Uncategorized - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Wed, 21 Oct 2026 06:30:53 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.1.3 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png Uncategorized - Remate Online https://remate.ph 32 32 Risa naghain ng panukalang parusa sa karahasan vs kababaihan sa pulitika https://remate.ph/risa-naghain-ng-panukalang-parusa-sa-karahasan-vs-kababaihan-sa-pulitika/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=risa-naghain-ng-panukalang-parusa-sa-karahasan-vs-kababaihan-sa-pulitika https://remate.ph/risa-naghain-ng-panukalang-parusa-sa-karahasan-vs-kababaihan-sa-pulitika/#respond Wed, 21 Oct 2026 09:30:33 +0000 https://remate.ph/?p=760788 MANILA, Philippines – Naghain si Sen. Risa Hontiveros ng panukalang batas na magbibigay ng mas malinaw na proteksyon at parusa laban sa karahasang nakatuon sa kababaihang lumalahok sa pulitika at pampublikong serbisyo. Sa panukalang An Act Defining and Penalizing Violence Against Women in Politics, Providing Protective Measures Therefor, sinabi ni Hontiveros na mahalagang bahagi ng […]

The post Risa naghain ng panukalang parusa sa karahasan vs kababaihan sa pulitika first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Naghain si Sen. Risa Hontiveros ng panukalang batas na magbibigay ng mas malinaw na proteksyon at parusa laban sa karahasang nakatuon sa kababaihang lumalahok sa pulitika at pampublikong serbisyo.

Sa panukalang An Act Defining and Penalizing Violence Against Women in Politics, Providing Protective Measures Therefor, sinabi ni Hontiveros na mahalagang bahagi ng isang inklusibo at representatibong demokrasya ang malaya at ligtas na partisipasyon ng kababaihan sa pulitika.

Gayunman, sinabi ng senadora na nananatiling kulang ang representasyon ng kababaihan sa pamahalaan sa kabila ng mga naabot ng women’s movement sa bansa.

Ayon sa datos na binanggit sa kanyang explanatory note, 90 lamang sa 318 miyembro ng House of Representatives o 28.3 porsiyento ang babae, habang lima sa 24 na senador o 20.8 porsiyento ang kababaihan.

Giit ni Hontiveros, hindi lamang kakulangan sa representasyon ang kinakaharap ng kababaihan kundi iba’t ibang anyo rin ng karahasan dahil sa kanilang paglahok sa pulitika.

Saklaw ng panukala ang mga kandidato, halal at itinalagang opisyal, miyembro ng political parties, campaign volunteers at advocates na nakararanas ng karahasang may kaugnayan sa kanilang kasarian at political participation.

Kabilang dito ang economic, institutional, physical, psychological at sexual violence, gayundin ang technology-facilitated abuse.

Partikular na tinukoy ni Hontiveros ang lumalalang harassment sa digital platforms, kabilang ang mga banta ng pisikal at sekswal na karahasan, gendered disinformation, AI-generated sexual images at iba pang online attacks na ginagamit umano upang takutin, patahimikin o siraan ang mga babaeng nasa pulitika.

Tinutukoy rin ng Senate Economic Planning Office ang technology-facilitated gender-based violence—kabilang ang cyberstalking, doxxing, deepfakes at gendered disinformation—bilang isa sa mga anyo ng violence against women in politics.

Ayon kay Hontiveros, maaaring humadlang ang ganitong mga pag-atake sa mga kababaihang nais tumakbo sa puwesto, lumahok sa political debate o manungkulan sa gobyerno.

“Kapag naitulak palabas ang kababaihan sa mga espasyong politikal sa pamamagitan ng harassment at intimidation, mismong demokrasya ang humihina,” ani Hontiveros.

Bagama’t mayroon nang mga batas laban sa harassment, violence against women at cybercrime, sinabi ng senadora na wala pang sapat na legal framework na partikular na tumutugon sa karahasang ginagamit upang hadlangan ang kababaihan sa paggamit ng kanilang political rights.

Layunin ng panukala na tukuyin at parusahan ang violence against women in politics, magtatag ng reporting at protection mechanisms, at palakasin ang koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno, law enforcement at digital platforms.

