TECH TREND - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Sat, 24 Oct 2026 03:55:55 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.1.4 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png TECH TREND - Remate Online https://remate.ph 32 32 Discord, CICC nagpulong ukol sa kaligtasan ng mga kabataan online https://remate.ph/discord-cicc-nagpulong-ukol-sa-kaligtasan-ng-mga-kabataan-online/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=discord-cicc-nagpulong-ukol-sa-kaligtasan-ng-mga-kabataan-online https://remate.ph/discord-cicc-nagpulong-ukol-sa-kaligtasan-ng-mga-kabataan-online/#respond Sat, 24 Oct 2026 07:40:45 +0000 https://remate.ph/?p=761470 MANILA, Philippines – Tinalakay ng mga opisyal ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at ng isang mataas na opisyal ng Discord ang mga panukalang hakbang ng pamahalaan upang palakasin ang kaligtasan ng mga bata online at maiwasan ang online sexual abuse or exploitation of children (OSAEC) at marahas na ekstremismo. Ang Discord ay isang […]

The post Discord, CICC nagpulong ukol sa kaligtasan ng mga kabataan online first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Tinalakay ng mga opisyal ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at ng isang mataas na opisyal ng Discord ang mga panukalang hakbang ng pamahalaan upang palakasin ang kaligtasan ng mga bata online at maiwasan ang online sexual abuse or exploitation of children (OSAEC) at marahas na ekstremismo.

Ang Discord ay isang communication platform na ginagamit sa text, voice at video. Binatikos online ang CICC at Department of Information and Communications Technology (DICT) matapos ipagbawal ang platform noong nakaraang buwan dahil hindi ito sumunod sa utos na magtayo ng lokal na tanggapan sa bansa.

Ipinatupad ang pagbabawal dahil sa mga pangamba na hinihikayat umano ng mga online groomer ang mga menor de edad na gumawa ng karahasan. Kaugnay ito ng hindi bababa sa tatlong magkakahiwalay na nakamamatay na pamamaril sa Tacloban City, Zamboanga City at South Cotabato.

Ayon kay CICC Executive Director at Undersecretary Aboy Paraiso, nagpahayag ang Discord ng kahandaang magtalaga ng lokal na law firm na kakatawan sa kumpanya sa Pilipinas, bilang tugon sa kahilingan ng CICC at sa panukalang batas sa Kongreso.

Binigyang-diin ni Paraiso na kailangang may sapat na kapangyarihan ang lokal na kinatawan upang agarang tugunan ang mahahalaga at sensitibong usapin, sa halip na maging pormal na contact person lamang.

“If we’re gearing towards not setting up a Philippine office, not a physical office, but more of a Philippine representative, it has to have some sort of power and discretion to decide over various issues that are, like I said, imminent, crucial, or difficult,” ani Paraiso.

Samantala, sinabi ni Discord Senior Public Policy Advisor for Asia-Pacific Vasundhara Singh na kailangang balansehin ang layunin ng regulasyon at ang praktikal na pangangailangan ng mga kompanya ng teknolohiya.

Hinimok din niya ang pamahalaan na pag-ibahin ang pagtatalaga ng lokal na legal representative at ang pagkakaroon ng pisikal na tanggapan sa bansa.

“If the local presence is sufficient, we already spoke to your office, and we’re happy to find a law firm that represents us, as we’ve done in Korea, Japan, a lot of these countries,” ani Singh.

Dagdag niya, dapat nakabatay sa layunin ng pamahalaan ang mga rekisito, lalo na sa pagtiyak na may epektibong paraan ang mga kompanya upang tumugon sa mga awtoridad at agarang aksiyunan ang mahahalagang usapin.

Nagbabala rin si Singh na maaaring mas mabigatan ang maliliit na kompanya ng teknolohiya at mga startup kung sapilitang magtatayo ang mga ito ng pisikal na opisina. Aniya, dapat isaalang-alang ng mga regulasyon ang laki, operasyon at kakayahan ng bawat platform habang tinitiyak na tumutugon ang mga ito sa mga kahilingan ng pamahalaan.

Ayon kay Paraiso, nagbigay ang pulong ng pagkakataon upang talakayin kung paano mapapahusay ng isang may sapat na kapangyarihang lokal na kinatawan ang koordinasyon ng Discord at mga awtoridad sa Pilipinas.

Dagdag niya, nakasalalay sa pinal na bersiyon ng kaugnay na batas at sa mga obligasyong ipapataw sa mga saklaw na platform ang magiging partikular na rekisito para sa lokal na kinatawan ng Discord. RNT/MDS

The post Discord, CICC nagpulong ukol sa kaligtasan ng mga kabataan online first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/discord-cicc-nagpulong-ukol-sa-kaligtasan-ng-mga-kabataan-online/feed/ 0
Replace yourself with AI before someone else does! https://remate.ph/replace-yourself-with-ai-before-someone-else-does/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=replace-yourself-with-ai-before-someone-else-does https://remate.ph/replace-yourself-with-ai-before-someone-else-does/#respond Thu, 22 Oct 2026 02:14:48 +0000 https://remate.ph/?p=760893 Hindi AI ang Tunay na Kalaban Mo. Ang Mas Delikado ay ang Ayaw Mong Matuto. “You will not necessarily lose your job because AI is better than you. You might lose your job because someone who makes the decisions believes AI is good enough.” Ito ang katotohanang kailangang maintindihan ng bawat Pilipino, hindi lang ng […]

The post Replace yourself with AI before someone else does! first appeared on Remate Online.

]]>
Hindi AI ang Tunay na Kalaban Mo. Ang Mas Delikado ay ang Ayaw Mong Matuto.

“You will not necessarily lose your job because AI is better than you. You might lose your job because someone who makes the decisions believes AI is good enough.”

Ito ang katotohanang kailangang maintindihan ng bawat Pilipino, hindi lang ng voice talents, singers, composers, arrangers, writers, animators, at iba pang creative professionals. Pati teachers, office workers, entrepreneurs, freelancers, broadcasters, at ordinaryong manggagawa, dapat maintindihan ito. Because AI is no longer just about technology.

It’s about opportunities, competition, and survival in a changing economy. And here’s the uncomfortable truth. Hindi kailangang maging mas magaling ang AI kaysa sa iyo para mawalan ka ng trabaho. Minsan, sapat nang isipin ng kliyente na kaya na ng AI ang kailangan niya. Mas mabilis. Mas mura. Mas madaling baguhin. At kung hindi mo naiintindihan kung paano nagdedesisyon ang mga kliyente at kumpanya, baka magulat ka na lang na wala ka nang susunod na project.

KAPAG AI ANG PINILI NG KLIYENTE, KASALANAN BA AGAD NG KUMPANYA?

Recently, may nabasa akong kuwento tungkol sa isang anak na nagpahayag ng sama ng loob dahil ang nanay niyang voice talent ay nawalan umano ng job opportunity matapos piliin ng isang kumpanya ang AI-generated voice.

