WORLD - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Sat, 31 Oct 2026 22:35:48 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.1.4 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png WORLD - Remate Online https://remate.ph 32 32 COP17: Mga bansa nangako, pangangalaga sa kalikasan ibabalik sa tamang landas https://remate.ph/cop17-mga-bansa-nangako-pangangalaga-sa-kalikasan-ibabalik-sa-tamang-landas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=cop17-mga-bansa-nangako-pangangalaga-sa-kalikasan-ibabalik-sa-tamang-landas https://remate.ph/cop17-mga-bansa-nangako-pangangalaga-sa-kalikasan-ibabalik-sa-tamang-landas/#respond Sun, 01 Nov 2026 05:00:15 +0000 https://remate.ph/?p=763042 ARMENIA – Nagkasundo ang halos 200 bansa nitong Biyernes sa isang United Nations (UN) biodiversity summit upang paigtingin ang mga hakbang sa pangangalaga ng kalikasan, bagama’t nabigo ang mga ito na makamit ang mas malaking progreso sa ilang mahahalagang usapin. Inaprubahan ng mga delegado ang mahahalagang kasunduan matapos humaba ang negosasyon hanggang Sabado ng umaga. […]

The post COP17: Mga bansa nangako, pangangalaga sa kalikasan ibabalik sa tamang landas first appeared on Remate Online.

]]>
ARMENIA – Nagkasundo ang halos 200 bansa nitong Biyernes sa isang United Nations (UN) biodiversity summit upang paigtingin ang mga hakbang sa pangangalaga ng kalikasan, bagama’t nabigo ang mga ito na makamit ang mas malaking progreso sa ilang mahahalagang usapin.

Inaprubahan ng mga delegado ang mahahalagang kasunduan matapos humaba ang negosasyon hanggang Sabado ng umaga.

Gayunman, nabalot ng pagtatalo at pagkadismaya ang pagtatapos ng pulong dahil sa mga napalampas na pagkakataong matugunan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan.

Layunin ng COP17 summit sa Yerevan, Armenia na buhayin ang makasaysayang pangako ng mga bansa na pigilan at baligtarin ang pagkasira ng kalikasan pagsapit ng 2030.

Sa loob ng dalawang linggong pagpupulong, hinimok ang mga bansa na baguhin ang kanilang mga hakbang upang matupad ang kasunduan at maprotektahan ang mga halaman, hayop, at ecosystem na mahalaga sa pagpapanatili ng buhay sa mundo.

Nauna nang nagbabala ang United Nations na hindi sapat ang kasalukuyang progreso upang makamit ang mga target sa 2030. Kabilang dito ang pagprotekta sa 30 porsiyento ng kalupaan at karagatan sa mundo, pagtugon sa polusyon at invasive species, at pagpapataas ng pondong inilaan sa pangangalaga ng kalikasan.

Gayunman, sinabi ni French Ecological Transition Minister Monique Barbut na hindi sapat ang naging resulta ng summit kumpara sa tindi ng krisis na kinakaharap ng kalikasan.

Ayon kay Barbut, maraming pagkakataon ang napalampas upang mapabilis ang pagtugon sa pagkawala ng biodiversity at hindi maaaring hintayin ng kalikasan ang mabagal na proseso ng negosasyon ng mga bansa.

Isa sa mga pinagtalunang usapin sa summit ang pag-aalis ng mga subsidiya at insentibong naghihikayat sa mga gawaing nakapipinsala sa kalikasan, kabilang ang paggamit ng fossil fuels, masinsinang pagsasaka, at labis na pangingisda.

Ayon kay Guido Broekhoven ng WWF International, positibo ang naging resulta ng kasunduan sa kabila ng ilang kahinaan nito, partikular sa usapin ng mga mapaminsalang subsidiya.

Sinabi naman ni An Lambrechts ng Greenpeace International na nagkaroon ng mahalagang pag-usad sa usaping pampulitika upang matugunan ang mga insentibong pinansyal na nakapipinsala sa kalikasan.

Naging kontrobersyal din ang pagtalakay sa mga siyentipikong ulat matapos akusahan ang ilang bansa na humahadlang sa pag-apruba ng mahahalagang pag-aaral.

