Isang lalaki sa Dumaguete City, Negros Oriental, ang namatay matapos aksidenteng mapana ang sarili sa mata gamit ang palaso habang nanghuhuli ng alimango.
Ayon sa kanyang kasama, nadulas siya kaya naganap ang insidente.
Nakapagsalita pa siya ngunit nawalan ng malay matapos tanggalin ang palaso.
Naligaw rin sila habang papunta sa ospital.
Hindi makapaniwala ang kanyang mga magulang sa trahedya. Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente. RNT