Pilipinas.

SAAN KAYANG BANGIN TAYO BABAGSAK?

Kung magpapatuloy ang pagbagal o pagbagsak ng ekonomiya, kasama ang kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan, saan kayang bangin tayo babagsak?

Sa ibang mga bansa ngayon, lalo na sa ilang bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain at iba pa, nagkakagulo sila at nais nilang pabagsakin ang kanilang mga namumuno dahil sa hirap sa korapsyon at pamumuhay at damay na rin ang mga kabataang estudyante.

Kakambal ang mga gulo ng mga panununog, paninira ng mga ari-arian at sakitan sa pagitan ng mga mamamayan at pulis.

Paano kung mangyari naman ito sa Pinas?

The post STAGFLATION KINATATAKUTANG NAGAGANAP SA PINAS first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/stagflation-kinatatakutang-nagaganap-sa-pinas/feed/ 0
MGA SARBEY AT GOBYERNONG BAGSAK https://remate.ph/mga-sarbey-at-gobyernong-bagsak/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-sarbey-at-gobyernong-bagsak https://remate.ph/mga-sarbey-at-gobyernong-bagsak/#respond Thu, 12 Nov 2026 21:08:14 +0000 https://remate.ph/?p=765551 PINALALABAS ng gobyernong Marcos na hindi ito natitinag sa tuloy-tuloy nitong gawaing serbisyong bayan sa kabila ng mga negatibong sarbey laban dito. Kitang-kita naman talaga na pinakikilos nito ang lahat ng mga daliri nito o lahat ng ahensya ng gobyerno para mapatunayang tapat sa paglilingkod. Paborito nga nitong bigkasin ang laban nito sa mga korap […]

The post MGA SARBEY AT GOBYERNONG BAGSAK first appeared on Remate Online.

]]>
PINALALABAS ng gobyernong Marcos na hindi ito natitinag sa tuloy-tuloy nitong gawaing serbisyong bayan sa kabila ng mga negatibong sarbey laban dito.

Kitang-kita naman talaga na pinakikilos nito ang lahat ng mga daliri nito o lahat ng ahensya ng gobyerno para mapatunayang tapat sa paglilingkod.

Paborito nga nitong bigkasin ang laban nito sa mga korap na pinasimulan niya sa isang State of the Nation Address na ikinanginginig ng ilan nang nahagip nito.

Lalo’t may ilan nang nakulong o nasususpinde bagama’t wala pang paghuhusga ng hukuman na korap nga ang mga ito.

Ang siste, mga Bro, tila hindi sumasang-ayon sa tadhana at tumatalab sa mga mamamayan lahat ng pagpupunyagi ng gobyernong Marcos at maging si Pangulong Bongbong Marcos na tumatakbo sila para sa bayan.

TINIMBANG NGUNIT KULANG

Sunod-sunod ang mga sarbey na negatibo laban sa Pangulo at pinakahuli ang sa OCTA Research na nagsabing bumaba ang trust at performance rating mismo ng Pangulo.

Sa sarbey nitong Setyembre 28 hanggang Oktubre 4, 2026, bumagsak ang pagtitiwala o trust rating nito sa 45% mula sa 49% noong Hulyo.

Sa performace rating naman, bumaba rin sa 44% mula sa 47% noong Hulyo.

Kabaligtaran ito sa rating ni Vice President Sara Duterte na tumaas ang pagtitiwala sa 48% mula sa 47% noong Hulyo.

Sa performance, tumaas din kay VP Sara sa 46% mula sa 45% noong Hulyo.

Sa Pulse Asia na inilabas sa kalagitnaan ng Oktubre 2026, may 48% na may maliit o walang tiwala sa Pangulo habang nasa 29% lang ang may malaking tiwala sa kanya.

Sa kanyang approval rating sa paggampan niya ng tungkulin, may 49% na sumang-ayon ngunit mas mababa ito sa 50% noong Hulyo.

Kay VP Sara, 55% ang nagtitiwala sa kanya habang 27% lang ang may maliit o walang tiwala.

Lumiit din ang hindi aprub sa kanya sa kanyang ginagawa sa 27% mula sa 29% noong Hulyo.