Nagpahayag ng panghihinayang si Swiss negotiator Gabriela Blatter dahil sa pagdami ng mga pagkakataong hinahamon o nililimitahan ng politika ang paggamit ng siyentipikong ebidensya.

Binigyang-diin niya na bagama’t iginagalang nila ang karapatan ng bawat bansa na pangalagaan ang pambansang interes, hindi dapat nakikipagtawaran sa usaping siyentipiko.

Naging mainit ding usapin ang paghahanap ng karagdagang pondo para sa pangangalaga ng kalikasan. Itinulak ng European Union na makibahagi sa pandaigdigang conservation efforts ang mayayamang umuunlad na ekonomiya tulad ng China.

Bilang posibleng kompromiso, iminungkahi sa isang draft agreement na maaaring boluntaryong sumali sa naturang grupo ang mga bansang hindi kabilang sa mga tradisyonal na donor na maunlad na bansa.

Gayunman, hindi pa rin nalutas ang mga tanong tungkol sa disenyo ng Cali Fund, isang mekanismo ng UN na naglalayong makalikom ng bilyun-bilyong dolyar mula sa mga kompanya para sa conservation efforts, ngunit nananatiling halos walang laman.

Ayon kay Pakhi Das ng nonprofit organization na Plant-for-the-Planet, dahil ipinagpaliban sa susunod na dalawang taon ang mahahalagang desisyon tungkol sa pondo, malaki ang posibilidad na manatili itong walang laman hanggang sa panahong iyon.

Samantala, napili ang Ecuador bilang punong-abala sa susunod na biodiversity summit sa 2028 matapos nitong talunin ang Panama sa isang lihim na botohan noong Sabado ng umaga. RNT/JGC

The post COP17: Mga bansa nangako, pangangalaga sa kalikasan ibabalik sa tamang landas first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/cop17-mga-bansa-nangako-pangangalaga-sa-kalikasan-ibabalik-sa-tamang-landas/feed/ 0
FPRRD ‘di dadalo sa huling hearing bago litisin ng ICC sa Nobyembre 30 https://remate.ph/fprrd-di-dadalo-sa-huling-hearing-bago-litisin-ng-icc-sa-nobyembre-30/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=fprrd-di-dadalo-sa-huling-hearing-bago-litisin-ng-icc-sa-nobyembre-30 https://remate.ph/fprrd-di-dadalo-sa-huling-hearing-bago-litisin-ng-icc-sa-nobyembre-30/#respond Sun, 01 Nov 2026 02:36:33 +0000 https://remate.ph/?p=763115 MANILA, Philippines – Hindi dadalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalimang status conference bukas, Nobyembre 2. Ito ay mahigit tatlong linggo bago ang paglilitis nito para sa crimes against humanity sa International Criminal Court sa The Hague, the Netherlands. Hindi naman tinukoy ng depensa ang mga eksaktong dahilan sa hiling na hindi pagdalo, na […]

The post FPRRD ‘di dadalo sa huling hearing bago litisin ng ICC sa Nobyembre 30 first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Hindi dadalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalimang status conference bukas, Nobyembre 2.

Ito ay mahigit tatlong linggo bago ang paglilitis nito para sa crimes against humanity sa International Criminal Court sa The Hague, the Netherlands.

Hindi naman tinukoy ng depensa ang mga eksaktong dahilan sa hiling na hindi pagdalo, na pinagbigyan naman ng Trial Chamber (TC) III noong Oktubre 9, o araw matapos itong ihain.

Ito ang huling status conference na nakatakda bago humarap si Duterte sa korte para sa paglilitis na magsisimula sa Nobyembre 30.

Dinaluhan naman niya ang ikatlo at ikaapat na status conference kung saan siya humarap nang personal sa unang pagkakataon mula nang arestuhin ito noong Marso 2025.