Kinikilala rin nito ang tinatawag na intersectional violence kung saan maaaring magsabay ang diskriminasyon batay sa kasarian at iba pang salik gaya ng edad, etnisidad, sexual orientation, gender identity, disability at socio-economic status.

Iginiit ni Hontiveros na tungkulin ng Estado na tiyaking makalalahok ang kababaihan sa pulitika at pampublikong buhay nang walang intimidation, harassment at diskriminasyon.

May counterpart measure na rin sa Kamara. Ang House Bill No. 8393, na may kaparehong layuning tukuyin at parusahan ang violence against women in politics, ay naaprubahan ng House of Representatives sa third reading noong Mayo at ipinadala na sa Senado.

Ernie Reyes

The post Risa naghain ng panukalang parusa sa karahasan vs kababaihan sa pulitika first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/risa-naghain-ng-panukalang-parusa-sa-karahasan-vs-kababaihan-sa-pulitika/feed/ 0
Sen Villar isinusulong libreng HMO coverage sa lahat ng kawani ng gobyerno https://remate.ph/sen-villar-isinusulong-libreng-hmo-coverage-sa-lahat-ng-kawani-ng-gobyerno/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sen-villar-isinusulong-libreng-hmo-coverage-sa-lahat-ng-kawani-ng-gobyerno https://remate.ph/sen-villar-isinusulong-libreng-hmo-coverage-sa-lahat-ng-kawani-ng-gobyerno/#respond Tue, 20 Oct 2026 04:43:18 +0000 https://remate.ph/?p=760560 Isinusulong ni Senador Mark Villar ang obligadong libreng Health Maintenance Organization (HMO) coverage para sa lahat ng kawani ng pamahalaan upang mapalawak ang kanilang access sa serbisyong pangkalusugan at maprotektahan sila at kanilang mga pamilya laban sa mabibigat na gastusin sa pagpapagamot. “Ang ating mga kawani ng pamahalaan ay mahalagang katuwang sa pagsusulong ng kaunlaran […]

The post Sen Villar isinusulong libreng HMO coverage sa lahat ng kawani ng gobyerno first appeared on Remate Online.

]]>

Isinusulong ni Senador Mark Villar ang obligadong libreng Health Maintenance Organization (HMO) coverage para sa lahat ng kawani ng pamahalaan upang mapalawak ang kanilang access sa serbisyong pangkalusugan at maprotektahan sila at kanilang mga pamilya laban sa mabibigat na gastusin sa pagpapagamot.

“Ang ating mga kawani ng pamahalaan ay mahalagang katuwang sa pagsusulong ng kaunlaran at paghahatid ng serbisyo publiko. Nararapat lamang na matiyak ang kanilang kalusugan at kapakanan, lalo na sa panahon ng pagkakasakit at mga medikal na emergency,” ani Villar.

Bagama’t nagbibigay ng health insurance ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), sinabi ni Villar na maaaring hindi nito masagot nang buo ang gastos sa pagpapaospital, pagpapagamot at iba pang pangangailangang medikal. Dahil dito, may mga kawani pa ring kailangang gumastos mula sa sariling bulsa.

Sa ilalim ng panukala ni Villar, gagawing regular na benepisyo ng mga kawani ng pamahalaan ang libreng HMO coverage na maaaring magbigay ng karagdagang access sa konsultasyon, preventive care at iba pang serbisyong medikal.

Layunin din nitong mabawasan ang pinansiyal na pasanin ng mga kawani kapag may biglaang gastusing medikal at mahikayat silang magpakonsulta at magpagamot nang mas maaga.

Sa kasalukuyan, may umiiral nang Budget Circular No. 2024-6 ang Department of Budget and Management (DBM) na nagbibigay ng taunang medical allowance na hanggang P7,000 sa mga kwalipikadong kawani ng pamahalaang sibil para sa HMO-type benefits.

Sa ilalim naman ng Ginhawa Health Assistance Loan (G-HEALTH), maaaring makautang nang walang interes ang mga kwalipikadong miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) para pambayad sa kanilang HMO premiums.

Gayunman, nais ni Villar na magkaroon ng mas pangmatagalang sistema sa pamamagitan ng paggawa sa libreng HMO coverage bilang obligadong benepisyo, sa halip na umasa lamang sa limitadong allowance o pautang na kailangan ding bayaran.

