Home NATIONWIDE China nagdaos ng live-fire drills sa dagat malapit sa Luzon

China nagdaos ng live-fire drills sa dagat malapit sa Luzon

92
0

MANILA, Philippines – Nagdaos ng military drills ang China kabilang ang live-fire exercises sa dagat sa silangan ng Luzon.

Ito ay kasabay ng taunang drill na isinasagawa naman ng Manila at Washington na umaabot hanggang sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Mahigit 17,000 tropa mula sa US, Pilipinas at mga ka-alyado nito ang nagsimula sa taunang Balikatan military exercises ngayong linggo kung saan lumahok ang mga tropa mula sa Japan sa kauna-unahang pagkakataon.

Samantala, nitong Biyernes, Abril 24 ay nagsagawa ng aktibidad ang Southern Theater Command (STC) ng Chinese military kung saan tumutok ang Naval Task Group 107 nito sa live-fire shooting, sea-air coordination, rapid maneuvers at maritime replenishments para subukan ang integrated joint combat capabilities nito.

Wala namang komento ang Philippine embassy sa Beijing kaugnay nito.

Hindi na rin nagbigay ng karagdagang detalye ang Chinese military kaugnay sa timing o eksaktong lokasyon ng drill ngunit sinabi na ang exercises ay “necessary operation” ay tugon sa kasalukuyang sitwasyon sa rehiyon at sumunod sa international law.

“Forces of the STC will regularly conduct corresponding military operations based on the need of the security situation to safeguard national sovereignty and security as well as regional peace and stability,” sinabi pa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here