Home NATIONWIDE China, kinondena ni Lacson sa paglalarawan sa Pinoy bilang unggoy: ‘Masahol pa...

China, kinondena ni Lacson sa paglalarawan sa Pinoy bilang unggoy: ‘Masahol pa sila sa hayup’

6
0

MANILA, Philippines – Kinondena ni Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson ang paglalarawan ng China sa mga Pilipino bilang mga unggoy sa isang AI-generated video, at sinabing mas sumasalamin ang racist na paglalarawang ito sa karakter ng China kaysa sa sambayanang Pilipino.

“Kung unggoy ang turing nila sa mga Pilipino, ano sila kung pag-uugali at karakter ang batayan?” ani Lacson.

Inilathala ng China Daily, isang state-run media outlet ng China, ang AI-generated na video kaugnay ng 2016 South China Sea Arbitral Award. Nag-post din ito ng mga content na minamaliit ang Pilipinas at ang Arbitral Award.

Kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang naturang video, at tinawag ang paglalarawan sa mga Pilipino bilang mapanlait, mapagkait ng pagkatao, at rasista. Naghain ito ng formal diplomatic protest laban sa video at related content.

Diin ni Lacson, ang paulit-ulit na pangha-harass at pambu-bully ng China sa Pilipinas, lalo na sa West Philippine Sea, ay lalo lamang nagpatibay sa suporta ng pandaigdigang komunidad sa posisyon ng Pilipinas sa ilalim ng 2016 South China Sea Arbitral Award.

Itinuro rin niya ang paulit-ulit na paggamit ng Chinese Coast Guard ng water cannon at iba pang anyo ng pangha-harass laban sa mga sasakyang-pandagat ng Pilipinas na nagsasagawa ng mga lehitimong misyon sa West Philippine Sea.

Gayunman, muling iginiit ni Lacson na dapat puksain ng Pilipinas ang korapsyon at maging isang matatag na puwersang pang-ekonomiya upang maisulong ang modernisasyon ng sandatahang lakas at makapagtatag ng isang kapani-paniwala at epektibong kakayahang ipagtanggol ang bansa. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here