VATICAN CITY – Hindi na gumagamit ng mechanical ventilation si Pope Francis sa gabi habang patuloy siyang bumubuti mula sa pulmonya, ayon sa Vatican.
Ang 88-anyos na Santo Papa, na naka-confine sa Gemelli Hospital sa Roma sa loob ng halos limang linggo, ay wala nang lagnat at patuloy na nagpapagaling.
Bagamat patuloy siyang binibigyan ng oxygen sa pamamagitan ng tubo sa ilong, kontrolado na ang kanyang impeksyon.
Wala pang itinakdang petsa para sa kanyang paglabas sa ospital dahil mabagal ang kanyang paggaling.
Dahil sa kanyang edad at dating kondisyon sa baga, inaasahang magiging mahaba ang kanyang rehabilitasyon. RNT