Isinasagawa ang status conference upang bigyang-daan ang mga partido at participant sa kaso na pag-usapan ang mga pamamaraan at resolbahin ang mga hindi pinagkasunduang usapin sa paglilitis. RNT/JGC

The post FPRRD ‘di dadalo sa huling hearing bago litisin ng ICC sa Nobyembre 30 first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/fprrd-di-dadalo-sa-huling-hearing-bago-litisin-ng-icc-sa-nobyembre-30/feed/ 0
Kooperasyon sa sektor ng paggawa, pinagtibay ng DOLE, Papua New Guinea https://remate.ph/kooperasyon-sa-sektor-ng-paggawa-pinagtibay-ng-dole-papua-new-guinea/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kooperasyon-sa-sektor-ng-paggawa-pinagtibay-ng-dole-papua-new-guinea https://remate.ph/kooperasyon-sa-sektor-ng-paggawa-pinagtibay-ng-dole-papua-new-guinea/#respond Sat, 31 Oct 2026 05:57:50 +0000 https://remate.ph/?p=762994 MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Papua New Guinea ang kanilang kooperasyon sa sektor ng paggawa sa pulong nina Secretary Francis Tolentino at Ambassador Stephen Pokanis noong Oktubre 29 sa Maynila. Tinalakay sa pulong ang panibagong kasunduan na papalit sa napasong memorandum of agreement (MOA) noong 2024. Pagtutuunan nito […]

The post Kooperasyon sa sektor ng paggawa, pinagtibay ng DOLE, Papua New Guinea first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Papua New Guinea ang kanilang kooperasyon sa sektor ng paggawa sa pulong nina Secretary Francis Tolentino at Ambassador Stephen Pokanis noong Oktubre 29 sa Maynila.

Tinalakay sa pulong ang panibagong kasunduan na papalit sa napasong memorandum of agreement (MOA) noong 2024. Pagtutuunan nito ang skills development, training, labor market information at green jobs, kabilang ang pagpapalitan ng kaalaman at expertise.

Binigyang-diin ni Tolentino ang pagpapalakas ng kooperasyon sa sektor ng pangingisda at ang mga programa ng DOLE, gaya ng Maritime Labor Affairs Office at Trabahong Dagat Program, para sa proteksyon ng mga manggagawa.

Ayon kay Tolentino, ginagamit din ng DOLE ang visitorial power nito sa mga fishing vessel upang matiyak ang pagsunod sa general labor standards at mga kinakailangan sa occupational safety and health.

Alinsunod ang hakbang sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin ang mga international partnership para sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden

The post Kooperasyon sa sektor ng paggawa, pinagtibay ng DOLE, Papua New Guinea first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/kooperasyon-sa-sektor-ng-paggawa-pinagtibay-ng-dole-papua-new-guinea/feed/ 0
Pinoy sugatan sa train crash sa Spain; patay 68 na https://remate.ph/pinoy-sugatan-sa-train-crash-sa-spain-patay-68-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinoy-sugatan-sa-train-crash-sa-spain-patay-68-na https://remate.ph/pinoy-sugatan-sa-train-crash-sa-spain-patay-68-na/#respond Fri, 30 Oct 2026 03:48:59 +0000 https://remate.ph/?p=762677 SPAIN – Kabilang ang isang Filipino sa sugatan sa banggaan ng tren sa Spain na kumitil sa buhay ng 68 katao, ayon sa Philippine Embassy in Madrid. “As of this time, we have verified information of one Filipino national who sustained [a] minor injury and was brought to a hospital for medical attention,” saad sa […]

The post Pinoy sugatan sa train crash sa Spain; patay 68 na first appeared on Remate Online.

]]>
SPAIN – Kabilang ang isang Filipino sa sugatan sa banggaan ng tren sa Spain na kumitil sa buhay ng 68 katao, ayon sa Philippine Embassy in Madrid.

“As of this time, we have verified information of one Filipino national who sustained [a] minor injury and was brought to a hospital for medical attention,” saad sa pahayag.

Hindi na sinabi ng embahada ang pangalan ng biktima o kasalukuyang kondisyon.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs spokesperson Analyn Ratonel na nitong Huwebes, Oktubre 29, ay namahagi ang embahada ng tulong sa pamilya ng mga turistang Pinoy na nasangkot sa banggaan sa Urda, Toledo.

Samantala, hinimok din ng embahada ang mga hindi makontak na kaanak na sakay ng tren sa Madrid-Andalusia line na makipag-ugnayan sa Renfe family helpline sa +34 900101020 o 24-hour hotline nito na +34 616491861.