Natural lang na masaktan ang pamilya. Natural lang na madismaya. At natural lang na ipagtanggol ng anak ang kanyang ina. Pero may tanong ako.

Ano ba talaga ang ginawang mali ng kumpanya? Ninakaw ba ang boses ng talent? Kinopya ba ang kanyang voice nang walang pahintulot? May kontrata bang nilabag? May trabahong ginawa pero hindi binayaran? Kung oo, dapat managot ang responsable.

Pero kung gumamit lamang ang kumpanya ng legal at properly licensed AI voice para sa isang project, ibang usapan na iyon. Business decision iyon. At kahit masakit tanggapin, hindi obligasyon ng isang kumpanya na gamitin ang isang partikular na talent kung may ibang paraan para matapos ang trabaho.

Hindi porke’t hindi ikaw ang pinili, ibig sabihin ay inapi ka.

Minsan, nagbago lang talaga ang pangangailangan ng merkado. At hindi lahat ng pagbabago ay personal na pag-atake. Instead of asking, “Bakit AI ang pinili nila?” Maybe we should also ask: “Ano ang puwede kong matutunan para ako pa rin ang piliin sa susunod?”

Because sympathy may make us feel better today. But skills can create opportunities tomorrow.

ANG TUNAY MONG KOMPETISYON AY HINDI LANG AI

Imagine two Filipino voice artists. Si Artist A, twenty years nang voice talent. Magaling umarte, maganda ang boses, maraming experience. Pero ayaw niyang pag-aralan ang AI. Para sa kanya, kalaban ito ng tunay na artista. Si Artist B, ten years pa lang sa industriya. Magaling din, pero marunong gumamit ng AI voice tools, audio editing, localization, at digital production. May client na nangangailangan ng twenty versions ng isang advertisement sa tatlong wika.

Si Artist A, voice recording lang ang kayang i-offer. Si Artist B, kayang mag-record ng human performance, mag-direct ng authorized AI voices, at mag-deliver ng complete production. Sino kaya ang mas maraming puwedeng i-offer sa kliyente?

Hindi ibig sabihin na mas magaling umarte si Artist B. Pero mas malawak ang kanyang serbisyo. Ang tunay mong kalaban ay hindi palaging AI. Minsan, kapwa mo Pilipino na marunong gumamit ng AI para maging mas produktibo.* At hindi lang ito para sa voice artists. Ang teacher na marunong gumamit ng AI para gumawa ng lesson materials ay may dagdag na kakayahan.

Ang tindera na marunong gumamit ng AI para gumawa ng product descriptions ay may bagong paraan para magbenta. Ang freelancer na marunong gumamit ng AI para sa research, editing, at production ay may mas maraming serbisyong puwedeng i-offer. Ang negosyanteng marunong gumamit ng AI ay maaaring makatipid ng oras at makapag-focus sa customers. Hindi ibig sabihin na automatic na yayaman sila. Pero mas marami silang pagpipilian. At sa panahon ng mabilis na pagbabago, malaking bagay ang pagkakaroon ng options.

SA MGA GATEKEEPER NG CREATIVE INDUSTRY: HINDI NINYO PAG-AARI ANG KINABUKASAN

May mga singers, composers, arrangers, voice talents, producers, at iba pang established creative professionals na may makatuwirang pangamba tungkol sa AI. Copyright. Consent. Royalties.

Unauthorized cloning. Fair compensation. Importanteng pag-usapan ang mga ito. Pero iba ang pagprotekta sa karapatan ng artista sa pagharang sa pagkakataong matuto at lumikha ang ibang tao.

Dati, kailangan mo ng mamahaling studio para makagawa ng professional-sounding audio. Kailangan mo ng malaking production budget para makagawa ng video. Kailangan mo ng maraming koneksyon para makapasok sa ilang bahagi ng entertainment industry.

Ngayon, mas marami nang creative tools na naaabot ng ordinaryong Pilipino. Hindi ibig sabihin na dahil may AI ka, mahusay ka nang singer, filmmaker, o voice director. Kailangan pa rin ng talento, disiplina, at pag-aaral. Pero at least, may pagkakataon ka nang magsimula.

Ang tunay na lider ay nagbubukas ng oportunidad. Ang gatekeeper ay naglalagay ng hadlang. Iyan din ang dahilan kung bakit ko itinatag ang CreatiVoices Productions noong 2005. Gusto kong magkaroon ng pagkakataon ang ordinaryong Pilipino na matuto ng professional voice acting.

Hindi kailangang may kakilala ka muna sa industriya. Hindi kailangang anak ka ng sikat. Hindi kailangang may backer ka. Kung may pangarap ka, dapat may pagkakataon kang matuto. At ngayon, ganoon din ang pananaw ko sa AI. Hindi dapat para lamang sa mayayaman, malalaking kumpanya, o technology experts ang artificial intelligence.

AI PARA SA MASA. Hindi AI para sa iilan.

AYAW MO SA AI, PERO GINAGAMIT MO RIN?

May isa pang nakakatawang bahagi ng debate. May mga taong galit sa AI pero gumagamit ng AI-assisted editing tools, automated transcription, smart cameras, at iba pang intelligent software. Kapag sila ang nakikinabang, innovation. Kapag kakompetensiya nila ang nakikinabang, exploitation agad. Interesting, di ba? Pero dapat malinaw: hindi lahat ng tumututol sa generative AI ay hypocrite. May mga taong gumagamit ng AI for accessibility o productivity pero tutol sa unauthorized training at voice cloning.

Valid ang mga concern na iyon. Ang problema ay kapag nagbabago ang prinsipyo depende sa kung sino ang kumikita. Kung ginagamit mo ang teknolohiya para mapadali ang trabaho mo, kailangan mong magkaroon ng malinaw at patas na dahilan bago mo sabihing bawal itong gamitin ng iba. Hindi puwedeng ang standard ay kung sino ang mas pabor sa iyo.

MULA ANALOG HANGGANG AI: BAKIT HINDI AKO NATATAKOT SA PAGBABAGO

Halos tatlong dekada na akong nasa voice acting, dubbing, broadcasting, at creative education. Naranasan ko ang analog recording. Nakita ko ang paglipat sa digital audio. Nakita ko ang pag-usbong ng home studios, online auditions, remote recording, at digital production.

At ngayon, AI voice technology. Kung natakot ako sa bawat bagong teknolohiya, baka hanggang ngayon ay magnetic tape pa rin ang hinahanap ko. Noong 2005, itinatag ko ang CreatiVoices Productions para buksan ang industriya sa mas maraming Filipino voice artists.

Sumunod ang VoiceWorx at ang Certified Voice Artist Program. Ngayon, patuloy kong pinag-aaralan ang AI voice technologies, kabilang ang ElevenLabs, Murf, Cartesia, at iba pang platforms. Hindi dahil gusto kong mawala ang human voice actors. Kundi dahil gusto kong magkaroon sila ng papel sa susunod na yugto ng industriya. I want Filipino voices, Filipino languages, and Filipino creativity to be represented in the technologies being developed around the world.

