Home NATIONWIDE Central Luzon gagawing merkado ng smuggled cigarettes P605 MILYON YOSI HULI SA...

Central Luzon gagawing merkado ng smuggled cigarettes P605 MILYON YOSI HULI SA BULACAN

332
0
Ipinapaliwanag ni Bureau of Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang ginawang operasyon na nagresulta sa pagkahuli ng higit P605 milyon ng mga puslit na sigarilyo mula sa China at Vietnam sa loob ng isang warehouse sa Plaridel, Bulacan. Kasama sa larawan sina Assistant Commissioner Atty. Vincent Maronilla at Deputy Commissioner for Intelligence Romeo Rosales (Paul Gutierrez).

MANILA, Philippines – AABOT sa higit P605 milyon na mga puslit na sigarilyo mula sa Vietnam at China ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa loob ng isang warehouse sa Bulacan na nagresulta rin sa pagkahuli ng tatlo katao.

Sa ginawang media presentation ng BOC sa pangunguna ni Commissioner Ariel Nepomuceno, Deputy Commissioner for Intelligence Romeo Rosales, BOC spokesperson, Assistant Commissioner Atty. Vincent Maronilla at Customs Intelligence Director Tom Narcise, natukoy ng Intelligence Group ang mga puslit na sigarilyo sa loob ng Warehouse 6, Phil-Asia Industrial Compound, Plaridel, Bulacan.

Ayon kay Nepomuceno, direktang pagpupuslit ang ginawa ng mga nasa likod ng insidente. Hindi aniya dumaan sa bakuran ng BOC ang kargamento na ipinuslit umano sa isang pantalan sa Vitas, Tondo, Maynila, bago ibiniyahe papuntang Bulacan.

Ang insidente ang unang malaking accomplishment ni Nepomuceno laban sa pagpupuslit ng sigarilyo matapos maitalagang Customs Commissioner noong isang buwan.

Sa imbentaryo, umabot sa 8,647 master cases ng sigarilyo ang naabutan ng BOC na may markang ‘Modern,’ ‘Commando,’ Bros,’ at Nise’ mula sa Vietnam at China.

Isang 45-footer container van na may laman pang mga sigarilyo ang kinumpiska rin ng BOC bilang bahagi ng mga ebidensiya. Sa imbestigasyon, dumating sa nasabing warehouse ang mga sigarilyo simula noong Agosto 22.

Ayon pa kay DCI Rosales, nasa kustodiya na ng BOC si Randy Guevarra Ngo, ang umupa sa warehouse at Benjie Deocave, ang driver ng trailer truck na pag-aari ng Elromyza Trucking Services na ginamit sa paghahakot ng mga sigarilyo. Kasama rin sa hinuli ang pahinante ni Deocave na hindi napangalanan.

Ayon naman kay Asscomm. Maronilla, naniniwala silang balak ibenta ng sindikatong nasa likod ng smuggling attempt ang mga sigarilyo sa ilang mga lugar sa Central Luzon.

Aniya pa, titingnan ng ahensiya ang mga probisyon ng RA 12022 o Anti-Agricultural Sabotage Act kung saan ‘no bail’ ang parusa sa mga smugglers dahil sa kasong “economic sabotage.”

Tiniyak din ni Comm. Nepomuceno na patuloy ang kanilang follow-up operation at “backtracking” upang mahubaran at masampahan ng kaso ang lahat ng sangkot sa insidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here