Ang Renfe ang state railway operator ng Spain. RNT/JGC

The post Pinoy sugatan sa train crash sa Spain; patay 68 na first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/pinoy-sugatan-sa-train-crash-sa-spain-patay-68-na/feed/ 0
Pinoy, kumpirmadong sugatan sa banggaan ng tren sa Toledo, Spain https://remate.ph/pinoy-kumpirmadong-sugatan-sa-banggaan-ng-tren-sa-toledo-spain/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinoy-kumpirmadong-sugatan-sa-banggaan-ng-tren-sa-toledo-spain https://remate.ph/pinoy-kumpirmadong-sugatan-sa-banggaan-ng-tren-sa-toledo-spain/#respond Thu, 29 Oct 2026 05:22:50 +0000 https://remate.ph/?p=762476 MANILA, Philippines – Isang Filipino ang kabilang sa mga nasugatan sa malagim na banggaan ng dalawang high-speed train malapit sa Urda, Toledo sa Spain nitong Miyerkules, ayon sa Philippine Embassy. Sinabi ng embahada na nagtamo lamang ng minor injury ang Filipino at dinala sa ospital para sa agarang gamutan. Patuloy namang inaalam ng Philippine Embassy […]

The post Pinoy, kumpirmadong sugatan sa banggaan ng tren sa Toledo, Spain first appeared on Remate Online.

]]>

MANILA, Philippines – Isang Filipino ang kabilang sa mga nasugatan sa malagim na banggaan ng dalawang high-speed train malapit sa Urda, Toledo sa Spain nitong Miyerkules, ayon sa Philippine Embassy.

Sinabi ng embahada na nagtamo lamang ng minor injury ang Filipino at dinala sa ospital para sa agarang gamutan.

Patuloy namang inaalam ng Philippine Embassy kung may iba pang mga Filipino na sangkot o naapektuhan ng insidente.

Umabot sa hindi bababa sa 64 katao ang nasawi habang mahigit 100 ang nasugatan sa banggaan ng dalawang tren sa timog ng Madrid.

Ayon sa Castilla-La Mancha government, 58 sa mga nasugatan ang dinala sa ospital habang 15 sa kanila ang nasa kritikal na kondisyon.

Ilang bagon ng mga tren ang tumagilid at bumagsak sa embankment matapos ang banggaan, dahilan upang magpadala ng maraming emergency responders at rescue vehicles sa lugar.

Patuloy ang rescue at recovery operations habang inaalam ng mga awtoridad ang buong lawak ng insidente. Dave Medina

The post Pinoy, kumpirmadong sugatan sa banggaan ng tren sa Toledo, Spain first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/pinoy-kumpirmadong-sugatan-sa-banggaan-ng-tren-sa-toledo-spain/feed/ 0
68 patay sa banggaan ng 2 high-speed train sa Spain https://remate.ph/68-patay-sa-banggaan-ng-2-high-speed-train-sa-spain/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=68-patay-sa-banggaan-ng-2-high-speed-train-sa-spain https://remate.ph/68-patay-sa-banggaan-ng-2-high-speed-train-sa-spain/#respond Thu, 29 Oct 2026 02:36:22 +0000 https://remate.ph/?p=762451 SPAIN – Umabot na sa 68 katao ang nasawi matapos magbanggaan ang dalawang high-speed train malapit sa Toledo, Spain nitong Miyerkules, habang nagpapatuloy ang search and rescue operations sa lugar. Ayon sa mga awtoridad, ilang bagon ng dalawang tren ang nadiskaril at may mga bumagsak sa embankment matapos ang malakas na banggaan. Daan-daang ambulansya, rescue […]

The post 68 patay sa banggaan ng 2 high-speed train sa Spain first appeared on Remate Online.

]]>

SPAIN – Umabot na sa 68 katao ang nasawi matapos magbanggaan ang dalawang high-speed train malapit sa Toledo, Spain nitong Miyerkules, habang nagpapatuloy ang search and rescue operations sa lugar.

Ayon sa mga awtoridad, ilang bagon ng dalawang tren ang nadiskaril at may mga bumagsak sa embankment matapos ang malakas na banggaan.