Klarong tinimbang ngunit kulang ang Pangulo mismo sa mata ng taumbayan.

ANYARE AT BAGSAK ANG GRADO NG PANGULO?

Klarong hindi maganda ang pagtingin ng mga mamamayan sa Pangulo at lalong malinaw na malinaw kung ikukumpara siya kay VP Sara na gumaganda sa paglipas ng mga araw.

Ito’y sa kabila ng pagpapakilos ng Pangulo ng lahat ng pwersa ng pamahalaan para ipakitang mayroon siyang magagandang ginagawa para sa buong bayan.

Ngunit bakit higit na kinikilala at pinagkakatiwalaan ng taumbayan si VP Sara na halos hindi naman ito makasabay sa ginagawa ng Pangulo at administrasyon nito?

Ang klaro, may mensahe ang sambayanan at ito ang dapat kapain at diskubrehin ng Pangulo at kanyang administrasyon.

‘Yun bang === may pangangailangan ang mga mamamayan na higit na mahalaga kaysa mga sinasabi at ginagawa ng Pangulo at administrasyon nito.

Hindi nga ba siya lumalaban sa korapsyon, sa mahal na mga bilihin, sa kahirapan at kagutuman, sa pagtatanggol sa bansa mula sa panghihimasok sa “teritoryo” at pamamahala ng bansa, para sa kapakanan ng mga magsasaka, obrero, mangingisda at iba pa?

Pero bakit nga ba siya higit na hindi pinagkakatiwalaan at hindi sinasang-ayunan sa kanyang mga ginagawa?

What is happening to our country, Mr. President?

The post MGA SARBEY AT GOBYERNONG BAGSAK first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/mga-sarbey-at-gobyernong-bagsak/feed/ 0
STATE OF CALAMITY SA BUONG BANSA https://remate.ph/state-of-calamity-sa-buong-bansa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=state-of-calamity-sa-buong-bansa https://remate.ph/state-of-calamity-sa-buong-bansa/#respond Wed, 11 Nov 2026 16:11:10 +0000 https://remate.ph/?p=765229 NANAWAGAN ang lahat ng 20 senador kay Pangulong Bongbong Marcos na magdeklara na ng state of calamity para sa buong bansa laban sa super El Nino na nagsimula nang manalasa, lalo na sa hanay ng mga magsasaka at mangingisda. Kasama sa kahilingan ang paglalabas ng Malakanyang ng P39 bilyong quick response fund para gamitin na […]

The post STATE OF CALAMITY SA BUONG BANSA first appeared on Remate Online.

]]>
NANAWAGAN ang lahat ng 20 senador kay Pangulong Bongbong Marcos na magdeklara na ng state of calamity para sa buong bansa laban sa super El Nino na nagsimula nang manalasa, lalo na sa hanay ng mga magsasaka at mangingisda.

Kasama sa kahilingan ang paglalabas ng Malakanyang ng P39 bilyong quick response fund para gamitin na laban sa mga kalamdad na likha ng super El Nino.

Kasama rin ang pagpapatupad na ng maksimum na presyo ng mga pangunahing bilihin, pagtukoy at paghuli sa mga hoarder at profiteer o nagsasamantala sa kalamidad, pagbibigay-hanapbuhay sa mga magsasaka at mangingisda at iba pang nasa sektor ng agikultura.

Naging batayan ng mga senador sa kanilang kahilingan ang ulat mismo ng pamahalaan na mabilis na lumaki ang mga kasiraan, lalo na sa agrikultura na umabot na sa P6.87 bilyon.

Alalahanin pa na kung tutuusin, kasisimula pa lang ang super El Nino at tatama ang pinakamasamang epekto nito pagdating ng Marso hanggang Mayo 2027.

Wala namang boses na katulad nito ang nasa 317 kongresman na pandistrito at party-list, maliban sa iilan.

Sila pa naman ang nagsasabing direktang nakararamdam at nakaaalam sa kalagayan at pangangailangan ng mga mamamayan.

PALASYO TUMANGGI

Tinanggihan naman ng Malakanyang ang kahilingan ng Senado.

