Home NATIONWIDE CBA-CPLA peace deal, pormal nang tatapusin ng gobyerno

CBA-CPLA peace deal, pormal nang tatapusin ng gobyerno

1
0

MANILA, Philippines – Pormal nang tatapusin ng pamahalaan ang peace negotiations kasama ang Cordillera Bodong Administration-Cordillera People’s Liberation Army (CBA-CPLA), isang dating armadong grupo sa Cordillera na lumaban para sa regional autonomy at karapatan ng mga katutubo noong dekada ’80.

Ayon kay Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Mel Senen Sarmiento, ang planong paglagda sa Completion Document ang magsisilbing pormal na pagtatapos ng implementasyon ng peace agreement at magsisimula ng bagong yugto para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran sa Cordillera.

“The President announced in his most recent State of the Nation Address that the stage is now set to bring the government’s historic peace process with the CBA-CPLA to its formal and meaningful conclusion after 15 years,” ani Sarmiento.

Binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang SONA noong Hulyo 27 ang pagkumpleto ng Cordillera peace process kasabay ng unang Bangsamoro parliamentary elections.

Ayon kay Sarmiento, ipinapakita nito ang pangako ng administrasyon na ipatupad ang lahat ng napirmahang kasunduan sa kapayapaan.

Nagsimula ang Cordillera peace process sa paglagda ng Mt. Data Peace Accord noong Setyembre 13, 1986 na nagtapos sa labanan sa pagitan ng gobyerno at CBA-CPLA. Sinundan ito ng iba pang kasunduan, kabilang ang Administrative Order No. 18 noong 2001 na nagsama sa ilang miyembro ng CPLA sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Noong 2011, nilagdaan ang Closure Agreement na nagtakda ng balangkas para sa normalization, socio-economic integration, community development, at pagbabago ng organisasyon.

Noong Hunyo 25, nilagdaan ng gobyerno at CBA-CPLA ang Substantial Compliance Agreement na kumikilala na natupad na ng dalawang panig ang pangunahing obligasyon sa ilalim ng 2011 Closure Agreement.

Ayon kay Sarmiento, ang susunod na hakbang ay ang paglagda sa Completion Document na maglilipat sa kasunduan sa yugto ng pagpapanatili ng kapayapaan.

“The Cordillera Peace Process is recognized as an exemplary model of genuine commitment and transparency in peacebuilding,” ani Sarmiento.

“With the Completion Document, we can expect a stronger, more resilient, and more united Cordillera that is determined to sustain and build on the gains of peace,” dagdag niya.

Samantala, tiniyak ni Sarmiento na hindi pababayaan ng gobyerno ang mga dating kasapi ng armadong grupo matapos ang paglagda sa mga kasunduan.

“There is always some concern among those who sign agreements that they will be forgotten afterward. That will not happen. It will not happen because the President follows the mandate of the Constitution,” ani Sarmiento.

Binigyang-diin din niya na ang kapayapaan ay isang proseso na nangangailangan ng panahon, patuloy na pakikipag-ugnayan, at pagtutulungan.

“Peace is a process that cannot be achieved overnight. Our agency remains firmly committed to doing things right. True and lasting peace cannot be rushed. It requires years of listening, understanding, and rebuilding together,” pagtatapos niya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here