MANILA, Philippines – Nanawagan ang Communist Party of the Philippines (CPP) nitong Miyerkules na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan sa gobyerno.
“Without a doubt, there is [an] urgent need to resume peace negotiations between the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) and the Government of the Republic of the Philippines (GRP),” ani CPP Chief Information Officer Marco Valbuena sa isang press release.
“Peace negotiations are not just about ending the armed conflict. They are, more importantly, about resolving the problems that give rise to the civil war,” dagdag pa ni Valbuena.
Idinagdag ng CCP na “the party and revolutionary forces welcome the possibility of resuming peace negotiations in order to serve as an additional platform for the people to assert their aspirations for social justice and genuine democracy.”
“At this point, the prospect of the NDFP-GRP peace negotiations moving forward depends greatly on how strong the Filipino people can raise their voices and collectively push the Marcos government to heed the long-standing clamor for genuine land reform and national industrialization and the demand for an end to the abuses of human rights and international humanitarian law,” aniya pa.
“The NDFP maintains a policy of keeping its doors open to any offer from the GRP to talk peace in accordance with mutually acceptable principles of national sovereignty, democracy and social justice,” dagdag pa niya.
Napagkasunduan ng gobyerno ng Pilipinas at ng NDF na ipagpatuloy ang natigil na negosasyong pangkapayapaan matapos lagdaan ng kanilang mga kinatawan ang magkasanib na pahayag para sa “isang prinsipyo at mapayapang resolusyon sa armadong tunggalian” noong Nobyembre 2023.
Noong Lunes, nangako si Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. na ipapatupad niya ang lahat ng nilagdaang kasunduan sa kapayapaan sa iba’t ibang grupo ng mga rebelde sa buong bansa.
”Sa diwa ng convergence, hinihimok ko kayong patuloy na makipagtulungan sa lahat ng stakeholder sa rehiyon tungo sa accountable, transparent, at people-centered sa pamamahala sa rehiyon,” sabi ni Marcos. RNT