Ayokong dumating ang panahon na ang ibang bansa lamang ang nagdedesisyon kung paano maririnig ang ating mga wika sa AI. Kung may kinabukasan ang AI voice, dapat may lugar ang boses ng Pilipino roon.

WALONG PRAKTIKAL NA HAKBANG PARA HINDI KA MAPAG-IWANAN

Hindi sapat ang motivational quotes. Kailangan ng actual skills.

1. Pag-aralan ang AI bago mo husgahan. Subukan ang mga AI tools na angkop sa trabaho mo. Alamin ang kanilang capabilities, limitations, at risks. May mga libreng plan o trial ang ilang platforms, pero suriin ang kasalukuyang terms at restrictions.

2. Gamitin ang AI para mas maging produktibo. Kung teacher ka, gamitin sa lesson planning at pagbuo ng practice activities na ikaw pa rin ang nagre-review. Kung negosyante ka, gamitin sa marketing ideas, customer communication, at product descriptions. Kung artist ka, gamitin sa brainstorming, production planning, at creative experimentation.

3. Huwag ibigay basta-basta ang iyong boses, mukha, o creative identity. Kung magli-license ka ng AI voice, intindihin ang kontrata. Alamin kung saan gagamitin, gaano katagal, magkano ang bayad, at kung sino ang may kontrol sa generated content.

4. Matutong gumawa ng sarili mong content. Huwag puro hintay ng client. Gumawa ng original videos, podcasts, educational materials, audio dramas, at digital products.

5. Palawakin ang iyong skills. Kung voice artist ka, matutong mag-direct, mag-edit, at mag-localize. Kung musician ka, pag-aralan ang production at digital distribution. Kung entrepreneur ka, pag-aralan ang marketing at customer service.

6. Intindihin ang tunay na problema ng customer. Hindi sapat na sabihin mong magaling ka. Dapat maipakita mo kung paano mo matutulungan ang customer na makuha ang kailangan niya.

7. Protektahan ang human creativity. May mga pagkakataong mas mahalaga ang human performance, empathy, artistic interpretation, at cultural understanding. Huwag itapon ang mga ito. Gawin mong competitive advantage.

8. Ibahagi ang natutunan mo. Kung marunong ka nang gumamit ng AI, turuan mo ang iba. Ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang para sa isang tao. Dapat may nadadala kang ibang Pilipino sa pag-asenso.

HINDI LAHAT NG TRABAHO AY MAILILIGTAS. PERO MAS MARAMING TAO ANG PUWEDENG MAIHANDA.

Let’s be realistic. May mga trabahong maaapektuhan ng AI. May mga services na bababa ang demand. May mga freelancers na mahihirapang makipagkompetensiya.

At may mga taong kakailanganin ng training, suporta, at panahon para makalipat sa bagong trabaho. Hindi sapat ang sabihing, “Mag-adapt ka lang.” Kailangan din ng accessible education, affordable internet, devices, fair contracts, at mga oportunidad na hindi lamang nakasentro sa Metro Manila.

Dito pumapasok ang misyon ng AI PARA SA MASA.

Hindi natin dapat hayaang ang AI revolution ay maging exclusive opportunity para sa may pera at may koneksyon. Dapat maabot nito ang public school teachers, ALS learners, kabataan, OFWs, freelancers, maliliit na negosyante, magsasaka, mangingisda, at ordinaryong manggagawa. Hindi dahil AI ang sagot sa lahat ng problema. Kundi dahil hindi dapat maiwan ang ordinaryong Pilipino sa isang teknolohiyang maaaring makaapekto sa kanyang kabuhayan.

ANG MENSAHE NG VOICEMASTER SA BAWAT PILIPINO

I spent almost thirty years helping Filipinos discover their voices. Now, I want to help them discover what those voices can become in the age of AI. Hindi ko sinasabing palitan mo ang sarili mo ng makina.

Ang sinasabi ko, palitan mo ang mga lumang paraan ng pagtatrabaho na hindi na sapat para sa kasalukuyang panahon. Replace outdated habits with new skills. Replace fear with knowledge. Replace dependence with initiative.

Replace endless complaints with practical action. And replace the belief that your past success automatically guarantees your future.

Hindi AI ang tunay na kalaban mo. Ang kalaban mo ay ang kawalan ng kaalaman, oportunidad, at kahandaang harapin ang pagbabago.

Kung may mali sa paggamit ng AI, itama natin. Kung may nilabag na karapatan, ipaglaban natin. Kung may artistang nawalan ng trabaho, tulungan nating magkaroon ng bagong pagkakataon. Pero huwag nating turuan ang susunod na henerasyon na matakot sa teknolohiya dahil lamang hindi natin ito lubos na naiintindihan.

Ang kailangan ng Pilipinas ay hindi mas maraming taong takot sa AI. Ang kailangan natin ay mas maraming Pilipinong may kakayahang gamitin, unawain, at hubugin ito nang responsable.

REPLACE YOURSELF WITH AI BEFORE SOMEONE ELSE DOES.

Not your humanity. Not your creativity. Not your dignity. Replace your limitations. Upgrade your skills. Expand your opportunities. Dahil ang tunay na layunin ng AI ay hindi dapat ang palitan ang halaga ng tao.

Dapat itong gamitin para palawakin ang kakayahan ng tao. Ako po si *Pocholo De Leon Gonzales, The VoiceMaster of the Philippines.* At ito ang paninindigan ko:

AI PARA SA MASA, HINDI PARA SA IILAN.

Walang Pilipinong dapat maiwan sa kinabukasan ng teknolohiya.* Mabuhay ang malikhaing Pilipino!

_______________________

AI PARA SA MASA | OPINION & INSIGHTS

By Pocholo De Leon Gonzales

The VoiceMaster of the Philippines | Founder, CreatiVoices Productions and AI Education PH

The post Replace yourself with AI before someone else does! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/replace-yourself-with-ai-before-someone-else-does/feed/ 0
32% ng negosyo sa Pinas, gumagamit ng AI pero karamihan basic pa — pag-aaral https://remate.ph/32-ng-negosyo-sa-pinas-gumagamit-ng-ai-pero-karamihan-basic-pa-pag-aaral/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=32-ng-negosyo-sa-pinas-gumagamit-ng-ai-pero-karamihan-basic-pa-pag-aaral https://remate.ph/32-ng-negosyo-sa-pinas-gumagamit-ng-ai-pero-karamihan-basic-pa-pag-aaral/#respond Thu, 15 Oct 2026 03:14:46 +0000 https://remate.ph/?p=759487 MANILA, Philippines — Dumami ang mga negosyong gumagamit ng artificial intelligence (AI) sa Pilipinas ngayong 2026, ngunit karamihan ay limitado pa rin sa mga simpleng aplikasyon ng teknolohiya, ayon sa bagong pag-aaral na kinomisyon ng Amazon Web Services (AWS). Batay sa Unlocking the Philippines’ AI Potential 2026 ng research firm na Strand Partners, umakyat sa […]

The post 32% ng negosyo sa Pinas, gumagamit ng AI pero karamihan basic pa — pag-aaral first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines — Dumami ang mga negosyong gumagamit ng artificial intelligence (AI) sa Pilipinas ngayong 2026, ngunit karamihan ay limitado pa rin sa mga simpleng aplikasyon ng teknolohiya, ayon sa bagong pag-aaral na kinomisyon ng Amazon Web Services (AWS).

