Isang security guard sa Laoag International Airport na si Rhea Taysa ang nakakita ng bag na may higit P146,000 at agad itong isinurrender sa mga awtoridad.
Ang bag, na naiwan sa upuan sa arrival area, ay naglalaman din ng pasaporte, mga ID, at lisensya ng 79-anyos na US national.
Ibinalik ito sa may-ari sa parehong araw, na lubos na nagpasalamat.
Pinuri rin ng CAAP si Taysa at ang airport staff sa kanilang katapatan at propesyonalismo. RNT