Home IN PHOTOS Chinese New Year celebration sa Kyusi

Chinese New Year celebration sa Kyusi

 

QUEZON CITY – Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte, kasama ang mga opisyal ng lungsod at mga Chinese community ang makulay na pagdiriwang ng Chinese New Year sa Chinatown ng Quezon City sa Banawe Street ngayong Enero 29, 2025.

Tampok sa selebrasyon ang makapigil-hiningang dragon at lion dance performances na nagbigay sigla sa mga manonood, habang iba’t ibang pampaswerteng agimat at dekorasyon ang naka-display.

Ipinakita ng pagdiriwang ang matibay na ugnayan ng lungsod sa komunidad Tsino at ang pagpapahalaga sa mga tradisyong nagdadala ng kasaganahan at magandang kapalaran. (Danny Querubin)