Home NATIONWIDE Kiko balik-bukid, politika sa Senado isinantabi muna

Kiko balik-bukid, politika sa Senado isinantabi muna

56
0

MANILA, Philippines – Sa gitna nang lumalalang sigalot sa Senado, minabuti ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na bumalik sa bukid upang madinig ang hinaing at problemang kinahaharap ng magsasaka at mangingisda kaysa unahin ang pulitika.

Ayon kay Pangilinan, sa pahayag, pansamantalang ibinaling nito ang atensiyon sa pakikipagkonsulta sa stakeholders tulad ng magbubukid at mangingisda na pangunahin nitong adbokasiya na naghatid sa kanya sa serbisyo publiko.

Sinabi ng beteranong mambabatas na kahit walang bago sa political maneuvering, lantarang ibinaling ang sarili sa politicking, disinformation, at ad hominem attacks, kaya’t pinili ang pagtuoon sa reporma na kailangan sa agrikultura at sektor ng pangisdaan.

Nakatuon ang kanyang atensiyon sa pagpapaangat ng pamumuhay ng magsasaka at mangingisda, makamit ang food security at matiyak na mananatiling mababa at abot-kaya ang presyo ng pangunahing bilihin para sa ordinaryong Filipino.

“Walang humpay ang ating pagtugon sapang-araw-araw na pakikibaka ng manggagawa sa agrikultura at pangisdaan,” aniya.

Aniya, isang pamamaraan na maibabalik ang tiwala ng publiko sa Senado sa gitna ng kontrobersiya na tuparin ang mandato na ibinigay ng taumbayan sa mambabatas.

“In fact, yung Solid Bloc 11, ang aming layunin ay pabalikin o maibalik yung imahe at reputasyon ng Senado. How do we salvage after the scandal, after the shooting, itong sunod-sunod na maniobra na nakakalungkot? Yun ang layunin ng SB 11,” ani Pangilinan sa media interview sa sidelines of hing kanyang pagbisita sa Albay province upang konsultayin ang magsasaka at mangingisdahinggil sa epekto ng tagtuyot sa kanilang sektor.

“And kasama diyan, and I think kung ako ang tatanungin, isang mahalaga para manumbalik yung tiwala ay yung trabaho. Kaya ako narito kahit na maraming politika na nangyayari sa Maynila, sa Senado. Andito tayo sa Albay, andito tayo para isulong pa rin ang ating adbokasiya sa agriculture and fisheries,” ayon sa senador.

“Kumakalam ang sikmura ng ating mga kababayan. Nanganganib na naman na magdusa ang ating mga magsasaka at mangingisda sa nalalapit na El Niño. Ang pulitika naman laging naririyan, pero hindi makakapaghintay ang gutom at kahirapan na araw-araw hinaharap ng mga Pilipino. Sana diyan tayo tumutok at hindi sa pag-angkin ng kapangyarihan,” giit pa ng senador.

Kasabay nito, ipinahayag naman ni Pangilinan ang buong suporta sa itinayong Inter-Agency Task Force El Niño upang maibsan ang negatibong epektor ng tagtuyot na inaasahan sakaling dumatingm ang El Niño phenomenon sa huling bahagi ng taon.

Aniya, bukod sa umiiral na miyembro ng task force, dapat ilahok din dito ang Department of Agriculture (DA), the National Irrigation Administration (NIA), the Department of Trade and Industry (DTI), at Department of Finance (DOF) upang maisagawa kaagad ang kinakailangan pagkilos.

“May budget ang gobyerno para sa natural disasters, calamity relief, quick response
na dapat ma-mobilize. At syempre, kapag nagkaroon ng state of calamity declaration, yung pondo na mare-release para sa calamity funds,” aniya.

“So, lahat yan dapat inihahanda at tiyakin na pagka yung supply ng ating bigas dapat sapat. Kinakailangan tiyakin na pagdating dito sa El Niño, which they’re saying will hit us third and fourth quarter, ang interventions ng gobyerno in terms of cash for work, repair, and rehabilitation, yung mga budgets na yan dapat
ma-mobilize,” dagdag ni Pangilinan. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here