Daan-daang ambulansya, rescue vehicles at helicopters ang ipinadala sa lugar habang isa-isang sinusuri ng rescuers ang mga bagon para sa posibleng iba pang biktima.

Batay sa paunang impormasyon, isang tren na pinatatakbo ng Iryo ang huminto dahil umano sa signal fault matapos utusan ng railway infrastructure manager na ADIF.

Isang tren naman ng Renfe ang kalaunang bumangga sa nakahintong tren sa mataas na bilis.

Gayunman, sinabi ng Renfe na iniimbestigahan pa ang eksaktong sequence of events, traffic conditions at iba pang dahilan ng insidente.

May 147 pasahero umano ang sakay ng Iryo train habang 397 naman ang nasa Renfe train.

Hindi pa agad naglabas ang mga awtoridad ng kabuuang bilang ng mga nasugatan, habang nanawagan naman si Health Minister Mónica García sa publiko na mag-donate ng dugo.

Nag-activate na rin ang Renfe ng special assistance line para sa mga pamilya ng mga biktima, habang inilunsad naman ng Iryo ang emergency protocols nito.

Ito na ang ikalawang malaking deadly train accident sa Spain ngayong taon. Noong Enero, 46 katao ang nasawi sa isa pang banggaan ng high-speed trains sa Cordoba province.

Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng pinakahuling aksidente. RNT

The post 68 patay sa banggaan ng 2 high-speed train sa Spain first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/68-patay-sa-banggaan-ng-2-high-speed-train-sa-spain/feed/ 0
Diagnosis, operasyon ni Pope Leo sa lung cancer bumago sa pananaw ng Katoliko sa kalusugan https://remate.ph/diagnosis-operasyon-ni-pope-leo-sa-lung-cancer-bumago-sa-pananaw-ng-katoliko-sa-kalusugan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=diagnosis-operasyon-ni-pope-leo-sa-lung-cancer-bumago-sa-pananaw-ng-katoliko-sa-kalusugan https://remate.ph/diagnosis-operasyon-ni-pope-leo-sa-lung-cancer-bumago-sa-pananaw-ng-katoliko-sa-kalusugan/#respond Wed, 28 Oct 2026 04:24:47 +0000 https://remate.ph/?p=762233 VATICAN – ‎Nakaapekto ang diagnosis at operasyon ni Pope Leo sa lung cancer kung paano tinitingnan ng mga Katoliko ang kanyang kalusugan at pagka-Papa, ayon sa foreign minister ng Vatican nitong Martes, Oktubre 27, sa isang pambihirang pag-amin ng isa sa pinakamataas na opisyal ng Simbahan. ‎ ‎”It’s a bit of a gamechanger,” ani Archbishop […]

The post Diagnosis, operasyon ni Pope Leo sa lung cancer bumago sa pananaw ng Katoliko sa kalusugan first appeared on Remate Online.

]]>
VATICAN – ‎Nakaapekto ang diagnosis at operasyon ni Pope Leo sa lung cancer kung paano tinitingnan ng mga Katoliko ang kanyang kalusugan at pagka-Papa, ayon sa foreign minister ng Vatican nitong Martes, Oktubre 27, sa isang pambihirang pag-amin ng isa sa pinakamataas na opisyal ng Simbahan.
‎
‎”It’s a bit of a gamechanger,” ani Archbishop Paul Gallagher sa mga mamamahayag sa isang event sa Rome.
‎
‎Sumailalim si Pope Leo sa operasyon kung saan tinanggal ang bahagi ng kanyang baga noong Oktubre 13.

Sinabi ng kanyang mga doktor na localized ang cancer at hindi kumalat, at hindi na mangangailangan ng karagdagang gamutan ang Santo Papa.
‎
‎Samantala, tinalakay din ni Gallagher ang kamakailang ceasefire na napagkasunduan ng Russia at Ukraine upang payagan ang pagpasok ng tulong sa Russian-controlled na bayan ng Oleshky sa Ukraine.
‎
‎Sinabi niyang bagama’t kamakailan ay nakausap ni Leo sina Russian President Vladimir Putin at Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, hindi niya naniniwalang sangkot ang Vatican sa pagsasaayos ng ceasefire.
‎
‎Tinalakay din niya ang kasalukuyang kasunduan ng Vatican sa China hinggil sa pagtatalaga ng mga obispong Katoliko sa komunistang estado, at kinilala ang “imperfections” sa kasunduan.
‎
‎Ang kasunduan, na unang nilagdaan noong 2018, ay nagbibigay sa mga opisyal ng China ng ilang partisipasyon kung sino ang itatalaga ni Leo bilang mga obispo sa bansa.
‎
‎Sinabi rin ng arsobispo na inaasahan niyang maaaring bumisita si Leo, ang unang US-born na papa, sa Estados Unidos “in the not too distant future.” Ngunit sinabi niyang maaaring hindi ito mangyari sa 2027, depende sa mga nakatakdang gawain ng Santo Papa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