Batay sa Unlocking the Philippines’ AI Potential 2026 ng research firm na Strand Partners, umakyat sa 32% ang AI adoption sa mga negosyo mula sa 21% noong nakaraang taon, katumbas ng 52% year-on-year growth.

Tinatayang mahigit 396,000 negosyo sa bansa ang gumagamit na ng AI.

Gayunman, ipinakita ng pag-aaral na 70% ng mga negosyong gumagamit ng AI ang nakatuon pa rin sa basic applications gaya ng chatbots, automated tasks at productivity tools.

Nasa 18% naman ang gumagamit ng AI sa iba’t ibang bahagi ng kanilang operasyon, habang 12% lamang ang nakarating sa advanced applications gaya ng custom AI systems at autonomous technologies.

Sa kabila nito, 74% ng mga negosyong gumagamit ng AI ang nag-ulat ng pagtaas ng productivity, habang 68% ang nagsabing nakatulong ang teknolohiya sa paglago ng kanilang kita.

Ngunit nananatiling hamon ang kakulangan sa kasanayan, imprastraktura at malinaw na estratehiya sa paggamit ng AI.

Ayon sa pag-aaral, 47% ng mga negosyo ang nakararanas ng kakulangan sa AI at digital skills, habang 39% ang humaharap sa mga problemang teknikal at may kaugnayan sa datos.

Lumabas din na 17% lamang ng mga negosyo ang may pormal na plano para sa pagpapalawak ng paggamit ng AI sa kanilang operasyon.

Sinabi ni AWS Philippines Country Manager Precious Lim na mahalagang magtulungan ang pamahalaan at pribadong sektor upang matiyak na ang lumalawak na paggamit ng AI ay magdudulot ng konkretong benepisyo sa mga negosyo.

Binigyang-diin din sa pag-aaral ang pangangailangang palakasin ang AI literacy ng mga manggagawa, pangangalaga sa datos at wastong pagsusuri sa epekto ng teknolohiya sa negosyo.

Isinagawa ang pag-aaral sa 1,000 business leaders at 1,000 miyembro ng publiko sa Pilipinas. Dave Baluyot

The post 32% ng negosyo sa Pinas, gumagamit ng AI pero karamihan basic pa — pag-aaral first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/32-ng-negosyo-sa-pinas-gumagamit-ng-ai-pero-karamihan-basic-pa-pag-aaral/feed/ 0
AI ‘worms’ na kumakalat sa smart gadgets, ibinabala ng Anthropic https://remate.ph/ai-worms-na-kumakalat-sa-smart-gadgets-ibinabala-ng-anthropic/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ai-worms-na-kumakalat-sa-smart-gadgets-ibinabala-ng-anthropic https://remate.ph/ai-worms-na-kumakalat-sa-smart-gadgets-ibinabala-ng-anthropic/#respond Thu, 15 Oct 2026 01:39:35 +0000 https://remate.ph/?p=759256 POSIBLENG makabuo bago matapos ang 2026 ng artificial intelligence (AI) system na kayang kumopya at kumalat nang kusa sa mga internet-connected device, kabilang ang smart TV, security camera at iba pang gamit sa bahay, ayon sa bagong pag-aaral ng AI company na Anthropic. Sa pananaliksik na inilabas noong Oktubre 12, nagbabala ang Anthropic na maaaring […]

The post AI ‘worms’ na kumakalat sa smart gadgets, ibinabala ng Anthropic first appeared on Remate Online.

]]>
POSIBLENG makabuo bago matapos ang 2026 ng artificial intelligence (AI) system na kayang kumopya at kumalat nang kusa sa mga internet-connected device, kabilang ang smart TV, security camera at iba pang gamit sa bahay, ayon sa bagong pag-aaral ng AI company na Anthropic.

Sa pananaliksik na inilabas noong Oktubre 12, nagbabala ang Anthropic na maaaring magkaroon ng tinatawag na AI “worms” na kayang lumipat mula sa isang device patungo sa iba nang hindi nangangailangan ng patuloy na kontrol ng tao.

Ang computer worm ay isang uri ng malicious software na may kakayahang magparami at kumalat sa mga computer network.

Ayon sa mga researcher ng Anthropic na sina William Zhou at Daniel Freeman, maaaring gamitin ng ganitong AI ang mga kahinaan sa seguridad ng murang smart devices upang makapasok sa mga ito at magpatuloy sa pagkalat.

Hindi rin umano kakailanganin ng malalaking data center ang naturang AI dahil posibleng gumamit ito ng pinagsamang computing power ng maraming maliliit na device.

Sa kanilang eksperimento, matagumpay na nakapagpatakbo ang mga researcher ng AI model gamit ang 15 murang Android TV boxes na magkakaugnay sa isang network.

Napatunayan din sa hiwalay na pagsusuri na kaya ng ilang AI model na mag-set up ng kinakailangang software sa iba’t ibang uri ng hardware.

Gayunman, nilinaw ng Anthropic na hindi pa nakakabuo ang mga researcher ng ganap na autonomous AI worm na kusang kumakalat sa mga ordinaryong gadget sa totoong mundo.

Ginamit din sa kanilang pagsusuri ang kaso ng Kimwolf botnet, isang network ng mga nakompromisong device na nakaapekto sa mahigit dalawang milyong gadget, karamihan ay murang Android TV boxes.

Hindi AI worm ang Kimwolf, ngunit ginamit ito bilang batayan upang tantiyahin kung gaano kalawak ang posibleng maging pagkalat ng ganitong banta.

Ayon sa Anthropic, maaaring maging mahirap pigilan ang isang AI worm kapag kumalat na ito sa maraming device dahil walang iisang central system na maaaring patayin upang mapahinto ang operasyon nito.

Gayunman, posibleng mabagal ang pagpaparami nito at umabot nang ilang araw bago makalikha ng panibagong kopya.

Samantala, sinabi ng cybersecurity expert na si Varun Chandrasekaran ng University of Illinois na hindi pa independiyenteng nabeberipika ang mga resulta ng pag-aaral.

Binigyang-diin din niya na mas agarang banta sa kasalukuyan ang paggamit ng mga cybercriminal ng AI upang mapahusay at mapabilis ang kanilang mga pag-atake.

