Home NATIONWIDE China nagkasa ng naval, air patrols sa Scarborough Shoal

China nagkasa ng naval, air patrols sa Scarborough Shoal

1
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng joint air at naval combat drills ang militar ng China sa Scarborough Shoal, sinabi ng People’s Liberation Army Southern Theater Command nitong Sabado, Agosto 1.

Idinaos ang drill sa airspace at katubigan sa paligid ng shoal na tinatawag ng China bilang Huangyan Dao.

Inilarawan ng Chinese military ang exercise bilang isang kinakailangang tugon sa aksyon ng “certain countries” na nagbabalewala umano sa regional peace at stability.

Hindi naman nito pinangalanan ang naturang bansa, ngunit kilala na ipinaglalaban ng Pilipinas ang Scarborough Shoal o kilala sa tawag na Bajo de Masinloc.

Wala pang komento ang Philippine Embassy sa Beijing kaugnay ng Chinese military exercises.

Layon ng exercise ang testing at pagpapabuti ng kahandaan ng pwersa ng China para idepensa ang national territorial sovereignty at maritime rights, ayon pa sa Chinese military.

Nitong Sabado ay nag-isyu ang China ng bagong polisiya para sa administrasyon ng Huangyan Island National Nature Reserve na itinatag noong Setyembre 2025, at sinabing ang anumang hindi awtorisadong pangingisda at harmful activities ay ipagbabawal.

Pananagutin ang mga lalabag dito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here