The post Diagnosis, operasyon ni Pope Leo sa lung cancer bumago sa pananaw ng Katoliko sa kalusugan first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/diagnosis-operasyon-ni-pope-leo-sa-lung-cancer-bumago-sa-pananaw-ng-katoliko-sa-kalusugan/feed/ 0
Paglalakbay ni Pope Leo sa South America, tuloy sa kabila ng operasyon https://remate.ph/paglalakbay-ni-pope-leo-sa-south-america-tuloy-sa-kabila-ng-operasyon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=paglalakbay-ni-pope-leo-sa-south-america-tuloy-sa-kabila-ng-operasyon https://remate.ph/paglalakbay-ni-pope-leo-sa-south-america-tuloy-sa-kabila-ng-operasyon/#respond Tue, 27 Oct 2026 08:58:55 +0000 https://remate.ph/?p=762048 VATICAN CITY – Tiniyak ng Vatican nitong Lunes na matutuloy ayon sa plano ang pagbisita ni Pope Leo XIV sa South America sa Nobyembre, halos dalawang linggo matapos siyang operahan dahil sa kanser sa baga. Sa pahayag ng Vatican, nakatakda ang Apostolic Journey ng Santo Papa sa Uruguay, Argentina at Peru mula Nobyembre 6 hanggang […]

The post Paglalakbay ni Pope Leo sa South America, tuloy sa kabila ng operasyon first appeared on Remate Online.

]]>
VATICAN CITY – Tiniyak ng Vatican nitong Lunes na matutuloy ayon sa plano ang pagbisita ni Pope Leo XIV sa South America sa Nobyembre, halos dalawang linggo matapos siyang operahan dahil sa kanser sa baga.

Sa pahayag ng Vatican, nakatakda ang Apostolic Journey ng Santo Papa sa Uruguay, Argentina at Peru mula Nobyembre 6 hanggang 17, 2026.

Sumailalim sa matagumpay na operasyon ang 71-anyos na papa noong Oktubre 13 sa Gemelli Hospital sa Rome upang alisin ang cancerous tumor sa ibabang bahagi ng kanyang kanang baga. Pinalabas siya sa ospital noong Oktubre 17.

Ayon sa kanyang surgeon na si Stefano Margaritora, nasa “absolutely satisfactory clinical condition” ang Santo Papa matapos ang operasyon.

Bagama’t sinabi ng doktor na walang klinikal na dahilan upang hindi ituloy ang biyahe, may ilang nagmamasid sa Vatican na nag-isip na maaaring baguhin ang iskedyul nito.

Noong Biyernes, inanunsyo ng Vatican na kanselado ang nakatakdang pagbisita ng papa sa Assisi sa Oktubre 27, alinsunod sa rekomendasyon ng kanyang mga doktor.

Ayon sa Vatican, sabik na sabik si Leo sa kanyang pagbisita sa South America.

“I am looking forward to returning to the continent where I’ve experienced so many moments of my life,” ani ng Santo Papa, na gumugol ng dalawang dekada bilang misyonero sa Peru.

Noong Miyerkules, sinabi ng Vatican na hindi na kailangan ng karagdagang paggamot ang papa dahil ipinakita ng mga pagsusuri na “localized” ang kanser.

Unti-unti na ring ipinagpapatuloy ni Leo ang kanyang mga gawain habang inaangkop ang araw-araw na iskedyul sa payo ng mga doktor upang matiyak ang kanyang paggaling.

