Home NATIONWIDE Northern Black Sea tinukoy ng Pilipinas bilang ‘full-scale armed conflict’ area

Northern Black Sea tinukoy ng Pilipinas bilang ‘full-scale armed conflict’ area

1
0

MANILA, Philippines – Inirekomenda ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pansamantalang pagpapahinto ng deployment ng mga Filipino seafarer sa Northern Black Sea matapos itong ibilang ng pamahalaan sa “full-scale international armed conflict” area.

Ayon kay Secretary Hans Leo Cacdac, inatasan na ng DMW ang mga ship manning agency “not to proceed with the ships carrying Filipino seafarers” to the area.

“We have received the security assessments from both the DFA (Department of Foreign Affairs) and the DND (Department of National Defense), and both the DFA and the DND had asserted, established a full-scale international armed conflict in the area,” sinabi ni Cacdac sa forum nitong Sabado, Agosto 1.

“Mataas po ang antas ng panganib, kaya’t kailangan pong wala po munang Filipino seafarers in that area,” dagdag pa niya.

Ani Cacdac, nag-isyu ang DMW ng abiso sa mga may-ari ng barko at manning agencies na siguraduhin ang kaligtasan ng lahat ng Filipino na nasa Black Sea na, kabilang ang 180 seafarers na nasa 12 barkong nasa lugar.

“[T]here are 12 ships carrying around 180 Filipino seafarers, unattacked, but still in the area. So, ang instruction namin is to bring all these Filipino seafarers, ng mga ship owners, to safer ground or safer port,” aniya.

Inatasan din ng DMW ang mga ahensya na pauwiin na sa bansa ang mga manlalayag sa 17 inatakeng barko sa Northern Black Sea.

Sa kasalukuyan ay nasa 89 Filipino seafarers na ang napauwi mula nang sumiklab ang gulo sa lugar noong Hulyo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here