Binigyang-diin ng senador na mahalagang mapangalagaan ang kalusugan ng mga lingkod-bayan upang patuloy nilang magampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.

“Ang pangangalaga sa kalusugan ng ating mga lingkod-bayan ay pamumuhunan sa kinabukasan ng ating bansa. Kapag may maaasahan silang serbisyong pangkalusugan, mas makapagtutuon sila sa kanilang tungkulin sa taumbayan,” pagtatapos ni Villar. RNT

The post Sen Villar isinusulong libreng HMO coverage sa lahat ng kawani ng gobyerno first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/sen-villar-isinusulong-libreng-hmo-coverage-sa-lahat-ng-kawani-ng-gobyerno/feed/ 0
Utang nauwi sa patayan; Lola sinaksak natagpuang sunog sa Laguna https://remate.ph/utang-nauwi-sa-patayan-lola-sinaksak-natagpuang-sunog-sa-laguna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=utang-nauwi-sa-patayan-lola-sinaksak-natagpuang-sunog-sa-laguna https://remate.ph/utang-nauwi-sa-patayan-lola-sinaksak-natagpuang-sunog-sa-laguna/#respond Tue, 20 Oct 2026 02:02:50 +0000 https://remate.ph/?p=760444 PAGSANJAN, Laguna — Patay ang isang 67-anyos na babae matapos umanong saksakin sa leeg sa loob ng kanyang sari-sari store sa Barangay Magdapio, Pagsanjan, Laguna, bago masunog ang establisimyento noong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang biktima na si Divina Minaya, na natagpuang sunog ang katawan sa kanyang kama matapos maapula ng mga residente ang […]

The post Utang nauwi sa patayan; Lola sinaksak natagpuang sunog sa Laguna first appeared on Remate Online.

]]>

PAGSANJAN, Laguna — Patay ang isang 67-anyos na babae matapos umanong saksakin sa leeg sa loob ng kanyang sari-sari store sa Barangay Magdapio, Pagsanjan, Laguna, bago masunog ang establisimyento noong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Divina Minaya, na natagpuang sunog ang katawan sa kanyang kama matapos maapula ng mga residente ang apoy.

Unang inakalang nasawi si Minaya dahil sa sunog, ngunit lumabas sa autopsy na saksak sa leeg ang sanhi ng kanyang kamatayan, ayon kay Pagsanjan police chief Maj. Gerald Balansi.

Sa pagsusuri ng CCTV, nakita umano ang biktima na kausap at tila nakikipagtalo sa isang 24-anyos na lalaking kamag-anak. May hawak umano si Minaya na notebook na pinaniniwalaang talaan ng mga utang, habang may dalang maliit na itak ang lalaki.

Hindi nakunan ng CCTV ang mismong pagpatay dahil pinutol umano ang kable ng mga camera. Gayunman, nakita sa barangay CCTV ang lalaki na umaalis sa lugar bago sumiklab ang apoy.

Kalaunan ay sumuko sa mga awtoridad ang lalaki at umamin umano sa pananaksak. Sinabi niyang lasing siya at nagtungo sa tindahan upang alamin ang kanyang utang na mahigit P3,000.

Narekober din ng pulisya ang itak na sinasabing ginamit sa krimen matapos ituro ng lalaki kung saan niya ito itinago.

Itinanggi naman niya na sinadya niyang sunugin ang tindahan upang pagtakpan ang insidente.

Ayon sa pulisya, ihahain laban sa suspek ang kasong murder, habang pinag-aaralan pa ang posibleng hiwalay na kasong arson.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari at kung ano ang pinagmulan ng sunog.