Katwiran ni Palace Press Officer Claire Castro, natutugunan ang mga problema at pangangailangan ng mga biktima.

Kumikilos mismo ng Department of Social Welfare and Development para sa ayuda, National Irrigation Administration para sa patubig sa mga sakahan at iba pang mga ahensya.

Ayon sa DSWD, nakapamigay na ito ng nasa P141 milyon hanggang sa P820M sa lahat ng 191,000 pamilya sa halagang P10,000 bawat pamilya, partikular ang mga magsasaka at mangingisda, kabilang na ang mga sadyang hindi nagtanim ngayon sa katwirang masisira lang ang kanilang mga pananim.

Kasama sa mga lugar na roon nagpamigay ng ayuda ang DSWD ang Cagayang Valley, Bicol Region, Calabarzon, Mimaropa, Iloscos Region, ilang nasa Visayas at Mindanao.

Aktibong nagtatayo naman ang NIA ng mga solar power para sa mga irigasyon, gaya ng nangyari sa Cagayan.

HINDI BIRO-BIRO AT TUMITINDING KAHIRAPAN
Kung iisipin talaga, hindi biro-biro ang napakahira nang kalagayan ng mga biktimang milyon-milyon ang bilang.
Matagal nang kalagayan, halimbawa, na ang mga magsasaka at mangingisda, sa kabila ng sila ang naghahatid sa ating mga hapag-kainan ng mga pagkain, marami sa kanila ang biktima mismo ng kahirapan at gutom.

Isipin na lang na maraming magsasaka ang manggagawang bukid lang at lalong dumami ang mga ito na nawalan ng pagkakitaan o pagbentahan ng pawis nang gumanda ang mga gamit sa produksyon, gaya ng mga reaper at pagbabalik sa direct planting na hindi nangangailangan ng maraming manggagawa.

Sa parte ng mga mangingisda, naririyan ngayon ang pagsasara ng mga pangisdaan sa Mindanao at Visayas.

Ngunit malaki talaga ang epekto ng katotohanang marami nang pangisdaan ang may kakaunting huli habang nagsimula nang matuyo ang mga fishpond at magkaroon ng peste rito, o kaya’y hindi mabenta ang mga isda at iba pa na lasang gilik mula sa mga lawa at tabing-dagat.

Dapat pag-isipan nang husto ng Malakanyang ang kahilingan ng mga senador at ilang kongresman para sa deklarasyon ng state of calamity at paggamit nang husto ng pambansang calamity fund.

The post STATE OF CALAMITY SA BUONG BANSA first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/state-of-calamity-sa-buong-bansa/feed/ 0
KASO SA DAVAO NAPUNTA SA CHINA https://remate.ph/kaso-sa-davao-napunta-sa-china/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kaso-sa-davao-napunta-sa-china https://remate.ph/kaso-sa-davao-napunta-sa-china/#respond Tue, 10 Nov 2026 20:49:53 +0000 https://remate.ph/?p=765019 NAGING katawa-tawa ang naganap na paglilitis sa kasong “hindi maipaliwanag na yaman” umano ni Vice President Sara Duterte. Unang nakatatawa ang sagot ni Davao City Assessor Engr. Jaime G. Adalin kay prosecution lawyer Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr. sa tanong sa kanya kung nagpunta ito sa China sa halip na mag-concentrate sa nasabing isyu sa […]

The post KASO SA DAVAO NAPUNTA SA CHINA first appeared on Remate Online.

]]>
NAGING katawa-tawa ang naganap na paglilitis sa kasong “hindi maipaliwanag na yaman” umano ni Vice President Sara Duterte.

Unang nakatatawa ang sagot ni Davao City Assessor Engr. Jaime G. Adalin kay prosecution lawyer Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr. sa tanong sa kanya kung nagpunta ito sa China sa halip na mag-concentrate sa nasabing isyu sa impeachment.

Sagot ni Adalin kay Tolosa, “irrelevant”…walang anomang kaugnayan sa pinag-uusapan.

Pero ipinilit pa rin ni Tolosa na mahalagang-mahalaga ang tanong para matesting umano ang kredibilidad ni Adalin.