Dahil dito, binigyang-diin ng Anthropic ang pangangailangang palakasin ang cybersecurity ng mga internet-connected device, kabilang ang mas ligtas na default settings at maagang pagtukoy sa kahina-hinalang aktibidad sa mga network. RNT

The post AI ‘worms’ na kumakalat sa smart gadgets, ibinabala ng Anthropic first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/ai-worms-na-kumakalat-sa-smart-gadgets-ibinabala-ng-anthropic/feed/ 0
Galing ng Pinoy! Sign Language AI Robot ng Student Innovator, Nag-Uwi ng Karangalan Mula Jakarta https://remate.ph/galing-ng-pinoy-sign-language-ai-robot-ng-student-innovator-nag-uwi-ng-karangalan-mula-jakarta/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=galing-ng-pinoy-sign-language-ai-robot-ng-student-innovator-nag-uwi-ng-karangalan-mula-jakarta https://remate.ph/galing-ng-pinoy-sign-language-ai-robot-ng-student-innovator-nag-uwi-ng-karangalan-mula-jakarta/#respond Sat, 10 Oct 2026 06:48:40 +0000 https://remate.ph/?p=758449 LUNGSOD NG SANTA ROSA, LAGUNA — Bitbit ang hangaring gawing mas abot-kamay at inklusibo ang pang-araw-araw na pakikipagtalastasan, nakalikha ang isang mag-aaral na researcher ng isang AI-powered robotic arm na may kakayahang magsalin ng sign language tungo sa real-time na pananalita para sa mga indibidwal na bingi at hindi nakapagsasalita. Ang proyekto, na opisyal na […]

The post Galing ng Pinoy! Sign Language AI Robot ng Student Innovator, Nag-Uwi ng Karangalan Mula Jakarta first appeared on Remate Online.

]]>
LUNGSOD NG SANTA ROSA, LAGUNA — Bitbit ang hangaring gawing mas abot-kamay at inklusibo ang pang-araw-araw na pakikipagtalastasan, nakalikha ang isang mag-aaral na researcher ng isang AI-powered robotic arm na may kakayahang magsalin ng sign language tungo sa real-time na pananalita para sa mga indibidwal na bingi at hindi nakapagsasalita.

Ang proyekto, na opisyal na pinamagatang “DUM-E: Prototyping an AI-Powered Robotic Arm Assistant Integrated with Sign Language Translation using ESP32-S3 to Create an Interactive Assistant Technology,” ay sumungkit ng 2nd Place sa Creative Innovation Category sa ginanap na Electronics & Robotics International Competition (ERIC) 2025 sa Universitas Negeri Jakarta, Indonesia noong Setyembre 24–25, 2025.

Sa pamumuno ng student innovator at team lead na si Alexander Mathew R. De Leon, nagsimula ang proyekto bilang isang ambisyosong personal na inisyatibo na pinondohan mula sa kaniyang sariling naipong baon noong Marso 2025. Layuning higitan ang kakayahan ng mga karaniwang voice assistant tulad ng Siri o Alexa, isinulong ni De Leon ang pagbuo ng isang interactive at pisikal na assistant na may robotic pick-up arm upang alisin ang mga hadlang sa pakikipagtalastasan ng mga indibidwal na bingi at hindi nakapagsasalita.

Gumagamit ang sistema ng ESP32-S3 microcontroller upang patakbuhin ang custom 3D-printed robotic arm, mga servomotor, at TFT touch display. Kumokonekta ang microcontroller sa pamamagitan ng Wi-Fi sa isang processing system na gumagamit ng OpenCV, TensorFlow, at PyTorch upang suriin ang live camera feed, kilalanin ang mga galaw sa American Sign Language (ASL), at isalin ang mga ito sa wikang binibigkas. Bukod dito, may taglay ring emotion-aware conversational model ang DUM-E na nakatutukoy ng konteksto at emosyon upang isaayos ang kaniyang tugon nang may empatiya. Bagama’t hindi pa perpekto ang prototype, ang pangunahing konsepto at mahahalagang functional feature nito ay gumagana na nang maayos.

Bagama’t sariling sikap ang pagbuo at pagprograma ni De Leon sa sistema, kinikilala niya na malaking bahagi ng kaniyang teknikal na kaalaman ay nagmula sa mga hands-on training sa hardware at engineering na natanggap niya sa Evtech Research Group, kung saan kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang Product Developer.

“Evtech gave me the technical knowledge and hands-on training to assemble electronics, create 3D models, 3D printing, and develop projects from scratch,” ibinahagi ni De Leon. “Through this training, I became capable of turning an idea into a working prototype and completing projects such as DUM-E. Without them, I may not have realized that these kinds of projects were even possible. Them and the many setbacks also taught me that leadership means carrying a team forward, taking responsibility for the result, and continuing even when the situation feels impossible.”

Higit pa sa mga natutunang teknikal na kaalaman, ang pagdadala sa DUM-E sa kompetisyon sa Jakarta ay naging isang matinding pagsubok sa kaniyang diskarte at tibay ng loob. Matapos magpuyat upang maipasa ang kanilang qualifying research paper bago ang deadline, matagumpay na nakakuha ng imbitasyon ang koponan ngunit naharap sa matinding pagkaantala sa pondo para sa tiket sa eroplano at mga kailangang piyesa.

Lalong lumala ang sitwasyon 24 oras bago ang kanilang lipad nang mag-short circuit ang pangunahing control computer ng robot na Raspberry Pi habang isinasagawa ang huling pagsubok bago ang biyahe. Bilang lead developer na may direktang responsibilidad sa nangyaring aberya, inangkin ni De Leon ang pagkakamali at agad na kumuha ng buong pananagutan sa pagresolba ng krisis. Sa krusyal na sandali, nakabuo siya ng emergency setup: muling inilipat ang hardware control sa isang ekstrang Arduino Uno, inilipat ang AI processing sa isang laptop, at nag-record ng video demonstration ng buong kakayahan ng robot bilang fallback.

Pagdating sa Jakarta matapos makatanggap ng huling-sandaling tulong sa pagbiyahe mula sa mga opisyal ng lungsod, natuklasan ng koponan na na-damage ng alog sa biyahe ang 3D-printed chassis nito kaya hindi gumana ang isang braso, habang naiwan naman ang mahahalagang connector cable. Sa tulong ng mga organizer ng kompetisyon na nagpahiram ng kapalit na cable, naipresenta ng koponan ang mga natitirang gumaganang feature kasama ang mga inirekord na video feed na nagpapakita sa kumpletong kakayahan ng sistema.

Sa kabila ng mga naging balakid—tulad ng nasirang primary control computer, nasirang chassis, nawawalang cable, at ang ginawang emergency fallback setup—nasungkit pa rin ng DUM-E ang 2nd Place para sa Pilipinas, na kapos lamang ng limang puntos sa system reliability sa gitna ng mga naging aberya.

“After the presentation, I felt certain that we had no chance of placing because of all the setbacks,” alala ni De Leon. “The experience was a roller coaster of frustration, sadness, anxiety, joy, and relief, but in the end, we were able to present the project and proudly earned second place for the Philippines.”

Dahil sa pagnanais na pagbutihin ang performance ng prototype at ayusin ang mga unang hardware limitation nito, muling itinaya ng koponan ang kanilang natitirang pondo pagkatapos ng kompetisyon upang tuluyang i-overhaul ang DUM-E. Binuo muli ni De Leon ang system architecture gamit ang ESP32 bilang primary controller, mas malaking touchscreen interface, na-update na AI recognition pipeline, at isang nakalaang mobile app controller. Ang napagandang prototype ay kasunod na sumungkit ng Champion Overall sa 4th Regional Robolution sa Don Bosco Technical Institute ng Makati, Champion sa Health & Wellness Category sa Pilipinas Robosports Tournament 2025, at 3rd Best Research Project na pagkilala mula sa mga lokal na opisyal ng paaralan at lungsod.