The post Utang nauwi sa patayan; Lola sinaksak natagpuang sunog sa Laguna first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/utang-nauwi-sa-patayan-lola-sinaksak-natagpuang-sunog-sa-laguna/feed/ 0
20-anyos na ‘arki’ stude, tigok sa pananaksak sa Lipa City https://remate.ph/20-anyos-na-arki-stude-tigok-sa-pananaksak-sa-lipa-city/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=20-anyos-na-arki-stude-tigok-sa-pananaksak-sa-lipa-city https://remate.ph/20-anyos-na-arki-stude-tigok-sa-pananaksak-sa-lipa-city/#respond Tue, 20 Oct 2026 01:40:43 +0000 https://remate.ph/?p=760442 LIPA CITY, Batangas — Hustisya ang sigaw ng pamilya ng 20-anyos na architecture student na nasawi matapos pagsasaksakin habang naglalakad pauwi mula sa paaralan sa Barangay Duhatan, Lipa City. Kinilala ang biktima na si Jazmine Iya Martinez, third-year architecture student ng National University-Lipa. Nangyari ang krimen dakong alas-7:30 ng gabi noong Miyerkules. Ayon sa pulisya, […]

The post 20-anyos na ‘arki’ stude, tigok sa pananaksak sa Lipa City first appeared on Remate Online.

]]>

LIPA CITY, Batangas — Hustisya ang sigaw ng pamilya ng 20-anyos na architecture student na nasawi matapos pagsasaksakin habang naglalakad pauwi mula sa paaralan sa Barangay Duhatan, Lipa City.

Kinilala ang biktima na si Jazmine Iya Martinez, third-year architecture student ng National University-Lipa. Nangyari ang krimen dakong alas-7:30 ng gabi noong Miyerkules.

Ayon sa pulisya, sinundan umano ng isang nakamotorsiklong lalaki si Martinez bago siya limang beses na saksakin.

Makikita sa CCTV footage ang biktima habang naglalakad pauwi, habang sa isa pang kuha ay makikita ang isang motorsiklong biglang nag-U-turn at sumunod sa kanya. Nakunan din umano ang motorsiklo habang tumatakas matapos ang insidente.

Sinabi ni Lipa City Police chief Lt. Col. Aleli Buaquen na nakatakip ang mukha ng rider at walang plaka ang motorsiklo, dahilan upang maging mahirap ang pagkilala rito.

Tatlong person of interest ang kasalukuyang tinututukan ng mga imbestigador.

Ayon sa pulisya, kabilang sa mga tinitingnang anggulo ang posibleng personal o romantic relationship na may kaugnayan sa biktima. Sinabi rin nitong hindi pangunahing motibo ang robbery o rape batay sa kasalukuyang imbestigasyon.

Bumuo na ang Lipa City Police Station ng special investigation team para tutukan ang kaso.

Nanawagan naman ang pamilya ni Martinez sa responsable sa krimen na sumuko at hiniling sa mga awtoridad na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng estudyante. Mary Anne Sapico

The post 20-anyos na ‘arki’ stude, tigok sa pananaksak sa Lipa City first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/20-anyos-na-arki-stude-tigok-sa-pananaksak-sa-lipa-city/feed/ 0
Visayas grid isasailalim sa yellow alert ngayong Biyernes https://remate.ph/visayas-grid-isasailalim-sa-yellow-alert-ngayong-biyernes/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=visayas-grid-isasailalim-sa-yellow-alert-ngayong-biyernes https://remate.ph/visayas-grid-isasailalim-sa-yellow-alert-ngayong-biyernes/#respond Fri, 16 Oct 2026 01:28:27 +0000 https://remate.ph/?p=759682 MANILA, Philippines — Isasailalim sa yellow alert ang Visayas power grid ngayong Biyernes, Oktubre 16, dahil sa pagkawala ng ilang power plant at limitadong kapasidad ng iba, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Itataas ang yellow alert mula alas-5 hanggang alas-7 ng gabi. Nasa 2,545 megawatts (MW) ang available capacity ng Visayas […]

The post Visayas grid isasailalim sa yellow alert ngayong Biyernes first appeared on Remate Online.

]]>

MANILA, Philippines — Isasailalim sa yellow alert ang Visayas power grid ngayong Biyernes, Oktubre 16, dahil sa pagkawala ng ilang power plant at limitadong kapasidad ng iba, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Itataas ang yellow alert mula alas-5 hanggang alas-7 ng gabi.

Nasa 2,545 megawatts (MW) ang available capacity ng Visayas grid habang inaasahang aabot sa 2,471 MW ang peak demand.

Ang yellow alert ay itinataas kapag hindi sapat ang operating margin upang matugunan ang contingency requirement ng transmission grid. Hindi ito awtomatikong nangangahulugan na magkakaroon ng brownout, ngunit manipis ang reserbang kuryente.