At maging si Presiding Officer Chiz Escudero, sinabing”funny” o nakatatawa ang sagot ni Adalin kay Tolosa.

Lalo’t nakatatawa dahil hindi na hinintay ni Adalin ang objection ni Atty. Lindon Miguel C. Bacquel na abogado niya.

Ang nakatatawa pa, sumakay ang ilang senator-judge sa isyu ng China sa halip na sa tunay na isyu.

Hmmm…nakatatawa talaga.

At si Adalin pa ang binakbakan ng ilang senator-judge…hindi si Tolosa na irrelevant ang tanong ukol sa isyung China.

NAROON SA SALN NI VP SARA

Ipinagpipilitan ng prosekusyon na hindi isinama ni VP Sara sa kanyang SALN ang isang property o ari-ariang lote at istruktura na pag-aari ng kanyang asawang si Atty. Manases Carpio na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso na nasa Davao City.

Matatagpuan ang 379 square meter property sa Brgy. Matina Crossing at Brgy. 74-A ngunit lumikha ng pagdududa dahil lumalabas na magkaiba ang dalawang lugar na ito.

Gayunman, pinakamahalaga ang hindi pagdedeklara nito sa SALN, ayon sa prosekusyon, at bahagi ito ng mas malaking halaga na ibinibintang nilang “hindi maipaliwanag na yaman ni VP Sara.”

Pero pinatunayan ni Adalin ang kabaligtaran nito sa pagpiprisinta ng tax declaration na tumutugma sa fair market value sa tinutukoy nitong ari-arian.

At nasa SALN iyon ni VP Sara.

Inihayag din mismo ni Presiding Officer Chiz Escudero na magkatugma ang tax declaration at titulo ng lupa na Transfer Certificate of Title 0755.

MAGKAKAIBANG PANANAW AT HIGIT NA PULITIKA

Siyempre pa, lumikha ng iba’t ibang reaksyon ang naganap.

Pangunahing pinuna ang pagsingit ng prosekusyon at pagpatol ng ilang senator-judge sa isyung China ni Tolosa.

Ano nga ba ang kaugnayan ng pagpunta sa China nina Adalin sa isyung “hindi maipaliwanag na yaman?”

Sabi naman ng iba, dapat sanang nakatuon ang atensyon ng mga ito sa akusasyon ng prosekusyon na hindi maipaliwanag na yaman.

May isang napakahalaga ring punto umano ni Tolosa…ang pagpipilit nitong ilagay na lang sa stipulation ang lugar na kinaroonan ng ari-arian ngunit hindi pumayag ang depensa sa katauhan ni Bacquel.

Sabi Bacquel, dapat matalakay ito dahil bahagi ito ng pagpipilit ng prosekusyon na kaduda-duda ang lugar ng property at kung gayon, kuwestiyonable ang ari-arian na idineklara o hindi idineklara sa SALN.

Kung saan patungo ang mga usaping ipiniprisinta ng depensa, lalong lilinaw ang lahat sa pagdaan ng mga araw ng paglilitis.

May problema nga lang…higit na pulitika o panlalaglag ng “kaaway” at hindi ligal gaya ng ebidensya, ang lumilitaw na pagbabatayan ng desisyon.

Kaya naman, parehong magbibigay ng hatol ang magkabilang panig ng mga senador dahil sa pulitika at hindi sa merito ng kaso, lalo’t malapit na ang halalang 2028…kung matutuloy at hindi haharangin.

The post KASO SA DAVAO NAPUNTA SA CHINA first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/kaso-sa-davao-napunta-sa-china/feed/ 0
HINDI PAGTATANIM NG PALAY HINDI BIRO https://remate.ph/hindi-pagtatanim-ng-palay-hindi-biro/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hindi-pagtatanim-ng-palay-hindi-biro https://remate.ph/hindi-pagtatanim-ng-palay-hindi-biro/#respond Mon, 09 Nov 2026 21:30:18 +0000 https://remate.ph/?p=764774 NAKABABAHALA ang natatagpuan ng Department of Social Welfare and Development na may mga magsasaka nang hindi nagtanim ng palay at mais para sana sa susunod na anihan sa Pebrero-Marso-Abril 2027. Natatagpuan ito habang namamahagi ang DSWD ng emergency cash transfer sa mga magsasaka ng palay at mais na natamaan na ng super El Nino. Kasama […]

The post HINDI PAGTATANIM NG PALAY HINDI BIRO first appeared on Remate Online.