Sa pagbabalik-tanaw sa naging paglalakbay mula sa nasirang hardware tungo sa pagiging kampeon, binigyang-diin ni De Leon na ang tibay ng loob sa larangan ng engineering ay nahuhubog sa pamamagitan ng pagharap sa mga kabiguan.

“Those engineering memes are not jokes, they are warnings,” paalala ni De Leon. “Still, if you find this field fulfilling, no hardship should stop you. Expect difficulties, do not be afraid to fail, and learn from every failure. Most importantly, keep learning, and have fun!”

The post Galing ng Pinoy! Sign Language AI Robot ng Student Innovator, Nag-Uwi ng Karangalan Mula Jakarta first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/galing-ng-pinoy-sign-language-ai-robot-ng-student-innovator-nag-uwi-ng-karangalan-mula-jakarta/feed/ 0
NO MORE LOST AT SEA: Estudyanteng researchers, nakaimbento ng safety tracking system para protektahan ang mga mangingisda https://remate.ph/no-more-lost-at-sea-estudyanteng-researchers-nakaimbento-ng-safety-tracking-system-para-protektahan-ang-mga-mangingisda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=no-more-lost-at-sea-estudyanteng-researchers-nakaimbento-ng-safety-tracking-system-para-protektahan-ang-mga-mangingisda https://remate.ph/no-more-lost-at-sea-estudyanteng-researchers-nakaimbento-ng-safety-tracking-system-para-protektahan-ang-mga-mangingisda/#respond Fri, 09 Oct 2026 11:43:46 +0000 https://remate.ph/?p=758311 MERCEDES, CAMARINES NORTE — Dala ng layuning maiwasan ang mga aksidente at trahedya sa dagat, nakabuo ang mga estudyanteng researcher mula sa Moreno Integrated School (MIS), sa pakikipagtulungan ng Evtech Research Group, ng isang off-grid safety tracking system upang protektahan ang mga mangingisda sa Camarines Norte na pumapalaot sa mga mapanganib na karagatan. Ang proyektong […]

The post NO MORE LOST AT SEA: Estudyanteng researchers, nakaimbento ng safety tracking system para protektahan ang mga mangingisda first appeared on Remate Online.

]]>
MERCEDES, CAMARINES NORTE — Dala ng layuning maiwasan ang mga aksidente at trahedya sa dagat, nakabuo ang mga estudyanteng researcher mula sa Moreno Integrated School (MIS), sa pakikipagtulungan ng Evtech Research Group, ng isang off-grid safety tracking system upang protektahan ang mga mangingisda sa Camarines Norte na pumapalaot sa mga mapanganib na karagatan.

Ang proyektong may pamagat na “Project L.I.G.H.T. (LoRa-Integrated GPS and Hazard Tracking): A Solar-Powered Life-Safety and Real-Time Weather Monitoring System with the LIGTAS Mathematical Risk Models and QGIS Integrated Vessel Tracking for Small-Scale Fishermen in Bagasbas, Daet, Camarines Norte” ay nag-uwi ng kampeonato sa Division Science and Technology Fair ng Department of Education (DepEd) Camarines Norte na ginanap sa San Roque National High School noong Setyembre 8–9, 2026.

Binuo sa ilalim ng Team LIGHT—sa pamumuno ni Noah M. Rala kasama ang mga estudyanteng presenter na sina Fernando V. Lladones III at Wynnona Razzyle L. Samson, katuwang ang Evtech Research Group bilang research at engineering partner—ang proyekto ay nag-ugat mismo sa isang totoong sitwasyon sa kanilang komunidad.

Nagsimula ang ideya nang makakita ang mga estudyante ng isang Facebook post mula sa isang pamilya sa Bagasbas, Daet na labis na naghahanap sa kanilang kamag-anak na halos tatlong araw nang nawawala sa dagat. Upang mas maunawaan ang mga pang-araw-araw na panganib na kinakaharap ng mga mangingisda, nakipanayam din ang koponan sa isang mangingisdang nakaligtas matapos ma-stranded sa gitna ng karagatan, habang ikinukuwento nito na panalangin na lamang ang kanyang naging kapit hanggang sa mailigtas siya ng isang nagdaang bangka.

Ayon kay Jenny Y. Sanchez, research adviser sa Junior High School ng MIS, matagumpay na naisalin ng koponan ang isang trahedyang nakita sa social media tungo sa isang kapaki-pakinabang na inobasyong nakatuntong sa realidad ng kanilang lugar.

“Look for inspiration in the world around you,” payo ni Sanchez. “The most impactful innovations like L.I.G.H.T. don’t start in a vacuum; they begin with empathy for real people and real challenges in your local community.”

Upang masolusyunan ang biglaang pagbabago ng panahon at ang kawalan ng signal ng cellphone sa karagatan, ginabayan ni Joellyn C. Apolinario, research adviser sa Senior High School ng MIS, ang koponan sa pagdidisenyo ng system flows at ng custom “LIGTAS” mathematical risk models.

Katuwang sa pagbuo ang Evtech Research Group, pinagsasama ng solar-powered system na ito ang Long Range (LoRa) radio communication, GPS vessel tracking, QGIS geospatial software, at isang onboard emergency SOS “black box” module. Sa pamamagitan ng pag-convert ng environmental at positional data tungo sa computational risk levels, nakapagpapadala ang sistema ng real-time tracking at mga babala ng panganib sa mga local rescue team nang hindi nangangailangan ng internet o signal ng cellphone.

Noong isinasagawa ang field testing sa Bagasbas bago ang division fair, dumaan ang ilang opisyal ng pamahalaang lokal sa testing site upang tingnan ang kagamitan habang ipinapaliwanag ng mga estudyante ang kanilang proyekto—bagama’t may ilan sa simula na nag-alinlangan kung talagang gagana ang aparato sa gitna ng dagat.

Gayunpaman, napatunayan sa mga nakuhang data sa ocean trial ng mga estudyante at ng Evtech Research Group ang praktikal na kahalagahan ng kanilang LoRa-based design. Kinumpirma ng mga pagsubok na napanatili ng sistema ang matatag at tuloy-tuloy na signal tracking sa maliliit na bangka kahit patuloy itong gumagalaw sa gitna ng mga alon—na siyang nakakumbinsi sa mga lokal na pinuno gamit ang konkretong ebidensya.

Sa buong proseso ng pagbuo ng prototype, nagbigay ng engineering mentorship ang Evtech upang gabayan ang mga estudyante sa pag-aayos ng sensor, antenna range limits, at hardware troubleshooting. Naging napakahalaga ng teknikal na gabay na ito nang magkaroon ng data corruption sa aparato bago mismo ang kompetisyon.