Ayon sa NGCP, kabilang sa mga dahilan ng alert status ang pagkawala sa operasyon ng malalaking coal plants na PEDC Unit 3 at KSPC Unit 1.

Limitado rin ang power import mula Mindanao dahil sa unplanned outage ng FDC Unit 3 at planned outages ng GNPK Unit 4 at TSI Unit 2.

Sa kabuuan, 657.1 MW ng generating capacity ang hindi available sa Visayas grid dahil sa mga plant outage at derated operations.

Sinabi ng NGCP na may apat na planta na nagkaroon ng forced outage ngayong Oktubre, habang may iba pang generating units na matagal nang hindi available. Labingwalong planta naman ang kasalukuyang tumatakbo sa mas mababang kapasidad. Dave Medina

The post Visayas grid isasailalim sa yellow alert ngayong Biyernes first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/visayas-grid-isasailalim-sa-yellow-alert-ngayong-biyernes/feed/ 0
LegisHear, isinagawa sa Victorias City https://remate.ph/legishear-isinagawa-sa-victorias-city/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=legishear-isinagawa-sa-victorias-city https://remate.ph/legishear-isinagawa-sa-victorias-city/#respond Wed, 07 Oct 2026 03:05:20 +0000 https://remate.ph/?p=757758 MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Assistant Majority Leader at Negros Occidental Third District Congressman Javier Miguel “Javi” L. Benitez ang pagdaraos ng LegisHear sa Victorias City nitong Oktubre 2 at 3 kung saan nagtipon ang pinakamalaking delegasyon ng mga mambabatas. Mismong si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang nanguna sa delegasyon kung saan […]

The post LegisHear, isinagawa sa Victorias City first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Assistant Majority Leader at Negros Occidental Third District Congressman Javier Miguel “Javi” L. Benitez ang pagdaraos ng LegisHear sa Victorias City nitong Oktubre 2 at 3 kung saan nagtipon ang pinakamalaking delegasyon ng mga mambabatas.

Mismong si House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang nanguna sa delegasyon kung saan bumalik siya sa Negros Occidental sa unang pagkakataon matapos ang 47 taon.

Kasama ni Dy sina Senior Deputy Speaker Ferdinand “Dinand” Hernandez, Deputy Speakers Albee Benitez, Maria Rachel J. Arenas, at Chedeng Alvarez, gayundin ang iba pang miyembro ng Kamara pati na si National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag.

Kaugnay nito iprinisenta ni Benitez ang House Bill No. 9088, o ang TUBO Act, na kanyang iniakda, sa harap ng 5,000 residente mula sa limang lokal na pamahalaan sa Third District na dumalo sa Town Hall Meeting sa Victorias City Coliseum noong Oktubre 2.

Sa ilalim ng panukala, itataas ang taunang sugar industry funding mula sa kasalukuyang P2 billion at gagawing P5 billion, magpatupad ng 18-buwang moratorium sa commercial sugar importation at ibaba ang minimum na sukat ng block farm mula 30 ektarya sa 10 ektarya, upang mabuksan ang programa para sa mga maliliit na magsasaka.

Nabatid na ang House Bill No. 10678, na iniakda rin ni Benitez, ay iniharap ni Atty. Rene A. Delorino, Director II ng House Committee on Ways and Means. Itataas nito ang income tax exemption ceiling mula P250,000 hanggang P350,000 kada taon simula 2027.

Inilahad ng mga residente sa mga miyembro ng Kamara ang kanilang mga pangamba tungkol sa asukal, trabaho, kalusugan, at edukasyon.

May kabuuang 22 ahensya ng pamahalaan ang naghatid ng frontline services sa Victorias City National High School sa loob ng dalawang araw, na bukas sa publiko mula hapon ng Oktubre 2 hanggang Oktubre 3. Kabilang dito ang mga serbisyong pangkalusugan, civil registry at identification, social protection, agrikultura, edukasyon, at licensing.

Ang LegisHear ay isang nationwide legislative consultation at oversight initiative ng House of Representatives sa ilalim ni Dy.