]]>
NAKABABAHALA ang natatagpuan ng Department of Social Welfare and Development na may mga magsasaka nang hindi nagtanim ng palay at mais para sana sa susunod na anihan sa Pebrero-Marso-Abril 2027.

Natatagpuan ito habang namamahagi ang DSWD ng emergency cash transfer sa mga magsasaka ng palay at mais na natamaan na ng super El Nino.

Kasama sa mga pinagbibigyan ng ECT ang mga nasa Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, SOCCSKSARGEN at Caraga, kasama ang mga hindi nagtanim.

Rason ng mga magsasaka: Mamamatay lang ang mga tanim sa kawalan ng tubig, sayang lang ang gastos sa produksyon at pagpapagod dahil mauuwi lahat sa lubos na pagkalugi.

Sa mga magpapalay, may ulat ding dumating sa ating pahayagang Remate na kalahati lang ang kanilang naani dahil natuyot ang mga palay sa kawalan ng tubig pagdating ng anihan nitong Oktubre.

Para sa mga may irigasyon na may tiyak na pinagkukunan ng tubig, tuloy ang pagsasaka, subalit tumitigil din gaya ng nagaganap kung tag-araw sa Central Luzon dahil inihihinto ng Angat Dam ang suplay ng tubig at inilalaan ang tubig sa Metro Manila.

Para sa mga umaasa lang sa ulan, ganap na talagang tumigil ang pagsasaka.

Ang mga gumagamit ng generator para magpatubig, tumigil din dahil sa napakamahal na diesel at gasolina na humahantong sa matinding pagkalugi, lalo na ang mga nagpa-5/6 sa pangungutang.

SUPER EL NINO HANGGANG MAYO 2027

Matindi ang sinasabi ng PAGASA na itotodo ng super El Nino ang bagsik nito makaraan ang paglamig ng panahon mula Pebrero at magtatapos ito sa Mayo 2027.

Ang masama pa, hindi lang mga magsasaka sa palay at mais ang matatamaan kundi pati ang mga mangingisda.

Matutuyo ang mga palaisdaan na roon inaalagaan ang mga isda, hipon, alimango at iba pa.

Sa mga taga-Lawa gaya sa Laguna de Bay at Taal Lake, maglalasa at mag-aamoy gilik ang mga isda at hindi kayang tanggapin ng sikmura ang mga amoy at lasa ng mga ito.

Magkakaroon din ng mga peste sa iba pang mga pananim at iba pang mga hayop gaya ng manok, baboy at iba pa.

Magkakaroon pa ng mga forest fire na ikasisira rin ng mga puno, kasama ang mga nagbubunga, at magkakaroon pa ng masamang kalagayan sa kapaligiran sa usok na lilikhain ng mga ito.

Ganyan katindi ang magiging epekto ng super El Nino sa produksyon ng pagkain at kapaligiran.

MGA PAGHAHANDA AT MGA KORAP
Aktibo ang buong pamahalaan sa paghahanda laban sa super El Nino.

Ngunit gaano kahanda talaga ito lalo’t pinagbabawasan umano ang pondo para sa National Disaster Risk Reduction Management Council para sa 2027 at kasama sa mga ibinawas ay inilaan sa mga pork barrel ng mga kongresman?

Inuuna pa ng mga kongresman na korap na punuin ang kanilang bulsa at maleta kaysa isalba ang mga mamamayan sa kapahamakan, lalo’t huli na nilang baraha ito sa pagnanakaw sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Kung kakapusin ng pondo ang gobyerno laban sa kalamidad, saan kayang bangin tayo mahuhulog?

Alalahaning hindi kikilos ang gobyerno nang walang pondo at pilay na pilay sa kakulangan nito.

The post HINDI PAGTATANIM NG PALAY HINDI BIRO first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/hindi-pagtatanim-ng-palay-hindi-biro/feed/ 0