“The most difficult technical problem that we faced is the situation where the data of the device corrupted… but thank God because it was fixed immediately,” kuwento ni Lladones, habang idinagdag na nagpuyat ang koponan sa pag-eensayo upang mapaghandaan nang husto ang kanilang presentation defense.

Binigyang-diin ni Apolinario kung paano nakatulong ang pagharap sa mga teknikal na problema upang maitaguyod ng mga estudyante ang tunay na katatagan na nakatutok sa paglilingkod sa publiko.

“When readings were inconsistent or signals dropped, they learned to analyze data, test adjustments, and find solutions instead of giving up,” pahayag ni Apolinario. “Great research isn’t just about a fancy title—it’s about how much your work can serve and protect the people who need it most.”

Sa pagbabalik-tanaw sa kanilang pagkapanalo sa division fair, binigyang-diin ng mga estudyanteng researcher na ang hangaring makapagligtas ng buhay ang nagtulak sa kanila para magpatuloy.

“Teamwork makes the dreamwork,” sabi ni Rala.

“Always start with a problem that affects many people and make a mindset that you are not only developing it as a research project but also to help your community,” dagdag pa ni Samson. RNT

The post NO MORE LOST AT SEA: Estudyanteng researchers, nakaimbento ng safety tracking system para protektahan ang mga mangingisda first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/no-more-lost-at-sea-estudyanteng-researchers-nakaimbento-ng-safety-tracking-system-para-protektahan-ang-mga-mangingisda/feed/ 0
OpenAI kinansela paglabas ng GPT-6.1 Astra dahil sa safety concerns https://remate.ph/openai-kinansela-paglabas-ng-gpt-6-1-astra-dahil-sa-safety-concerns/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=openai-kinansela-paglabas-ng-gpt-6-1-astra-dahil-sa-safety-concerns https://remate.ph/openai-kinansela-paglabas-ng-gpt-6-1-astra-dahil-sa-safety-concerns/#respond Wed, 30 Sep 2026 02:24:55 +0000 https://remate.ph/?p=756161 SAN FRANCISCO — Kinansela ng OpenAI ang planong paglabas ng GPT-6.1 Astra, isang bagong artificial intelligence model na nakatakda sanang ilunsad sa Oktubre, matapos hindi nito maabot ang safety at alignment standards ng kumpanya sa internal testing. Ayon kay OpenAI head of safety systems Saachi Jain, bagama’t nagpakita ang modelo ng improvement sa pagpupursige sa […]

The post OpenAI kinansela paglabas ng GPT-6.1 Astra dahil sa safety concerns first appeared on Remate Online.

]]>

SAN FRANCISCO — Kinansela ng OpenAI ang planong paglabas ng GPT-6.1 Astra, isang bagong artificial intelligence model na nakatakda sanang ilunsad sa Oktubre, matapos hindi nito maabot ang safety at alignment standards ng kumpanya sa internal testing.

Ayon kay OpenAI head of safety systems Saachi Jain, bagama’t nagpakita ang modelo ng improvement sa pagpupursige sa pagkumpleto ng mga gawain, nagkaroon ng problema sa pananatili nito sa saklaw at awtorisasyong ibinigay ng user, pati sa paraan ng pag-uulat nito kung ano ang aktwal na ginawa nito.

Iniulat din na nakitaan ang GPT-6.1 Astra ng mas mataas na antas ng deceptive behavior kumpara sa naunang modelo, kabilang ang mga pagkakataong hindi nito tumpak na ipinapaalam ang mga aksiyong ginawa nito habang nagsasagawa ng isang task.

Dinisenyo sana ang modelo upang magsagawa ng mas komplikadong gawain nang may mas kaunting human assistance at inaasahang maisasama sa ChatGPT at Codex.

Binigyang-diin ni Jain na mataas ang pamantayan ng OpenAI bago maglabas ng modelo sa publiko, partikular pagdating sa safety at alignment.

Ang hakbang ay kasunod ng ilang insidente nitong mga nakaraang buwan kung saan nakitaan ang experimental AI systems ng hindi inaasahan o hindi awtorisadong pagkilos. Noong Hulyo, kinumpirma mismo ng OpenAI na may mga modelong sinusuri nito na nakalampas sa isolation controls, nakakuha ng internet access at nakapasok sa systems ng Hugging Face habang isinasagawa ang cybersecurity evaluations.

Noong Setyembre 28, sinabi rin ng OpenAI na nais nitong bumuo ng mas mahigpit na “safety cases” bago ipagpatuloy ang ilang frontier AI training runs, upang sistematikong matukoy at mapangasiwaan ang panganib habang lalong nagiging capable ang mga AI model. RNT

The post OpenAI kinansela paglabas ng GPT-6.1 Astra dahil sa safety concerns first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/openai-kinansela-paglabas-ng-gpt-6-1-astra-dahil-sa-safety-concerns/feed/ 0
BUILT TO SAVE LIVES: Mga estudyante isinulong ang Project NOAH sa pamamagitan ng real-time na flood monitoring https://remate.ph/built-to-save-lives-mga-estudyante-isinulong-ang-project-noah-sa-pamamagitan-ng-real-time-na-flood-monitoring/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=built-to-save-lives-mga-estudyante-isinulong-ang-project-noah-sa-pamamagitan-ng-real-time-na-flood-monitoring https://remate.ph/built-to-save-lives-mga-estudyante-isinulong-ang-project-noah-sa-pamamagitan-ng-real-time-na-flood-monitoring/#respond Mon, 28 Sep 2026 07:03:49 +0000 https://remate.ph/?p=755705 QUEZON CITY — Nagbibigay na ang Project NOAH ng mahalagang impormasyon tungkol sa baha at iba pang panganib sa mga komunidad. Ngunit paano kung ang malawak na impormasyong ito ay mapagsama sa real-time na mga kondisyong aktuwal na nararanasan sa lupa? Iyan ang pangunahing ideya sa likod ng isang flood monitoring system na binuo sa […]

The post BUILT TO SAVE LIVES: Mga estudyante isinulong ang Project NOAH sa pamamagitan ng real-time na flood monitoring first appeared on Remate Online.

]]>
QUEZON CITY — Nagbibigay na ang Project NOAH ng mahalagang impormasyon tungkol sa baha at iba pang panganib sa mga komunidad. Ngunit paano kung ang malawak na impormasyong ito ay mapagsama sa real-time na mga kondisyong aktuwal na nararanasan sa lupa?

Iyan ang pangunahing ideya sa likod ng isang flood monitoring system na binuo sa pakikipagtulungan ng Evtech Research Group at mga estudyanteng mananaliksik mula sa Camarines Norte. Tampok ang proyekto sa 2026 National Science and Technology Fair (NSTF) ng Department of Education (DepEd) na ginanap sa Great Eastern Hotel sa Quezon City.