Ang LegisHear sa Victorias City ang ikalimang bahagi ng nationwide initiative, kasunod ng mga isinagawa sa Echague, Isabela; Butuan City; Dumaguete City; at Koronadal City, South Cotabato. RNT

The post LegisHear, isinagawa sa Victorias City first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/legishear-isinagawa-sa-victorias-city/feed/ 0
2 timbog sa P130K ‘love scam’ sa Pasay https://remate.ph/2-timbog-sa-p130k-love-scam-sa-pasay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-timbog-sa-p130k-love-scam-sa-pasay https://remate.ph/2-timbog-sa-p130k-love-scam-sa-pasay/#respond Mon, 28 Sep 2026 03:47:18 +0000 https://remate.ph/?p=755625 PASAY CITY — Arestado ang dalawang indibidwal matapos ang isang entrapment operation kaugnay ng umano’y P130,000 money scam laban sa isang Chinese national sa Pasay City nitong Sabado, Setyembre 26. Kinilala ni Pasay City Police chief Col. Joselito De Sesto ang mga suspek sa mga alyas na “Celestine,” 23, isang businesswoman, at “Leon,” 29, isang […]

The post 2 timbog sa P130K ‘love scam’ sa Pasay first appeared on Remate Online.

]]>

PASAY CITY — Arestado ang dalawang indibidwal matapos ang isang entrapment operation kaugnay ng umano’y P130,000 money scam laban sa isang Chinese national sa Pasay City nitong Sabado, Setyembre 26.

Kinilala ni Pasay City Police chief Col. Joselito De Sesto ang mga suspek sa mga alyas na “Celestine,” 23, isang businesswoman, at “Leon,” 29, isang businessman.

Ayon sa pulisya, nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng isang 30-anyos na Chinese national na nagsabing nakakuha umano sa kanya si Celestine ng kabuuang P130,000 matapos sabihin na gagamitin ang pera upang makuha ang pahintulot ng kanyang mga magulang sa kanilang relasyon.

Sinabi ng complainant na nagbigay siya ng P80,000 noong Setyembre 23 at karagdagang P50,000 noong Setyembre 25.

Nang humingi umano muli si Celestine ng P10,000 nitong Sabado, humingi na ng tulong ang complainant sa Sub-Station 10 ng Pasay police.

Isinagawa ang entrapment operation dakong alas-10:20 ng umaga sa Seaside Boulevard, Barangay 76, kung saan iniabot ng complainant ang marked P10,000 kay Celestine.

Agad siyang inaresto ng mga pulis at nakumpiska rin umano sa kanya ang isang cellphone.

Samantala, inaresto rin si Leon matapos umano siyang makialam sa operasyon at senyasan si Celestine na tumakas.

Nahaharap si Leon sa reklamong paglabag sa Presidential Decree No. 1829 o obstruction of apprehension and prosecution of criminal offenders.

Dinala ang dalawang suspek sa Sub-Station 10 para sa dokumentasyon at kalaunan ay isinangguni sa Station Investigation and Detection Management Section para sa kaukulang aksyon. Dave Medina

The post 2 timbog sa P130K ‘love scam’ sa Pasay first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/2-timbog-sa-p130k-love-scam-sa-pasay/feed/ 0
Kelot todas sa gang hazing sa Bulacan https://remate.ph/kelot-todas-sa-gang-hazing-sa-bulacan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kelot-todas-sa-gang-hazing-sa-bulacan https://remate.ph/kelot-todas-sa-gang-hazing-sa-bulacan/#respond Mon, 28 Sep 2026 02:53:37 +0000 https://remate.ph/?p=755603 Bulacan – Isang lalaking wala ng buhay ang natagpuan ng mga awtoridad sa isang apartment sa Brgy. Muzon West, San Jose Del Monte (SJDM) nitong hapon ng Setyembre 26. Sa ulat ng SJDM police station, ang biktima ay nakasuot ng puting tshirt, itim na short at may tangkad na tinatayang 5ft 4 inches. Ayon sa […]

The post Kelot todas sa gang hazing sa Bulacan first appeared on Remate Online.

]]>
Bulacan – Isang lalaking wala ng buhay ang natagpuan ng mga awtoridad sa isang apartment sa Brgy. Muzon West, San Jose Del Monte (SJDM) nitong hapon ng Setyembre 26.

Sa ulat ng SJDM police station, ang biktima ay nakasuot ng puting tshirt, itim na short at may tangkad na tinatayang 5ft 4 inches.

