MANILA, Philippines – Inaasahang mararanasan sa Puerto Princesa City, Palawan, ang 42°C heat index sa Huwebes, Marso 20, ayon sa PAGASA.
Pasok ito sa “danger” category na maaaring magdulot ng heat cramps, exhaustion, at heat stroke.
Naitala na rin ang parehong init noong Miyerkules. Sa Metro Manila, aabot sa 36°C ang heat index sa NAIA, Pasay, habang 35°C naman sa Science Garden, Quezon City.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na manatiling hydrated, iwasan ang labis na pagbabad sa init, at magsuot ng preskong damit upang maiwasan ang sakit na dulot ng matinding init. Santi Celario