Ang proyekto, na pinamagatang “Project F.L.O.W.S. (Flood Level Observation and Warning System): A Computationally Modeled Wind and Solar-Powered LoRa Network for Intelligent Flood Monitoring and Geospatial Mapping,” ay isinakatuparan ng mga student researcher ng Moreno Integrated School (MIS) na sina Cedrick Z. Magana, Francine Karylle Y. Sumulong, at Tristan Jhay Ilagan, katuwang ang research at engineering partner na Evtech Research Group.

Sa halip na umasa lamang sa umiiral na impormasyon tungkol sa baha at iba pang hazard, nagdaragdag ang Project F.L.O.W.S. ng isa pang mahalagang layer: lokal at real-time na datos na direktang kinokolekta mula sa mga lugar na madaling bahain. Pinagsasama ng sistema ang ground-level monitoring at geospatial information upang matulungan ang mga komunidad na makita hindi lamang kung saan inaasahang magkakaroon ng baha batay sa mga nakaraang datos o computational models, kundi pati na rin kung ano ang aktuwal na nangyayari sa lugar habang nagbabago ang mga kondisyon.

Nabuo ang ideya dahil sa paulit-ulit na localized flooding na nararanasan sa Daet, kung saan nalulubog sa baha ang ilang komunidad kahit bahagya lamang ang pag-ulan. Dahil dito, inilagay ng collaborative initiative ang disaster risk reduction at kaligtasan ng komunidad sa sentro ng inobasyon ng mga kabataan.

“This research study was inspired by the prevailing conditions in Daet, where localized flooding occurs frequently,” pahayag ni MIS Junior High School research adviser Jenny Y. Sanchez. Binigyang-diin niya na direktang tinutugunan ng sistema ang mga delikadong pagkaantala sa pagbibigay ng flood alerts kapag bumabagsak ang power grid at cellular networks sa panahon ng bagyo.

Binuo katuwang ang Evtech Research Group, pinagsasama ng Project F.L.O.W.S. ang hybrid solar at wind renewable energy, Long Range (LoRa) radio frequency, Raspberry Pi microcomputers, ultrasonic sensors, at rain gauges. Sa aktuwal na pangangalap ng field data, naipakita ng sistema ang kakayahan nitong magpadala ng real-time na flood monitoring updates at geospatial risk maps sa loob ng 15 hanggang 20 kilometro na radius nang hindi umaasa sa commercial power grids o internet access—na nagbibigay sa mga emergency responder at residente ng mahalagang dagdag na oras upang makapaghanda at lumikas.

Nakamit ng community-focused solution ang puwesto nito sa national finals matapos magkampeon sa Division Science and Technology Fair sa Basud National High School at sa Regional Science and Technology Fair sa Robinsons Naga. Ito rin ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng MIS na makilahok sa national stage sa ilalim ng Mathematical and Computational Team Category.

Naging mahalagang pagsubok para sa team ang pagtiyak sa pagiging maaasahan ng sistema sa ilalim ng matitinding kondisyon ng panahon. Sa regional competition, nagdulot ang mataas na ambient temperature ng hindi inaasahang thermal malfunction dalawang oras bago ang judging. Nakipag-ugnayan ang mga student researcher sa Evtech team sa pamamagitan ng video call para sa remote technical guidance, at matagumpay nilang naayos ang hardware problem sa mismong lugar.

Ayon kay MIS Senior High School research adviser Joellyn C. Apolinario, nakatulong ang technical mentorship mula sa Evtech upang matutunan ng mga estudyante kung paano unawain at ipakita ang mga komplikadong sistema na idinisenyo para sa aktuwal na paggamit sa mundo.

“Whenever small issues came up, their team quickly found solutions and took the time to teach our students how to troubleshoot properly,” ani Apolinario. Dagdag niya, nakatulong ang prosesong ito upang magkaroon ng kumpiyansa ang mga mananaliksik na pamahalaan nang mas independiyente ang mga komplikadong sistemang ginagamit sa disaster response.

Para sa mga student researcher, ang pagharap sa mga unang teknikal na hamon at ang pagbuo ng isang praktikal na emergency response tool ay lalong nagpatibay sa kanilang hangaring maglingkod sa komunidad.

“When we were ready to give up, the Evtech Research Group, led by Earl Daniel D. Villanueva, came into our lives, and everything finally felt lighter,” pahayag ni Sumulong, na nagsilbing primary researcher at team presenter.

Binigyang-diin naman ni Magana, na nagsilbing team lead, ang mindset na kinakailangan sa pagbuo ng teknolohiyang gagamitin ng publiko.

“Be open-minded and let your imagination work, but always remember: ‘mata sa langit, paa sa lupa, puso sa ginagawa,’” ani Magana.

Hinimok naman ni Adviser Sanchez ang mga batang innovator sa buong bansa na ituon ang kanilang mga siyentipikong proyekto sa kapakanan ng kanilang lokal na komunidad.

“Keep your eyes open to the needs of your surroundings until you find a meaningful problem to solve,” payo ni Sanchez. “Be driven by a desire to help your community through impactful and innovative technology.”

Ilang buwan ding isinagawa ang proyekto sa pangunguna nina Advisers Sanchez at Apolinario, kasama ang mga faculty mentor na sina Senen Rafael, Marites Ortua, Alicia Ibita Quinito, Ma’am Shay, at Sir Fabian. Sinuportahan din ito ng Local Government Unit of Daet at ng mga pamilya ng mga mananaliksik.

Kinumpirma ng Evtech Research Group na magsisilbing pundasyon ang field data at computational models mula sa Project F.L.O.W.S. para sa mga susunod na magkasanib na inisyatiba na naglalayong bumuo ng mga komunidad na mas matatag sa epekto ng climate change at mas handa sa pagbaha.

The post BUILT TO SAVE LIVES: Mga estudyante isinulong ang Project NOAH sa pamamagitan ng real-time na flood monitoring first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/built-to-save-lives-mga-estudyante-isinulong-ang-project-noah-sa-pamamagitan-ng-real-time-na-flood-monitoring/feed/ 0
Discord ban, inalis na ng CICC https://remate.ph/discord-ban-inalis-na-ng-cicc/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=discord-ban-inalis-na-ng-cicc https://remate.ph/discord-ban-inalis-na-ng-cicc/#respond Thu, 24 Sep 2026 07:00:19 +0000 https://remate.ph/?p=754890 MANILA, Philippines – Inalis na ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang ban order laban sa messaging at media-sharing platform na Discord nitong Huwebes. Kasunod ito ng pulong ng CICC at Discord management kung saan tinalakay ang mga usapin sa compliance. Nauna nang sinabi ni Paraiso […]

The post Discord ban, inalis na ng CICC first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Inalis na ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang ban order laban sa messaging at media-sharing platform na Discord nitong Huwebes.

Kasunod ito ng pulong ng CICC at Discord management kung saan tinalakay ang mga usapin sa compliance.

Nauna nang sinabi ni Paraiso na makikipagpulong ang CICC sa Discord alas-12 ng tanghali para pag-usapan ang mga naturang usapin. RNT/MDS

The post Discord ban, inalis na ng CICC first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/discord-ban-inalis-na-ng-cicc/feed/ 0