Home METRO College stude na gumahasa sa pamangkin ng suspek binoga, tigok!

College stude na gumahasa sa pamangkin ng suspek binoga, tigok!

ORIENTAL MINDORO- Patay ang isang 22-anyos na college student matapos barilin ng tiyuhin ng 21-anyos na babaeng umano’y ginahasa nito, kahapon sa bayan ng Pinamalayan.

Kinilala ni Police Lt. Col. Joel G. Paningbatan, hepe ng Pinamalayan Municipal Police Station, ang biktimang si Jayvieboy N. Bullos, may kasong rape taong 2023 at nakalabas lamang ito ng kulungan matapos magbayad ng piyansa sa halagang P60,000.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na kinilalang si Gregorio L. Mejico, soltero, 50-anyos at residente ng Pinamalayan, Oriental Mindoro.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang krimen ng gabi noong Huwebes sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad ang biktima patungo sa tindahan nang komprontahin ito ng suspek hinggil sa naturang kaso.

Dito, bumunot ng shotgun ang suspek at binaril ang biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan saka mabilis na tumakas.

Agad namang dinala sa ospital ang biktima subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doctor.

Naniniwala ang mga awtoridad na posibleng paghihingati ang motibo sa krimen. Mary Anne Sapico