Ayon sa Vatican, patuloy na binibigyang-pansin ng Santo Papa ang kanyang kalagayan at naglalaan ng sapat na oras para magpahinga. Nagpasalamat din siya sa mga panalangin at pagmamahal na natanggap niya mula sa iba’t ibang panig ng mundo. RNT/MDS

The post Paglalakbay ni Pope Leo sa South America, tuloy sa kabila ng operasyon first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/paglalakbay-ni-pope-leo-sa-south-america-tuloy-sa-kabila-ng-operasyon/feed/ 0
4 Pinoy na US residents, kasama sa kasong may kinalaman sa eleksyon https://remate.ph/4-pinoy-na-us-residents-kasama-sa-kasong-may-kinalaman-sa-eleksyon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=4-pinoy-na-us-residents-kasama-sa-kasong-may-kinalaman-sa-eleksyon https://remate.ph/4-pinoy-na-us-residents-kasama-sa-kasong-may-kinalaman-sa-eleksyon/#respond Tue, 27 Oct 2026 07:41:54 +0000 https://remate.ph/?p=762032 MANILA, Philippines – Apat na Pilipinong may US permanent resident status ang kabilang sa 48 noncitizens na kinasuhan ng US Department of Justice dahil sa mga paglabag na may kaugnayan sa halalan, ilang araw bago ang midterm elections sa Nobyembre 3. Kabilang sa mga kasong isinampa sa Pennsylvania, California, Florida, New York at Nevada ang […]

The post 4 Pinoy na US residents, kasama sa kasong may kinalaman sa eleksyon first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Apat na Pilipinong may US permanent resident status ang kabilang sa 48 noncitizens na kinasuhan ng US Department of Justice dahil sa mga paglabag na may kaugnayan sa halalan, ilang araw bago ang midterm elections sa Nobyembre 3.

Kabilang sa mga kasong isinampa sa Pennsylvania, California, Florida, New York at Nevada ang ilegal na pagboto, mapanlinlang na pagpaparehistro bilang botante at pagpapanggap na mamamayang Amerikano upang makapagparehistro o makaboto sa pederal na halalan.

Tatlo sa mga Pilipinong akusado ay mula sa California, habang isa ay mula sa Nevada.

Isa sa mga taga-California, edad 41, ang umano’y nagsinungaling tungkol sa kanyang pagkamamamayan nang magparehistro bilang botante at bumoto noong Nobyembre 2024. Ang dalawa pang akusado, edad 51 at 56, ay nagparehistro at bumoto rin sa halalan noong 2024. Umano’y nagbigay sila ng maling impormasyon tungkol sa kanilang pagkamamamayan at kasaysayan ng pagboto sa magkahiwalay na panayam para sa kanilang aplikasyon sa US citizenship.

Samantala, ang 44-anyos na Pilipina mula Nevada ay kinasuhan dahil sa umano’y pagboto bilang noncitizen sa isang pederal na halalan na kinabibilangan ng mga posisyon sa pagkapangulo, bise presidente, Senado at House of Representatives ng US.

Sa anunsyo ng US DOJ noong Oktubre 26, kasama ang tatlong Pilipinong taga-California na nauna nang nabanggit sa anunsyo nito noong Oktubre 19. May 13 akusado sa Central District of California na nahaharap sa mga kasong felony, kabilang ang pagbibigay ng maling impormasyon sa aplikasyon para sa naturalisasyon.

Batay sa mga anunsyo ng US DOJ, hindi bababa sa walong Pilipinong may US permanent resident status ang kinasuhan sa mga kamakailang kaso ng ilegal na pagboto at iba pang kaugnay na paglabag sa buong bansa. Dalawa sa kanila ang umamin na nagkasala.

Nauna nang naglabas ng paalala ang Philippine Embassy sa Washington, D.C., na tiyaking mamamayang Amerikano ang isang tao bago magparehistro o bumoto sa US. Nagbabala rin ito na maaaring humantong sa kasong kriminal at mga problemang pang-imigrasyon ang ilegal na pagboto. RNT/MDS

The post 4 Pinoy na US residents, kasama sa kasong may kinalaman sa eleksyon first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/4-pinoy-na-us-residents-kasama-sa-kasong-may-kinalaman-sa-eleksyon/feed/ 0