Home NATIONWIDE Cold storage facilities tinitingnan para sa mga mangingisdang Pinoy sa WPS

Cold storage facilities tinitingnan para sa mga mangingisdang Pinoy sa WPS

53
0

MANILA, Philippines – SINABI NG Armed Forces of the Philippines (AFP) na tinitingnan ng gobyerno na magtatag ng cold storage facilities para sa mga mangingisdang Pinoy sa West Philippine Sea (WPS).

“We really go to these areas and look at their situation and kung paano po natin sila matutulungan. We have also reached out to the Department of Agriculture,” ayon kay AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla sa Kapihan sa Manila Hotel forum.

“Tinitingnan natin yung possibility ng cold storage facilities to be placed in salient points. So ang focus po natin diyan is patuloy po na ma-enjoy ng ating mga kababayan ang mga resources na nararapat po para sa kanila at para sa ating lahat,” dagdag na wika nito.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni AFP spokesperson for WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na patuloy na mino-monitor ng Pilipinas ang mga kaganapan sa lugar sa gitna ng alalahanin ukol sa mga aktibidad ng Tsina.

Ani Trinidad, sa ngayon ay wala pa namang namo-monitor ang mga awtoridad ng kakaibang reclamation activity subalit sinabi ang pangangailangan ng “persistent presence” at maritime patrols para ma-detect kaagad ang anumang posibleng kaganapan.

“It will not happen overnight. Malalaman naman natin kapag may ganoong actions. Secondly, there are different approaches in the toolbox of government. The military is only one approach,” anito.

“There are other instruments which are not under my purview. We have law enforcement, we have the diplomatic tool, we have the socioeconomic tool et cetera,” aniya pa rin.

Sa ulat, patuloy ang tensyon bunsod na rin ng pag-angkin ng Beijing sa halos lahat ng South China Sea, isang conduit para sa mahigit na $3 trillion ng annual shipborne commerce, kabilang na ang bahagi ng inaangkin ng Pilipinas, Vietnam, Indonesia, Malaysia, at Brunei.

May mga bahagi ng South China Sea ang sakop ng teritoryo ng Pilipinas kung saan binigyan ng bagong pangalan ng gobyerno bilang West Philippine Sea upang palakasin ang pag-angkin ng bansa. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here