LAGUNA – Nadiskubre ang mga putol-putol na bahagi ng katawan ng tao sa Marilaque Highway, Santa Maria, Laguna.
Una nilang natagpuan ang isang nabubulok na paa sa loob ng isang sako ng basura, at kalaunan ay nadiskubre pa ang isa pang paa at isang binti.
Isinasailalim na sa DNA testing ang mga natagpuan, habang patuloy ang imbestigasyon at koordinasyon ng pulisya sa mga kalapit na bayan upang maghanap ng karagdagang ebidensya. RNT