Ayon sa ulat, naaresto naman kalaunan sa operasyon ng pulisya ang apat na suspek ay sina alyas  “JM”, 19, alyas “ACP”, 16, alyas “JSM”, 16 at alyas “JCD”, 16 habang isang alyas “MP”, 30, na at-large.

Base sa salaysay ng saksing si alyas “Rosa”, 41, namataan niya ang ilang kabataan na pumasok sa isang apartment bandang 11:00 ng umaga noong Setyembre 25.

Nabatid na nakakarinig din ang saksi ng mga malalakas na ingay at kalabugan mula sa nasabing lugar na pinagtagpuan ng biktima.

Nang makarating sa pulisya ang nangyari ay agad silang tumungo sa lugar hanggang sa bumulaga sa kanila ang lalaking nakahandusay na umanoy may nga pasa sa ibat-ibang parte ng katawan, sugat sa nuo at wala ng buhay.

Dahil dito, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente ng hinihinalang hazing na sinasabing isang pangkat o gang street umano ang nasa likod nito , ayon na rin sa impormasyon.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 11053 (Anti-Hazing Act of 2018). (Dick Mirasol III)

The post Kelot todas sa gang hazing sa Bulacan first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/kelot-todas-sa-gang-hazing-sa-bulacan/feed/ 0
Mga bata maaari ring atakihin sa puso sa mataas na cholesterol — cardiologist https://remate.ph/mga-bata-maaari-ring-atakihin-sa-puso-sa-mataas-na-cholesterol-cardiologist/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-bata-maaari-ring-atakihin-sa-puso-sa-mataas-na-cholesterol-cardiologist https://remate.ph/mga-bata-maaari-ring-atakihin-sa-puso-sa-mataas-na-cholesterol-cardiologist/#respond Mon, 28 Sep 2026 02:42:27 +0000 https://remate.ph/?p=755542 MANILA, Philippines — Bagama’t bihira, maaari ring makaranas ng heart attack ang mga bata, partikular kung mayroon silang sobrang taas na cholesterol o problema sa puso mula pagkabata, ayon sa isang pediatric cardiologist. Sinabi ni Dr. Connie Sison ng Philippine Children’s Medical Center na maaaring magkaroon ang ilang bata ng minanang mataas na cholesterol kahit […]

The post Mga bata maaari ring atakihin sa puso sa mataas na cholesterol — cardiologist first appeared on Remate Online.

]]>

MANILA, Philippines — Bagama’t bihira, maaari ring makaranas ng heart attack ang mga bata, partikular kung mayroon silang sobrang taas na cholesterol o problema sa puso mula pagkabata, ayon sa isang pediatric cardiologist.

Sinabi ni Dr. Connie Sison ng Philippine Children’s Medical Center na maaaring magkaroon ang ilang bata ng minanang mataas na cholesterol kahit hindi sila madalas kumain ng matatabang pagkain. Maaari ring maging dahilan ang congenital problems o mga problemang taglay na mula kapanganakan na nakaaapekto sa mga ugat na nagsusuplay ng dugo sa puso.

Gayunman, nilinaw ni Sison na hindi karaniwan sa mga bata ang uri ng heart attack na madalas makita sa matatanda.

Babala rin niya, maaaring magsimula pa noong bata ang pag-ipon ng cholesterol sa mga ugat at unti-unting lumala habang tumatanda. Maaari itong humantong sa atherosclerosis o pagbabara at paninigas ng mga ugat, na nagpapataas ng panganib ng heart attack sa pagtanda.

Samantala, nananatiling pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas ang ischemic heart disease, ayon sa Philippine Statistics Authority. Ang sakit na ito ay nangyayari kapag nababawasan ang suplay ng dugo at oxygen sa heart muscle, kadalasan dahil sa pagbabara ng coronary arteries.

Binigyang-diin ang kahalagahan ng maagang pangangalaga sa kalusugan ng puso kasabay ng paggunita sa World Heart Day tuwing Setyembre 29. RNT

The post Mga bata maaari ring atakihin sa puso sa mataas na cholesterol — cardiologist first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/mga-bata-maaari-ring-atakihin-sa-puso-sa-mataas-na-cholesterol-cardiologist/feed/ 0